Sabrina's POV
Nagulat ako ng unti unting lumapit sakin si Taehyung. Shit. Hahalikan nya ba ako? Bigla na lang akong napapikit dahil sa takot at kaba. Hala, ang tagal ko ng nakapikit bat wala akong maramdaman? Bigla naman akong dumilat ng nakatingin lang sakin si Taehyung na para bang nagtataka sa inakto ko.
Hala? Sa lagay na yon siya pa ang nagtataka ah? Pagtapos niya akong muntikan gahasahin? Djk lng. Pero napansin ko na may hawak siya dumi sa kamay niya.
OHYMAYGHAD. Hindi nya ako hahalikan? Omooo. Nakakahiya :( tinanggalan nya lang pala ako ng dumi sa mukha. Ganito na ba tlaga pag buntis? Nagiging assumera na?
Taehyung's POV
Habang naglilinis kami ni Sabrina ay napansin ko na may dumi sa mukha niya. Unti unti akong lumapit sa mukha nya at bigla naman siyang humarap sakin at pumikit. Hala? Problema neto? Tinanggal ko na lang yung dumi sa mukha nya at hinihintay siyang dumilat. Nakita ko naman na unti unti nyang binuksan yung mga mata nya at para bang nabigla sya sa itsura ko. Oh, wag mong sabihing pinagnanasahan nya ako. Alam ko naman na habulin ako pero jusko naman. Djk lng. Haha
"Ok ka lang?" Tanong ko sakanya.
"Uhh a-ano, o-okay lang" Sabay ngiti nya sakin.
BOOM, AWKWARD
~~~~~~~~~~~
Sabrina's POV
Ano ba yan. Bat ba kase ako nauutal? Ang awkward tuloy.
"Ano, ituloy na lang natin yung paglilinis Taehyung. Gusto ko na din magpahinga eh." Sabi ko na lang skanya.
"Ah, Ano... sge ako na dito. Magpahinga ka na" Sagot naman nya sakin. Hindi na ako tumanggi at umakyat na sa kwarto ni Jin dahil ayoko tlaga ng naiilang ako.
~~~~~~~~
Jimin's POV
Nakita ko si Sabrina na papasok sa kwarto ni Jin hyung. Tsk. Hindi na nahiya. Nakigulo pa kay hyung. Hay. Makatulog na nga lang at maaga pa kami bukas.
~Kinabukasan~
Putangina. Ano ba yung maingay?! Ay yung alarm ko lang pala. Haha. Agad na akong naligo at nagbihis. Pinuntahan ko na si Sabrina sa kwarto nya para gisingin ng nakita kong palabas din sya ng kwarto ni Jin hyung.
"Uhh. Ano kase Jimin, uhh wala akong damit na dala bukod dito sa suot ko. Pwede pahiram ng pangtaas? Uulitin ko na lang tong jeans ko." Sabi nya habang namumula yung pisngi nya. Sus, kunwari nahihiya pa siya. Chansing lang siya na magkaroon siya ng T shirt ko.
"Ayoko. Anong tingin mo sakin? Department store? Kung gusto mo kay Jin hyung ka manghiram." Sabi ko skanya.
"Uhh sge. Thank you na lang" Sagot naman nya sakin habang nakayuko. Ano ba tong babaeng to. Masyadong paawa effect. Kala nya madadaan nya ako sa ganyan? Tsk.
~~~~~~~~~~
Sabrina's POV
Ang sunget naman nya. Nanghihiram lang naman. Syempre nalungkot ako sa sagot nya. Akala ko ba responsibilidad nya ako habang nagbubuntis ako? Bat di ko maramdaman? Tsk. Bumaba na lang ako para hanapin si Jin. Nakita ko naman siya na nasa couch at nakikipaglandian kay Namjoon. Wtf? Balak pa ba nila dagdagan yung pito? Djk. Haha. Lumapit na lang ako saknila at kinalabit si Jin.
"Jin, pwede pahiram ng t shirt? Babalik ko din. Wala lang tlaga akong damit ngayon." Sabi ko saknya.
"Kuha ka na lang dun sa cabinet ko" Sabay ngiti nya sakin. Shet, his lips will be the end of me. GRABE NG PARUSA TO. NAPAPALIBUTAN AKO NG TEMPTATION. HUHU
"Oy. Mamaya ka na magpantasya dyan at maligo ka na. Ngayon tayo maghahanap ng condo. Bilisan mo, ayokong pinaghihitay ako." Bigla kong rinig na sabi ni Jimin.
Nagmadali naman akong umakyat at inayos na ang sarili ko. Pagbaba ko ay nakita ko na kumpleto na sila doon at hinihintay na lang ako.
"Tsk. Ang tagal mo." Sino pa ba magsasabi nyan? Edi si pandak.
~~~~~~~~~~
Sabrina's POV
Andito na kami sa condo at tumitngin ng unit and ok naman siya. It looks decent and malaki ang space niya but this is not the place I imagined kung saan lalaki ang anak ko. I want him or her to grow in a simple house with me and his or her father. Psh. Taas ko mangarap no? Asa naman ako na sasamahan kami ng tatay niya na kapos sa height.
"We'll take this unit" Yan ang narinig kong sabi ni Jimin dun sa parang nagtotour samin. Halata naman na kinikilig yung babae. Sus, kung yung ganda ko nga di tumalab dyan sa lintek na yan yung saknaya pa kaya? Eh mas maganda pa si Jin diyan eh.
"Oy Jimin, shopping din tayo." Sabi yan ni Jin.
"Bakit hyung? Nababakla ka na?" Sabat ni Taehyung.
"Gago, porket shopping bakla na agad? Bobo neto, utak naman oh. Syempre walang gamit si Sabrina at tska tingin na din tayo ng gamit para dun sa baby." Excited na sabi ni Jin. Buti pa siya no? Excited sa magiging anak namin ni Jimin. Eh yung mismong tatay nga parang wala lang saknaya eh. Ay, oo nga pala. Anak ko nga lang pala to sabi ni Jimin.
~~~~~~~~~
Jimin's POV
Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng mga gamit ni Sabrina at tumingin na din ng mga gamit para dun sa bata. Nakita ko na pinaghahatak hatak lang sya ni Jin hyung sa kung saang saang store. Sila Taehyung at Jungkook naman nasa timezone. Habang si Suga hyung, Namjoon hyung at Jhope yun nasa food court. Habang ako nakasunod lang kela Jin hyung. Ako nga kase magbabayad lahat. Nakakadeputa na nga to si Jin hyung eh. Puro mga mahal yung pinipili. Eh kahit ano namang ipasuot nya sa babaeng yan hindi na magbabago tingin ko dyan. She's a slut! Hindi talaga ako naniniwala na akin yang dinadala niya. I even made her sign a contract na walang pwede ibang makaalam ng pagbubuntis nya at sa oras na wala na ang bata sa sinapupunan nya, wala na din akong responsibilidad sakanya.
HOLY SHIT, nagnarrate lang ako ng saglit ang dami ng dala ni Jin hyung na damit! AND TO MENTION NA HALOS LAHAT AY MAY PINK! Tanginang yan. Sa ganito lang ba mapupunta yung sweldo ko sa pagiging idol?
-------------------
(A/N)
Yo. Please vote and comment. Thanks
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
Fiksi UmumAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...