Chapter 24

72 1 2
                                    

BABALA: Brace yourselves. Mahaba-haba ito. Hahaha.

Dahil mahal na mahaaaal ko ang pinaka supportvie kong kaibigan, para sa'yo to! Grabe I love you sagad! <3 

========================================================

{Gaby's} 

From: David <3 

Mag Ingat ka palagi. Please. 

I love you. 

Received: 07: 55pm 

Ang hina talaga ng resistensya ko pagdating kay David. I felt the butterflies in my stomach, parang gusto nilang kumawala. 

I want to stay mad at him, but I can't. 

Naiintindihan ko naman siya eh, naiintindihan ko kung bakit siya nagalit. But I never thought that he would be shallow on this one. At saka.... Ang sakit niya magsalita at bigla-bigla niya na lang akong hinusgahan. 

Ewan ko, ang gulo-gulo ng isip ko ngayon. Ayoko nang mag-isip. Itutulog ko na lang 'to. 

*BAM! BAM! BAM!* 

"OY GABRIELLA! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" sigaw ng tao sa labas. 

Agad ko naman itong pinagbuksan nang walang pag-aalinglangan.

"Walangya ka Joan! Ano bang problema mo?!" sigaw ko kay Joan na nakapamewang pa. Bigla naman itong ngumiti at niyakap ako. 

"Wuhluh lung! Hmmmmmmm ang bango mo talaga Gaby!" bulong nito habang yakap-yakap ako. Agad ko itong tinulak palayo, "Anong mabango?! Thank you ah, but what you just said, and HOW you said it gave me the chills." I chuckled and rubbed my nape. Kinilabutan ako. 

"Ewan ko sayo! Nakausap ko pala si Papa David kaninang umaga lang, tapos feeling ko nung hapon hanggang gabi nagtraining yun kasi may dalang bag na malaki eh" binigyan ako ni Joan ng malaking ngiti, kasabay ng paggalaw ng kilay niya ng taas-baba taas-baba. 

"Err, what's with that look?" I said with my brow raised. Joan was holding her malicious smile and she went straight to my bed. She quickly grabbed my arm. Napahiga na din ako sa kama.

"Yiee, miss mo na noh?" Joan was holding her cheeks while she was blushing. What the actual fk. I hissed at her.

Pero ano daw? Nakausap niya si David kaninang umaga? Hm, san kaya nagpunta si David ngayon? Ano kayang ginagawa niya kaninang umaga? Mag-isa lang ba siya? Wala siyang class ngayon eh, bakit nasa labas siya ng dorm  niya? Siguro  kung hindi kami nag-away, kumakain siguro kami sa labas tsaka namamasyal, o kaya baka bisitahin namin si Katy. Siguro kung nakinig lang siya sakin---

"OY!" bigla akong binatukan ni Joan.

Aba! "ANO BA?!" binatukan ko siya bilang ganti. 

"Nags-space out ka babae! Nakatulala ka oh?! HELLO!? I'm here!" sabay wagayway niya ng kamay sa akin. Natawa naman ako kay Joan, at biglang naging seryoso ang mukha niya. 

"Andito ako, kasi UNA! Madami akong dalang movies, manunuod tayo hanggang magsawa ka sa pagmumukha ko." 

Nagtaka naman ako, "Hindi naman ikaw ang papanuorin ko" 

Natahimik siya at tinitigan lang ako, "Okay, go on." pagpapatuloy ko. 

"Second, gusto kong may kasama ka ngayon, because I KNOW that you're lonely, magulo isip mo, kaya wag ka munang mag-iisip ngayon" Joan giggled, and I giggled with her too. We went straight to the living room, nakaupo na si Joan sa sofa habang ako naman ay kumukuha ng chips. Bago pa man ako makadating ng living room ay napatigil ako ng makita ko ang sofa. 

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon