Chapter 20

57 2 1
                                    

"Yieee ikaw talaga Gaby! Waaah!" niyayapos ako ngayon ni Joan, habang ako nama'y gulat na gulat sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi, tinitingnan ko lang siya at pulang-pula ang mukha nito.

"enenmerun??" pinipisil naman ni Joan ang mga pisngi ko, naka fish face na ako ngayon. Niyakap niya ako at para itong batang tumatawa,gumagawa na talaga siya ng eksena dahil nakatingin na sa amin ang iba kong ka-block

"Eh? Joan?! Kumalma ka!" sigaw ko pagkahiwalay ko sa kanya.

"G-gabyyyyy! Nililigawan ka na pala ni David!!!! kyaaaa!" at umasta itong parang kinikilig/epileptic/may sira sa ulo.

I felt blood rushing through my face again. Damn it! Just the thought of David courting me makes me blush! Kinikilig na din tuloy ako! Badtrip 'tong si Joan.

Hinampas ko siya, at napatigil ito. Huminga na siya ng malalim para kumalma.

"Kailan pa Gaby? Bakit di mo sinasabi sa akin!"

Kailan nga ba? Hmmmm...

"Ah, mga 3 weeks ago" sabay ngiti ko sa kanya.

"Hantagal mong itinago sa akin! Walangya ka! Ayoko na sayo! Kayla Ian ko pa talaga malalaman ah! Grabe Gaby! Ang sakit-sakit!" sabay kapit nito sa may puso niya.

"Abnormal ka talaga! Kanina lang excited ka ah?" I giggled. This is Joan, same old Joan. Gaaah, I love her so much, siya na ang kaibigan kong sobrang tumagal sa akin! Hindi rin siya yung tipo ng kaibigan na sobrang clingy. We just clicked, though we're very different. Kikay siya, simple lang ako. Goody good siya, ako? uhm.. haha. Hindi ako goody good eh. ^_^

Bigla ko itong niyakap sa likod, "Mm, wag ka nang magtampo! Busy lang talaga ako this past few weeks eh, tsaka alam ko namang busy ka din" hinalikan ko siya sa pisngi.

Humiwalay si Joan sa akin, at parang may nakitang multo. "Gaby..... is that you?"

I have to admit, hindi naman talaga ako malambing kay Joan. I just felt like hugging her, gusto ko lang manlambing....

"Para naman masuklian ko yung pagiging malambing mo sakin hehe" seriously I really don't know what has gotten into me.

"Oh my golly bears Gaby! Wag na wag mong gagawin kay David yan! Huhu baka maging tatlo kayo!!!! Waaaah!!!" hysterical na iyak ni Joan.

"Ha? Joan! Ano ka ba?!" sabay tulak ko sa mukha niyang nakatapat sa akin.

"Wag mong gagawin yun! Masyadong sweet! Pag ginawa mo yun baka bigla ka niyang halikan, yung matagal na matagal! Tapos! Tapos! Tapos ano... tapos maa-arouse siya! Tapos yung hormones! Tapos magiging tatlo kayo! Magiging Ninang na ako?! NOOO! Hindi pa ako ready! Waaah!"

"Shatap Joan!" tinakpan ko na ang tenga ko at tawa din ako ng tawa. Kaasar itong si Joan! Kung anu-ano na iniisip niya! Tumawa na din si Joan at nanahimik na kami ng dumating ang professor.

It's been weeks since David started to court me. Para nga siyang baliw kasi inisip niya na binasted ko kaagad siya. Pero nung nililigawan niya ako, he was extra sweeeeeet, extra cute, extra handsome, extra hot, extra dreamy.

Nakakatawa nga kasi hindi siya marunong manligaw. Yung pagiging 'sweet' niya, yun yung mga bagay na hindi niya sinasadya.

At yung mga sinasadya niya, well...

Tinatawanan ko! Hahaha! Namamatay ako sa tawa kapag sinusubukan niyang magpaka-cheesy, at siya naman pulang-pula na sa hiya.

Minsan naman alam kong hindi na sa kanya galing yung mga sinasabi niya kasi pang playboy na kagaya ni Ian at ang ilan ay mga lines naman na alam kong ginagamit ni Jino, tinatawanan ko siya at nafru-frustrate ito sa akin. Haha!

I Wouldn't MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon