Chapter 5

86 1 2
                                    

"Nakakainggit naman siya!"

Dinala ako ni David sa mall, buti na lang nakaabot pa kami. 8 pm na, at sandali na lang magsasara na ang mall. 

"Aysh, tsk, ano ba tulungan mo naman ako!" reklamo sakin ni David habang namimili ako ng ireregalo niya.

"Hmmm..." tinitingnan ko ng mabuti ang mga top choices namin. Psh ano ba naman 'to, akala ko pa naman memorize niya ang taste ng reregaluhan niya.

Nakapili na ako.

Bago ko ito sabihin kay David, tiningnan ko muna siya, halatang-halata na kinakabahan siya at natatakot na baka mali ang mapili niya. At kagaya ko tinititigan niya ding mabuti ang top 3 namin.

Bigla niya akong tiningnan, "Ano na?"

"Nakapili na ako, girly siya diba? Iyan ang bilhin mo" sabay turo, "Sa tingin ko, magugustuhan niya yan. Hm, kung ico-compare mo ito duon sa isa, mas simple nga ito, pero mas elegant itong tingnan. Hindi over the top. Base naman sa mga kwento mo, feeling ko bagay ito sa kanya." nginitian ko siya pagkatapos kong magsalita.

Matagal bago mag sink-in sa kanya ang sinabi ko, nag-isip muna siya ng ilang minuto bago niya ito tuluyang bilhin at pinabalot na din.

Pagsakay namin ng kotse, tiningnan niya lang ako nang parang nag-aalala.

"Wag kang mag-alala, maa-appreciate niya yaan!" sinabi ko iyon with conviction, para damang-dama niya! Haha!

Nginitian lang ako ni David at nagsimula nang mag-drive. Tahimik lang siya, at halatang malalim ang iniisip, kaya hindi ko na lang muna siya ginulo.

Sa ilang oras na naiwan kaming dalawa sa loob ng kotse, hinding-hindi maiiwasang maging malapit kami sa isa't-isa. Lalung-lalo na nang nalaman kong madami kaming similarities! At syempre hindi nawawala ang differences.  Parehas kaming matakaw, at pagdating sa pagkain magkakasundo kami dahil wala kaming pinipili! 

Sa ilang oras na nakasama ko si David, hindi nawawala ang asaran, pikunan at pisikalan. 

--------------------

"Gaby andito na tayo...." 

Nagising ako sa sinabi ni David, "Tara na..." 

Dire-diretso siyang pumasok sa bahay, "Gising pa ba siya Ate Den?" tanong niya sa katulong  na agad agad naman siyang pinagbuksan ng geyt. "Di ko po sigurado sir eh, pero kakapasok niya lang po sa kwarto niya..." sagot ng katulong. Tiningnan ko lang si David na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay, dito na lang ako sa labas, hihintayin ko na lang siya dito. 

"Ma'am, pasok po kayo..." alok sa akin ng katulong. "Ah wag na, okay lang ako." sagot ko sa kanya. 

"Ma'am, papagalitan po ako ni sir pag di kayo pumasok", na-alarma ako sa sinabi niya. 

"Sabi ko nga papasok na ako, hehe, salamat ate" natawa din ang katulong sa akin, agad agad naman akong pumasok sa bahay. Pagpasok ko, nag-signal sakin si David na sumama sa kanya sa taas. Nilapitan ko siya...

"Ang laki-laki mo na nagpapasama ka pa", naiinis kong bulong sa kanya. Kumunot lang ang noo niya, at iniabot sakin ang regalo, "Sayo muna yan... hawakan mo lang." 

Umakyat na kaming dalawa, tumayo siya sa tapat ng pintuan na may mga disenyong mga bulaklak, parang garden. Nakakainggit talaga, gusto ko din ng ganung pintuan. 

"Katy, Katy~" kanta ni David, sabay katok sa pintuan, tuloy-tuloy pa din siya sa pagkatok sa pintuan, "Katy...." mukhang nalulungkot na si David, mukha na siyang hopeless. "Uy, David, baka... tulog na siya..." bulong ko at tiningnan niya lang ako ng masama.

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon