Lost ~1

73 5 0
                                    

Sabrina's POV

"Hoy tulog ka nanaman babae ka!" Sigaw ng maganda pero sobrang ingay kong bestfriend pero syempre mas maganda ako. Haha

"Pwede manahimik ka muna? Kahit saglit lang Wendy. Jusko umagang umaga ang ingay mo." Sigaw ko sakanya. Kaya naman natinginan ang iba naming kaklase pero walang akong pake. Dyosa naman ako.

"Eh nasa school ka. Wala sa mansyon nyo! Tska magiistart na yung klase oh. Tsk. Puro ka kase Bangtan eh. Yan napuyat ka nanaman -.- " Paninita nya nanaman sakin.

Sasagutin ko pa sana sya para ipagtanggol ang mga asawa ko kaso bigla ng pumasok yung bruha naming teacher sa math.

"Class, bring out your textbooks may bago tayong lesson" sabi ni Ms. Bruha

Pshh. Kahit naman anong gawin ko wala ding papasok sa utak ko. Nakakatamad kayang makinig sakanya. Tas ang bilis pa nyang magexplain. Dinaig nya pa si Suga sa Cypher eh. Besides, palagi namang self study ako dahil mas nagegets ko ang lesson pag inaral ko ng sarili at hindi iba ang nagturo sakin. Natulog na lang ulit ako sayang ang ganda ko kung makikinig lang ako sa teacher namin. Haha

~~~~~~~~

"HOY GISING NA. TAPOS NA YUNG MATH. RECESS NA OH" Sigaw sakin ni Wendy

"JUSKO WENDY PWEDE PRENO NAMAN SA BIBIG?!" Aba syempre di ako papatalo kaya sinigawan ko din sya. Hahaha. Bestf love nga naman.
"Di ka nanaman nakinig kay Ms. Sanchez. Psh. Palibhasa kase kahit di ka makinig top 1 ka padin" Pagmamaktol nanaman nya. Jusko araw araw ko sakanyang naririnig yan. Palibahasa kase top 2 lang. Oh dba? Bestf goals.

Tumawa na lang ako sa sinabi nya at inaya ko na sya kumain sa canteen. Syempre libre ko. Kahit mayaman tong babaeng to palamunin ko pa din to.

-----------

Kakauwi ko lang sa bahay galing sa school. Syempre diretso akong kwarto ko para maglaptop at magstalk sa Bangtan. Wala naman kase akong sasalubungin dito. Nasa ibang bansa ang mga magulang ko at iniintindi ang company namin at only child ako. Naiintindihan ko naman na palagi silang wala dito pero minsan nakakasawa na din. Pano ba naman puro mga katulong lang at guwardya ang kasama ko dito.

Habang nagtitwitter ako para sa updates ng bigla na lang akong napasigaw. "WAHH BUMALIK NA ANG BTS DITO SA KOREA AFTER NG TOUR NILA. NANDITO NA SILA PARA SA FINAL STAGE NILA PARA SA TOUR NILA. OHMYGHAD JUSKO LORD MAKIKITA KO NANAMAN ANG MGA ASAWA KO. LALO NA SI JIN BABY KO" Yes tama ang nabasa nyo. Makikita ko nanaman sila. Always present kaya ako sa concert nila dito sa korea.

Syempre, agad kong tinawagan si Wendy para ayain sya.

~Phone conversation~

S: BES! NAKABALIK NA ANG BANGTAN DITO. WE NEED TO GO. PLEASE SAGOT KO NA YUNG TICKETS.

W:Aray! Ang sakit mo sa tenga magsalita. Besides, AYAW KO. Di naman ako fan ng BTS na yan.

S: Bes sige na please. Sagot ko na din ticket mo pag nagconcert ulit ang Exo dito!

W: Aba bat di mo naman sinabi agad? Kailan ba yang concert nila para maclear ko na schedule ko?

S: Walangyaka ka tlaga. Exo lang tlaga pangtapat sayo. Haha. Next week, Saturday. Sge na. Bye na. Bibili na ako ng tickets online.

W: Sge sge. Bye. Kita na lang bukas sa university.

~End of Phone Conversation~

Agad agad na akong bumili ng VIP tickets bago pa magsold out. Tsk mahirap na noh. Baka maudyat pa ang pagkikita namin ng mga asawa ko. Agad kong tinype ang card number ko para mapurchase na yung ticket, nang makasigurado na ako na nabili ko na ay natulog na ako dahil may pasok pa bukas.

~Kinabukasan~

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Nakalimutan ko palang isara yung kurtina kagabi. Tumingin ako sa orasan. HALA 6:50 NA! 10 mins na lang late na ako! Dahil dyan nagmadali na ako para gawin ang daily routines ko. Kain. Ligo. Toothbrush. Uniform.

Plano ko pa naman maglakad na lang ngayon dahil malapit lang naman yung university dito pero dahil late na ako magpapahatid na lang ako sa driver namin.

------------

Pagdating ko sa school. Agad agad akong bumababa at kumaripas ng takbo sa classroom.

ANAK NG GILAGID NI SUGA. LATE YUNG TEACHER NAMIN. SAYANG BEAUTY KO SA PAGMAMADALI KO. Jusko. Dahil dyan umupo na lang ako sa upuan ko. Nakita ko naman si Wendy na nasa tabi ko. Tulog ang gaga. Tignan mo to. Kahapon lang pinapagalitan ako pero sya ngayon yung tulog. Psh kung alam ko lang nagispazz lang sa Exo yan lalo na kay Chanyeol.

Matutulog na din ako dapat dahil wala pa naman yung teacher ng bigla kong narinig yung mga chismosa kong kaklase.

"Girl, magcoconcert daw BTS dto. Omg kailan natin pumunta. Kailan ko makita si baby jongkook ko"

"Oo nga girl. Syempre pati si L hope ko kailan ko makita"

Hala. May mga saltik ata to sa utak. Kilig na kilig pa sila mali naman mga pinagsasabi nila. HAHAHA JONGKOOK TSKA L HOPE DAW WTF. Mga feelingerang fans lang naman. Nakakairita yung mga ganyan. Nakikisabay lang sa uso. Asar. Matutulog na nga lang ako. Masyado akong dyosa para magsayang ng oras sakanila.

------------

Dismissal na at eto ako nakatulala sa kawalan at nagdaday dream sa bias ko na si Jin na di ko malaman kung idol ba o traffic enforcer sa Edsa. Pero ok lang, noo pa lang pogi na eh. Haha. Nandito ako sa campus grounds dahil hinihintay ko si Wendy dahil sabay kaming uuwi.  Hanggang sa nakaramdam ako ng batok.

"Oy. Mukha kang tanga dyan. Daig mo pa yung derp face ni Chanyeol"

Sinamaan ko na lang sya ng tingin at nagayos na ng gamit ko para makauwi na kami. Tinawanan lang ako ng gaga. Hala, baliw tlaga tong kaibigan ko.

------------

ETO NA. THIS IS IT. CONCERT NA NG BTS. Nasa loob na kami ng arena ni wendy sa VIP section syempre. haha. Nasa kalagitnaan na kami ng concert at grabe, ang lakas ng mga sigaw ng ARMYs. Ineenjoy lang namin ni Wendy ang mga kanta nila pati na rin ang choreography nila na pang world record dahil sobrang ganda. 

Sadly, tapos na ang concert at time na para umuwi. Lungkot ng buhay. huhu ilang months nanaman bago ko sila makita. Nakalabas na kami ng arena ni Wendy ng naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Huh. Wierd si mama tumatawag. Eh mas madalas pa to sa blue moon pag tumawag.

"Wendy, saglit lang tumatawag si mama. Dyan ka lang at babalik ako. Lalayo lang ako ng konti. Ang ingay kase dito"

Di ko na hinintay ang sagot nya at naglakad na ako palayo. Tanaw ko pa rin naman si Wendy dito at sigurado akong tanaw nya din ako. Sinagot ko na yung tawag ni mama.

Hanggang sa nakarinig ako ng iyak. Isang napakalakas ng hagulgol.

~Phone Conversation~

S: Ma! Bat ka umiiyak?! Nagaway ba kayo ni papa? May problema ba sa kompanya?

M: Anak, patay na ang papa mo. Car accident.

Nanlumo ako bigla sa narinig ko. Nabitawan ko ang cellphone ko. Di ko namalayan na nakahandusay na pala ako sa sahig at nasa lapag na ang cellphone ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na akbay na ako ni Wendy at dinala sa malilim na lugar. Dahil siguro pinagtitinginan na ako ng tao doon. Nakatutunganga lang ako habang inaalalayan ako ni Wendy umupo.

Tahimik lang akong nakatingin sa kawalan hanggang sa narinig kong tinanong ako ni Wendy "Ok ka lang bes? Anong nangyare sayo? Bat bigla ka na lang bumagsak dun?"

Then, I started sobbing.

--------

Please send me your feedback guys :D and don't forget to vote if you like the chap :)

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now