"Gaby, please stop it"
"Ha?"
Nagulat na lang ako nang sawayin ako ni Joan, hindi ko alam kung bakit niya ako sinasaway. Tinaasan ko lang ito ng kilay, nang bigla niyang tinuwid yung balikat ko. Naka-slouch daw ako, nakakairita daw tingnan. Sabi ko busy lang ako kaya ako nakaslouch, nagcoconcentrate kasi ako sa pag-aaral ngayon. Bukas na ang finals, even though nag-aral na ako last week pa, gusto kong i-review ulit or i-scan para marefresh.
Hindi ko nga alam kung bakit andito itong si Joan sa room ko eh. Mas gusto niya daw na kasama ako magreview kahit saang lupalop pa daw ako ng mundo mag-aral sasama daw siya sakin. Nakakahawa daw kasi ang pagiging studious ko the day before the test. Hindi niya lang alam, pero halos hindi na ako nag-aaral the day before kasi nakapag-aral na talaga ako. Nagkukunwari na lang akong nag-aaral para sa kanya. Diba ang sweet ko? Hahaha!
"Gaby, kamusta naman kayo ni David?" bigla niyang tanong.
Napatingin ako sa kanya at napa-huh na lang. Sabi ko we're okay, nothing out of the ordinary.
"Nothing Out of the ordinary", how could I say that? I mean, what's ordinary? Ordinary nga ba kami kapag nagkikita? Kapag sinasamahan ko siyang bumili ng underwear niya? eh ang pagyaya niya sa aking kumanta habang siya tumutugtog ng piano sa gitna ng mall para may magbigay samin ng tip at makapag-lunch kami ng libre? We do things "out of the ordinary". So I guess, 'very unusual bestfriends' kami, kung baga hardcore kami. We never had a peaceful bonding since dineclare niya akong bestfriend niya. We do loud things, we go crazy, we take pictures sa harap ng bawat resto or stand na kinakain namin, is that ordinary? Maybe it is for some, but for me... this is the first time I've found someone like David. And as I remember , I didn't like him in the first few minutes na nakilala ko siya.
Napapangiti na lang ako habang naaalala ko lahat ng kalokohan na ginawa namin dati.
"Uy Gaby para kang tanga dyan! Nakangiti ka mag-isa! Mukha kang kinikilig ah? Pinapakilig ka na ba ng Corporate Finance ngayon? Yieeee Hahaha!" pang-aasar ni Joan.
"Baliw ka Joan, haha, wala lang, you mentioned David earlier. Then I just remembered nung....." and then nagkwento ako kay Joan ng mga ginawa namin ni David dati. Joan kept commenting that we do crazy, stupid things, and I totally agree with her.
"Hindi ko din naman akalaing ganun si David?" sabi niya Joan ng may pagtataka.
"Weh? Haha ano ka ba, kung maka-asta parang di mo nakakasama iyon." nagtaka ako, lagi kaya kaming magkakasama nila Joan, Ian at David.
"Yeah, pero I haven't really BONDED with him. I mean, hindi ko pa siya nakakasama nang kaming dalawa lang ng matagalan, usually we just talk, and he never really asked me out ng kaming dalawa lang, it's either kasama ka o si Ian, o kaya naman tayong apat"
"Eh baka naman nasasaktuhan na busy siya, saktong kumpleto tayo, mga ganun" sagot ko sa kanya.
Di pinansin ni Joan ang sagot ko at nagpatuloy pa ito sa mga sinasabi niya, "Hm, actually, I really find David mysterious" hindi ito nakatingin sa akin at tuloy-tuloy lang ito "Come to think of it Gaby, he never really opened up to us, samin ni Ian. I frequently ask Ian about David kasi nga napaka-mysterious niya para sa akin, sabi ni Ian sadyang masikretong tao lang daw si David, and he never really opens up that easily to anyone. Oh and I even remember Ian saying na nagulat nga daw siya kasi kinulit ka kaagad ni David nung una kayong magkakilala. David was not usually like that, kahit ako nga eh, I think it took us weeks bago niya ako makausap ng komportable, but not the way he talks to you, sobrang iba si David magsalita sayo. Oh and Gaby I'm not the only one who notices this, other girls notices his mysterious aura too, madami nagkakagusto kay David dahil na din mysterious type siya. He is just like you too... you attract men because of your mysteriousness. OH DIBA HANTARAAAAY!"
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind
RomanceGabriella Ventura is a girl who has her own world. During her High school days at Auburn High (also a story) she was a snob, a smart girl and undeniably gorgeous. Boys swoon over her but she doesn't care at all, why? Because she already got her hear...