Chapter 14

83 2 0
                                    

{Gaby's} 

*BZZZZZZT* *BZZZZZZZZT* *BZZZZZZZT* 

Bigla akong nagising sa panginginig ng kama ko. Umaga na pala, nakatulog na pala ako. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang ang sakit ng ulo ko...

*BZZZZT* *BZZZZZT* 

Eh nasaan ba cellphone ko? -_-

Hinanap ko sa mga  bundok ng mga unan ang cellphone ko, 

Pogito (David) Calling.......

nang sinagot ko ito ay humiga ulit ako sa kama ko... 

"Mmmmm?" I answered like a zombie

"GABY! MAGSKYPE KA DALI!!!!" sigaw nito 

"HUH?! BAKIT KAKAGISING KO LANG ANO BA HINDI PA AKO NAKAKABIHIS" 

"EHHH OKAY LANG DALI!!!" tapos binaba niya na yung call.

=_= 

pasaway talaga itong si David kahit kailan. Binuksan ko naman agad ang laptop kong naka-sleep lang naman. Binuksan ko kaagad ang skype. Habang hinihintay ko ang tawag ni David, nakita ko na din ang hinandang breakfast sa akin ni Manang Puring. Kahit kailan talaga ang sweet ni Manang sakin, breakfast in bed ang peg. Mainit-init pa yung chocolate kaya humigop na din ako.

Tumawag na si David at inaccept ko naman agad, nasaan nga pala yung headset ko? Tumayo na ako't hinalungkat ang kama ko, baka nakakalat lang dito.  

Arghh, di ko talaga mahanap. I gave up at bumalik na ako sa laptop ko. Nakikita ko ngayon si David, tulala. 

"Oy pogs!" natauhan naman ito sa tawag ko. 

"Uhm...G-gaby.... h-hindi mo naman kailangang mag-ayos..." sabi niya ng pautal-utal pa. Namumula ito at mukhang gulat na gulat ito sa itsura ko. "Ha?" tiningnan ko ang sarili ko sa screen. 

"AY OO NGA PALA!" bulalas ko. David gave me a questioning look. 

"Sabi mo di ka pa nagbibihis? Eh ba't parang pupunta ka ng prom?" tanong niya.

"Kagabi pa kasi 'to! Sabi ko naman sayo eh, di pa ako nakakapagbihis... magpapalit na nga muna ako, nagmamadali ka ba? Ano ba yung papakita mo at minadali mo pa ako?" tanong ko sa kanya. Natigilan ito sa pagngiti...

"You don't look comfortable with those clothes, palit ka muna. Hintayin kita." 

Sinunod ko na lang at naghilamos na lang ako. My Goodness, hinarap ko si David sa webcam ng ganito itsura ko. Para akong galing sa prom at nagpakalasing. Ugh, haggard. Nagpalit na ako ng shorts at oversized shorts at naghilamos na din ako. Agad ko namang binalikan si David sa skype. 

"Oy Pogs, andito na ako" 

"Hiiiii, bagong hilamos ah" 

Hindi na ako nagsalita pa, ang gwapo talaga ni David. Mukhang mas fresh pa siya kaysa sa akin. Naka V-neck shirt na puti ito, at nakashorts na black. Sobrang cute nito at parang excited na excited na makipag-skype. Ilang araw din kaming hindi nagparamdam sa isa't-isa, kaya kahit ako excited din, na-miss ko 'tong bestfriend ko! :') 

"Bukod sa na-miss mo ko, bakit ka nakipagskype?" inasar ko ito, at mukhang i-dedeny niya pang na-miss niya ako. Hahaha! 

"Para batiin ka syempre!" sabik nitong sinabi. Hah, ano bang meron? 

"Anong meron?" tanong ko. Nagulat ito sa tanong ko, pero ngumiti ulit ito. 

"Merry Christmas, tabaching! Ching! GABY!!!" masigla nitong bati. Natuwa naman ako kay David, mukhang ang saya saya nito. Kabaliktaran ko si David, masaya ang pamilya niya. For sure kasama niya pamilya na sa bahay nila kagabi at sabay sabay nilang sinalubong ang Pasko. 

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon