Chapter 23.1

58 1 1
                                    

{David's}

Iniisip kong simpleng 'misunderstanding' o away lang ang nangyari sa amin ni Gaby, pero hindi mawala sa isip ko na baka yun din ang maging dahilan kung bakit niya pipiliing lumayo sa akin. Sa totoo lang nagsisisi ako sa sinabi ko kay Gaby, alam ko namang hindi siya ganung klase ng babae. Alam ko yon, alam na alam ko yon. Nadala na lang din siguro ako ng inis. Pero mali ba ako? Maling-mali ba na magalit ako? Kahit kaunti lang? Kahit tampo lang? Gustung-gusto na kitang angkinin Gaby, pero mas lalo kong ginagawang imposible.

Mas lalo kong nararamdaman na imposible. 

Mag-isa akong nakaupo sa bleachers, pinapanood magtraining ang football team. Hindi ko pa rin nakakausap hanggang ngayon si Gaby. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kanya, ayaw niya rin siguro akong makita. Bakit ko ba kasi nasabi yun? Agh! Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan! Napatakip ako ng mukha at nararamdaman ko ang pag-init ng mukha ko. 

"Hindi ko na alam gagawin ko" pabulong kong sabi habang ginugulo ang buhok ko.

"Wow, David. You look like a mess..." 

Eh? Hinanap ko kung saan galing ang boses, at nakita ko si Joan na papalapit sa akin. 

"Do you mind if I?" tapos sumenyas siya na tatabi daw siya sa akin. Umiling ako, at agad naman itong umupo sa tabi ko. "David, anong nangyari?" 

Mukhang nagsabi na si Gaby kay Joan, hindi na rin ako nagulat dahil si Joan lang naman ang pinagkakatiwalaan ni Gaby na babae. "Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko, padalos-dalos na naman ako kung magsalita..." matamlay kong sagot. 

"AY NAKO DAVID!!!! ALAM MO BANG MAHIRAP KUNIN ULIT ANG TIWALA NI GABY??!" hiyaw ni Joan habang hila-hila ang tenga ko. Napapa-"ah" na lang ako sa sakit. She's such a sadist! Just like Gabby... tumigil bigla si Joan at nang tiningnan ko siya ay pinagmamasdan niya ang mukha ko, na parang naaawa. 

"Masakit sa kanya na hinusgahan mo kaagad siya David..." Joan was looking through my eyes. "Dati natatakot lang siya na baka iwanan mo siya nang bigla-bigla, ngayon sayo na siya natatakot." Joan chuckles. "She always thinks that she's not good enough for you... You might say it's quite stupid of her to think like that, but she does, she always does. She's afraid that she wouldn't be enough, at magsasawa ka rin sa kanya, at iiwan mo din siya ng biglaan katulad ng ginawa ni Jino" 

She continues, "David, kakabukas niya lang ulit ng puso niya para sayo, pero UGH!" di na matuloy ni Joan ang sinasabi niya at mukhang nafru-frustrate na ito. Napa-iling na lang ito, at tumingin sa field. Kumaway si Joan sa field, napatingin ako sa field at nakita ko si Ian na nagt-training na din pala. Hindi ko man lang napansin, kanina pa yata siyang nandyan. 

"Kamusta na siya? Asan siya?" bigla kong tanong kay Joan. "Kahapon kasama niya yung artistahin na yun, yung pinagselosan mo? Si Kevin ba yun?" mabilis na sagot ni Joan. Bakit kailangang pahabain niya pa at i-expand ang sagot niya? Badtrip naman.

"Sabi ko, kamusta na siya, at nasaan siya ngayon. Hindi ko tinatanong kung sinong kasama niya" dahan-dahan kong sagot. 

"Oops, sorry. Hihi. Well, I know she's not okay even if she doesn't show it. Hindi pa tapos yung tour nung Kevin, bukas pa matatapos. Pero sabi ni Gaby, siguro ngayon tatapusin niya na daw, para wala nang sagabal bukas. Take note, those were her exact words. You know, the typical Gaby, haha. TSAKA... ANTARAY MO AH!" sabay pingot na naman sa akin, aaaagghh habang tumatagal sumasakit lalo ang pagpisil nito sa akin!!!

 "MAY DALAW KA BA NGAYON HAH?! BAKLA KA BA?" 

"aray aray aray aray aray bitawan mo na ako maawa ka na sige na aray aray aray" pagmamakaawa ko, maiiyak na ata ako sa sakit! Binitawan niya naman ako, at agad nang tumayo at nag-unat. 

Nakapamewang ito at tumingin sa akin. "Gawan mo ng paraan yan David. Gusto kita para kay Gaby. Kaya humanda ka sakin kapag hindi kayo nagkabati." pagbabanta nito.

"Hindi ka galit sa akin?" pagtataka ko. 

"Hindi, hindi naman ako si Gaby at saka siguro it's your other personality. Imposible namang sobrang bait mo diba? Ah basta! Just watch your words next time. Maaayos pa yan. Osha, alis na ako at pagmamasdan ko ang hot na hot kong boyfriend. Hahahaha!" tumakbo na si Joan at agad na pumunta malapit kay Ian.

Akala siguro ni Joan susukuan ko na si Gaby.

Well, it won't happen.

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon