"I need a female clown, Gaby. At ikaw na yun"
Ano bang iniisip nitong si David! Di ako clown! Joke lang yung sinabi kong may lahi akong clown!
"Oy baliw ka ba?! Joke lang yung sinabi kong may lahi akong clown! Maghanap ka ng ibang clown! Wag ako! Ah basta wag ako! ayoko ayoko talaga!" Napapailing na ako sa mga naiisip ko, iniisip kong magsusuot ako ng costume ng clown at pagtatawanan lang ako ng hayop na 'to!
"Haha! oy kalma ka lang! Namumula ka na naman oh" sabi ni David sakin habang natatawa.
"Nakakainis ka! Kaya mo ba ginawa yan template ko ah?! Nako kung gusto mo gawin ko ulit eh!"nakakainis na kasi! ayoko feeling ko joke lang yung tungkol sa sister niya!
"Sige nga ulitin mo"paghahamon niya sakin.
"Ha?" natulala ako, ayoko ulitin yung template. "Babayaran na lang kita promise! Name your price!"
"Hmmm, Pay me with your service."
WALANGYA. AYOKO NGA MAGING CLOWN.
"BALIW KA BA?! UGH." na-sense ko nang pinaglololoko ako nito eh. Ay nako, nako talaga! "Kaibigan mo ba si Ian?" tiningnan ko siya ng marahan, para alam niyang seryoso ako. Nagulat siya, "Ha? Oo..." syempre nagulat siya sa pabigla kong tanong.
"Oy Ian!" lumingon naman si Ian at Joan samin ni David. "Pakilayo naman 'to sakin, konti na lang talaga masasaktan ko na 'to" natawa silang tatlo sakin, "You already did" David whispered.
"Oh, kinukulit ka ni David?" tanong ni Ian sakin.
"Ian please, ayoko sa kanya, ilayo mo na 'to sakin!" Natawa naman si Ian pati Joan pero si David... nakangiti lang.
"Grabe ka naman Gaby, David okay ka lang?" tanong ni Joan kay David.
"Ha? haha! syempre naman! hahaha!"
Napakamot lang siya ng ulo at tumawa, pero ang lungkot ng tawa niya. Oo, tumawa siya, pero hindi kagaya ng mga tawa niya kanina. Kahit nakangiti bakas sa mukha niya ang lungkot.
Have I gone too far?
"Sige alis na kami ni Joan! Cut na kami, paki-pass na lang ng papers namin Gab. Thanks!" pumayag naman ako sa sinabi ni Ian at iniwan na nila kami ni David. Nakokonsensya talaga ako. I think he's only being friendly & playful pero nasobrahan naman ako sa sinabi kong "ayaw ko sa kanya". Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, pero kasi ang kulit niya eh. Pero ayoko din naman ng ganito ka-awkward.
Nagd-drawing na lang siya sa notebook na dala niya at hindi na niya ako kinakausap. Ang awkward. Kakausapin ko ba siya? Hay. Ano ba 'to. Ang lungkot naman.
"Psst, uy" syempre di ako makatiis at ako na ang nag-approach.
"Oh?" sagot niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagd-drawing, di ko makita yung drawing niya. Pero di na mahalaga yun, kailangan kong malaman kung nasaktan ba siya sa sinabi ko.
"Uy, galit ka ba?" napatigil siya sa pagd-drawing nung narinig niya yung sinabi ko.
Nginitian niya ako at sabay sabing "Hindi ah..."
"Oh? Eh ba't parang nag-iba mood mo?"
"Moody ako eh."
"Kalalaking tao, moody. Meron ka ba?" panloloko ko sa kanya.
"Hindi..." ngumiti lang siya at tinuloy niya lang yung drawing niya.
matapos ang dalawang minuto....
Diyos ko po, mamamatay na ata ako sa katahimikan!!!
Inilapit ko ang upuan ko sa upuan ni David at hindi ko na talaga kaya, kinakain na ako ng konsensya ko.
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind
RomanceGabriella Ventura is a girl who has her own world. During her High school days at Auburn High (also a story) she was a snob, a smart girl and undeniably gorgeous. Boys swoon over her but she doesn't care at all, why? Because she already got her hear...