I despise drawing......
Naka-bow down ako sa seat ko. Hindi ako na-late. May mga mas late pa nga sa akin eh. Habang nakabow-down ako at nakapikit, gusto ko nang pumatay ng tao sa ingay. Okay lang naman mag-ingay pero masakit na kasi sa tenga.
"JOAN" isinigaw ko ng konti para marinig ako ng katabi kong si Joan na matagal ko nang kaibigan, dito na kasi ako lumaki sa school na 'to na nago-offer din ng Pre-school to College.
"Oh? Gabriella gising ka pala?" nagtatakang sagot niya. "Yea, pakigising naman ako pag dumating na si ma'am, thank you!" nag thumbs-up na lang ako kahit nakatungo. Di na sumagot si Joan pero alam kong okay lang yun sa kanya, sanay na yun sakin. Pero kasi maingay talaga, kaya di ka rin makakatulog....
"Class! Okay, your papers are being passed around, so just get your paper and repeat your drafts! May mga iilan lang ang maayos ang gawa kaya hindi na kailangang ulitin. So go! Do it now! *clap clap*"
Kaunti-unting umaangat ang ulo ko habang minumura sa isipan ko ang prof ko. Bwisit na yan, may papalakpak-palakpak pang nalalaman... batuhin ko yung compass sa kanya eh.
Matagal bago dumating yung mga papel sa lugar ko, kung san san na kasi napunta, nasa likod din kasi ako nakaupo. Bahala na silang magkagulo dyan sa papel, kung anong matira akin na yun. Eto namang si Joan nakikipag usap sa boylet niya na nasa harap namin. Yung katapat ko tulog so yung gising yung kinakausap niya (sa malamang lang). Hindi ko naman siya masisisi kung antukin siya sa klase na to eh. Kahit ako gusto ko ding matulog pero, wala eh, "good girl" ako.
Hawak-hawak ko ang compass ko at nililipat ko lahat ng inis ko sa compass na yun. Malapit ko na siyang itapon sa lapag kasi hindi talaga ako mapakali, gusto kong mang-away. Di ko alam kung bakit galit ako sa mundo! "Sht kang drawing class ka" bulong ko sa sarili.
Nawala lahat ng galit ko ng makarinig ako ng tawa. Aba, sino yun ah? I'm having a moment here. Ayun naman pala eh, yung lalaking tulog kanina, ABA! nabuhayan ng diwa! Loko to ah, panira ng moment. Pero ano ba yung pinagtatawanan niya?
Syempre kaming mga tsismosa, Tumingin kami ni Joan sa papel na pinagtatawanan ng mokong na 'to. Nakikitawa din si Ian, kaibigan ko din, since Highschool, siya pala yung dinadaldal ni Joan kanina.
"Hahaha! Tingnan mo oh" tinuturo nung lalaki kay Ian yung papel, Ano nga bang mali sa papel na yun? Hmmm ah, Haha! Ano ba yan! May butas yung papel! Haha! Nasobrahan sa paggamit ng compass nabutas na! Haha! Sino nga ba naman ang hindi matatawa dyan?!! Hahaha!
"Grabe yan gumamit ng compass ah! HAHA kanino ba yan?!" sabi ni Ian.
Oo nga, kanino ba yun? Meron na si Joan, meron na din yung isa, meron na din si Ian, tiningnan ko yung iba kong ka-block at meron na din silang lahat. So........ ha...la...
"HALAAA! AKIN PALA YAAAN!" napasigaw ako! Pero hinayaan ko na lang, mabilis kong inagaw yung papel sa pagkakahawak nung mokong na walang hiya na tinawanan yung papel ko! Arghhhh nakakahiya!
"Hahaha! sayo naman pala Gab eh! Tawa-tawa ka pa dyan kanina ah!" pang-aasar sa akin ni Ian na nahalata ata akong nakatingin at natawa sa papel kanina. "Heh!" pagsusungit ko kay Ian. Bitayin ko siya dyan eh. "Yan! ginalit mo na naman si Gaby!" saway ni Joan kay Ian. I was slouching and looking at my paper in disgust. Nakakainis tingnan pero nakakatawa din at the same time.
"Oh oh, baka bumanat ka din ah, nako wag mong gagalitin yan si Gab, nangangain yan" inasar na naman ako ng hinayupak na Ian na 'to. Nako nako talaga! Umayos na ako sa pagka-upo at tinuro ko ang hintuturo ko kay Ian "Oy Ian umayos ayos ka at malapit ko nang bunutin ng buo yang goatee mo!" pagbabanta ko kay Ian.
I heard the guy in front of me chuckled. Tiningnan niya muna si Ian, tapos ako. Yung tingin niya pang-asar! Ewan ko pero parang may kirot akong nararamdaman sa tingin niya eh.
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind
RomanceGabriella Ventura is a girl who has her own world. During her High school days at Auburn High (also a story) she was a snob, a smart girl and undeniably gorgeous. Boys swoon over her but she doesn't care at all, why? Because she already got her hear...