Chapter 22

73 1 1
                                    

Inaamag na ako kakahintay duon sa bisita ng school namin, nakakainis, pwede naman kasing magsearch na lang sa internet o kaya magpaimbestiga na lang tungkol sa school namin, mayaman naman siya eh. Kailangan pa talaga ng tour? Hay. Buti na lang isa lang ang class ko, pero imbes na makapagpahinga ako o kaya naman maka-aral eh may aasikasuhin pa ako. :( 

Ang pangalan niya'y Kevin Drake Fernandez, meeting place namin ay sa Dean's office. Nakaupo lang ako dito, habang ang Dean ay busy kakapirma ng kung anu-ano. Binabasa niya ba yung mga yun? Hmm, I wonder. 

May kumatok at bumukas na ang pinto, napatayo ako sa kinauupuan ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? Para akong nakakita ng multo. Napalunok na lang ako, at tuluyang napanga-nga. 

Siya ba si Kevin? 

"Mr. Fernandez, it's nice to have you here" agad siyang kinamayan ng Dean, nginitian niya ito ng tipid at tumingin agad sa akin. 

Siya, siya yung lalaking nakasayaw ko nung Christmas Party. Yung lalaking napakalakas ng karisma, at iniwan akong nakanganga sa gitna ng madaming tao. Hanggang ngayon hindi ko pa rin inaakalang makikita ko siya ulit, ni hindi ko din alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Paano nga ba?! Argh, nafrufrustrate na naman ako. Naglalakad kami ngayon palabas ng building at pinagtitinginan kami ng mga tao. 

I took a glimpse of him, and he was smiling casually. Akala ko ba ayaw niya ng atensyon? Kahit naka-polo at khaki pants lang ito, he was a natural head turner. Bigla niya akong tiningnan at umiwas agad ako ng tingin. What's with this guy? He's too charming. Kung baga "makalaglag panty" ang kagwapuhan niya. 

Biglang nag ring yung phone ko, tumatawag si Ian. Sakto nakalabas na kami ng building, "Uhm, excuse me for a sec" I smiled at him, and he nodded at me with a smile. 

WHAT KIND OF HUMAN BEING IS THIS?! Kahit ako hindi makatakas sa charms niya. 

"Hello Ian?" 

"GABYYYY!!! Si David 'to!" masiglang bati ni David

"Eh? Bakit mo ginagamit phone ni Ian?" mabilis naman ang paggaling ni David, kaya bumalik na ito sa dati na sobrang masigla. 

"Namatayan ako ng phone ehehe.... oyoyoyoy wait lang kausap ko pa si Gaby!" nagkakagulo sa kabilang linya, mukhang nag-aagawan na naman sila ng phone, "OY GABY! Wala ka na daw sunod na klase sabi ni David, memorize niya na yung schedule mo ah... (blahblahblah)" 

I can't stay longer on the phone, tiningnan ko si Kevin na hinihintay ako. Errr, that isn't how you treat a guest! Lagot ako sa Dean nito. 

"Wait hold up Ian!" napatigil naman si Ian sa pagsasalita. Niyayaya niya akong lumabas kasama si David, sa Frederico's point daw, sa Iceberg's. "Err, I can't go Ian... I'm kinda busy..." 

"Oh..." yun lang ang nasagot niya, mukhang na-disappoint si Ian. "Hey, di ka daw makakasama? Tama ba?" na kay David na yung phone. 

"Yea, I'm really sorry... I'm occupied right now" actually I am fully occupied, day tour eh. 

"It's okay Gaby, see ya next time!" he chuckled. Ughh, he makes me weak. (dreamy vibes) 

"Okay, bye bye" 

"Ay Gaby, uhm ano... uhm" 

"Yes?" 

"I...I....uhm... wala! sige na nga bye na" bigla niyang pinatay yung phone. 

Natawa ako ng kaunti kay David, he's a man of few words, hirap man siyang magsabi ng nararamdaman niya pero lagi niya namang napapakita. It's enough for me. :) 

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon