{David's}
Bumalik na kaming lahat sa respective dorms/units namin. Nakatalukbong lang ako ng kumot ngayon sa unit ko. Making myself comfortable, but I'm not even close to that feeling. What the fuck.
Arghhhh, ano ba.
Nakakainis.
Shit.
Laging nagrerewind sa isipan ko ang away namin ni Gaby. Lalo na yung mga sinabi ko sa kanya. Double-meaning man yun, alam kong naintindihan niya yun. Ginulo ko ulit ang buhok ko at nagtalukbong ng kumot. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap, ni hindi ko din siya nabati ng Happy New Year. Itetext ko sana siya kaso.... pride is eating me.
Psh, bahala siya. Ako na ngang tutulong tapos ako pa ang itataboy. Tss.
Kakauwi lang namin nun galing La Union nang bigla akong tawagan ng Kuya niya gamit ang cellphone ni Gaby. Nung sinabi nilang nawawala si Gaby nataranta na ako, kahit medyo nahihilo at pagod pa ako dahil sa biyahe, hinanap ko na agad siya kung saan saan at tumakas na din ako sa magulang ko. Tapos pagdating ko dun, amoy sigarilyo na siya, tapos tinaboy pa ako.
"Sino ka ba para sabihan ako niyan ha?! Hindi kita kaano-ano, ni hindi kita boyfriend para sabihan ako niyan! Sila Joan, Ian at Jino, gayahin mo sila! KASI SILA HINDI SILA NANGINGIALAM SA BUHAY KO!"
Kainis. Bakit ba laging bumabalik sa isipan ko yan, badtrip talaga.
Pinipilit ko ang sarili kong makatulog pero hEindi talaga eh. Ayoko ring lumabas, baka makita ko pa si Gaby. Tss. Hinahanap ako ni Jino eh, sabi ko nasa condo lang. Bahala na sila kung pupunta sila dito, pero siguro andun sila sa College buildings kasi may club recruitings daw ulit eh. Sobrang pinaghahandaan pa naman yung mga ganun, kasi y'know, more members more funds.
Kaya sobrang tahimik ng paligid, for sure wala rin namang magste-stay sa mga rooms nila ngayon. For sure, naglilibot sila to greet their friends or what ever, whatever those socialites do.
Hrrrghhh.
I feel like I have ADHD. Hindi ako mapakali, parang nangangalay ako sa bawat pwesto ng higa ko. I transferred to my couch, I'm so stupid not to have thought of this earlier. It's so much better here.
Eeeeeeeeiiiiiiiiiiing, tap, tap.
Eh? mukhang may announcement ah? Ang bobo ng announcer, eh halos wala ngang tao sa building na 'to eh.
(note: may naka-install na speaker sa loob ng bawat unit sa condo na tinitirhan ni David. Inside the school campus ang condo na yun [explained in Chapter 1], so it is necessary for some school/building announcements)
"Ehem, ehem *clears throat* "
Huh? Biglang lumakas ang kabog ng puso ko, at napaupo ako.
"Hey, uhm, I wish you can recognize my voice, ehehe, it's been days since that incident and uh...."
She's stuttering.....
Gaby is stuttering.
Gaby... what are you doing....
"Basta kilala mo na kung sino ka! I'm sorry if I haven't said this earlier, I...I'm sorry if it took so long.... "
Para akong sasabog.
"....t-to gather all my strength... t-to say .... I'm really sorry
* guitar starts playing* "
*lub dub* *lub dub* *lub dub* *lub dub*
Napatulala na lang ako sa speaker na nakakabit sa dingding.
" Sorry na, kung nagalit ka, di naman sinasadya,
Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo, Pipilitin kong magbago
Pangako sa iyo.
Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito, na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto"
Gaby, hindi ako magsasawa sayo.....
"Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga,
Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit,
Sorry na talaga, sa aking nagawa,
Tanggap ko na mali ako, wag sanang magtampo
Sorry n-na.... "
I heard her voice cracking. Mukhang paiyak na naman siya. Napatayo ako. Mukha naman akong tanga kung kakausapin ko yung speaker diba?
"Gaby..." kinuha ko kaagad ang cellphone ko. Asan ka ba?
"Sorry na talaga"
At in-off na ang mic.
I'm trying to reach Gaby, but she won't answer. Instead nag text ako.
To: Gaby
Message:
Gaby, where are you?
Sumugod din naman ako sa techinical room, lahat ng office sinilip ko, baka sakaling nanduon si Gaby. I'm just new here, so tatanga-tanga pa ako sa mga pasikot-sikot ng condo na 'to.
Bzzt, Bzzt
From: Gaby
Message:
Same time, same place. :)
I'm sorry if I cracked.
Nasa lobby ako ngayon, may mga tao pa pala sa building na ito. Naririnig ko ang mga usapan nila tungkol sa babaeng kumanta. They were talking about how beautiful her voice was, nakakainlove daw, at ang sweet daw. They didn't know it was Gaby since Gaby barely spoke in class, and no has ever heard her sing.
But I knew it was her.
Gaby... pag nalaman nilang ikaw yun, madaming magkakagusto sayo.
Sunset time, one tree hill it is.
===================================*
Boto, Komento? KAHIT ANO! <3
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind
RomanceGabriella Ventura is a girl who has her own world. During her High school days at Auburn High (also a story) she was a snob, a smart girl and undeniably gorgeous. Boys swoon over her but she doesn't care at all, why? Because she already got her hear...