Sabrina's POV
"Jimin?" Tanong ko ng biglang may yumakap sakin, hindi ko alam pero nadismaya ako ng tinignan ko kung sino talaga yung yumakap sakin. Si Taehyung lang pala.
I thought siya na yung andyan para sakin, para samin ng anak niya. I guess I thought wrong. Umasa nanaman ako kaya eto nasaktan nanaman ako. Ano nga ba naman ang aasahan ko diba? Alangan naman na kahapon may pake siya tas kinabukasan bigla na lang siyang magaalala para samin ng anak niya? Edi parang tanga lang. I hope siya yung nandito sa tabi ko para patahanin ako. Sana siya yung poprotekta samin laban kay mama. Sana matanggap na niya kami.
~~~~~~~~~~~~
Taehyung's POV
"Jimin?" Tsk. Si Jimin nanaman ang nasa utak niya. Hindi niya ba pwede isipin yung ibang tao na may pake sakanya? Yes, I know na si Jimin ang ama ng dinadala niya pero di ba niya naiintindihan na walang pake si Jimin? Nandito naman kami para sakanya. Nandito naman ako para sakanya. Di pa ba sapat yon?
"Tahan na Sabrina. Andito lang naman kami eh. Hindi namin kayo papabayaan ng pamangkin namin" Iyak lang siya ng iyak kaya medyo hirap akong patahanin siya pero kinatagalan ay tumigil na din siya.
"Taehyung si mama. Sasaktan kami ni mama. Please tulungan niyo kami ng anak ko. Wag niyong hahayaan na kunin siya sakin ni mama." Nagmamakaawa niyang sabi sakin. Yun ang pinunta ng nanay niya dito? Para lang takutin siya?
"Kami ang bahala sayo Sabrina. Hindi ka namin papabayaan lalo na yung pamangkin namin." Sabi ko saknya para naman mapakampante siya. Hiniga ko na siya sa kama niya para makapagpahinga na siya.
"Sige na Sabrina. Matulog ka muna. Wag kang magalala, ok? Andun lang kami sa baba. Hindi makakapasok ang mama mo dito kaya magpahinga ka na. You're safe here." Hinalikan ko na ang noo nya at lumabas na ng masigurado ko na ok na siya. Agad na akong bumaba para kausapin sila hyung.
~~~~~~~~~~
Jin's POV
Nakita ko na bumababa na si Taehyung. Siya kase yung pinapunta naming lima dahil alam namin na hindi ok si Sabrina. Rinig na rinig kaya namin yung sigawan nila and yes, kaming lima lang yung nagsabi kay Taehyung dahil wala nanaman si Jimin. Hindi namin alam kung saang lupalop pumunta yung kutong lupa na yun.
"Kamusta na si Sabrina?" Rinig kong tanong ni Suga kay Taehyung.
"Ok na siya hyung pero natatakot talaga siya sa mama niya eh." Sagot naman saknya ni Taehyung.
"We need to protect her hyung." Sabi ni Jungkook.
"Protect her from what exactly? Hindi nga natin alam kung ano ba talaga yung plano ng mama niya. Wag niyong kalimutan na mayaman ang pamily ni Sabrina. Money can do many things." Kontra naman ni Namjoon.
"Bakit hindi natin kausapin si Sabrina? Tanungin natin yung side niya. Malay mo meron siyang naiisip na pwedeng gawin ng mama niya. It's her mother after all. Siguro naman kahit papaano kilala niya yung sarili niyang ina." Pagsuggest ni Jhope. Wow ah. Marunong pala magseryoso tong baba na to.
"Then it is settled. Hihintayin natin magising si Sabrina then kakausapin natin siya tungkol sa mama niya." Sabi ko saknilang lima. Tumango naman silang lima bilang sagot ng bigla nagsalita si Suga.
"Wag na natin paalam kay Jimin to. Wala din namang siyang pake." Kokontra na dapat ako sa sinabi ni Suga ng biglang...
"Wag ipaalam ang ano sakin hyung?"
~~~~~~~~~~~~
Jimin's POV
Kakauwi ko pa lang galing sa condo unit ni Macy. Pagpasok ko pa lang narinig ko na agad yung sinabi ni Suga hyung kaya agad na akong nagsalita.
"Wag ipaalam ang ano sakin hyung?" Nagtatago na kami ngayon ng mga secreto sa isa't isa? Ano to? Kala ko ba pamilya kami? Bat sila nagtatago sakin?
"Kahit naman sabihin namin sayo, wala ka pa ding pake." Sabi sakin ni Jin hyung habang nakasibangot.
"Eh pano ko nga malalaman kung may pake ako sa sinasabi niyo sakin kung ayaw niyo ipaalam? Ano to? Gaguhan lang hyung?" Sagot ko sakanila. Para nmang kasing tanga. Bat ba ayaw na lang nilang sabihin?
"It's none of your business Jimin. Just fuck off." Sigaw sakin ni Suga hyung. Ano ba problema niya?
"Eh ano nga kasing problema?! Lintek naman oh! Parang di niyo ko pamilya ah!" Sigaw ko pabalik saknila. Nakakatanga naman kase yung ginagawa nila sakin.
"Tungkol kay Sabrina, hyung." Sabi ni Jungkook sakin. Finally. May nagsabi din sakin kung anong problema. Matagal na talgang problema yan sa buhay ko si Sabrina. Tsk. Dapat pala hindi ko na sila pinilit na sabihin sakin.
"Oh diba. Wala ka namang pake kahit sabihin namin sayo. Kitang kita sa mukha mo na wala kang pake sa magina mo. Kahit mapahamak na sila, ayun ikaw nasa labas nakikipaglandian kay Macy." Sila Sabrina? Mapapahamak? Mapapahamak saan?
"Mapahamak saan hyung?!" Oh, hindi ako concerned ah. I'm just curious kung ano nanaman ang dinalang problema ng babaeng yan samin.
"Wow. May pake na siya oh. Yie. Inlove na si Pandak." Nagtanong lang inlove agad? at di ako concerned. Ano ba. Pauso to si Jhope hyung eh.
"Di ako concerned, hyung. Stop talking nonsense." Sagot ko saknya.
"Oh. Wala ka namn palang pake kay Sabrina. Edi wag mo ng alamin kung ano yung problema. Kaming anim na lang ang tutulong kay Sabrina." Sabat ni Suga hyung.
"Ano nga hyung?! Anong pahamak yung sinasabi niyo?! Anong nangyare habang wala ako?!" Sigaw ko saknila ng naramdaman kong may bumaba sa hagdan.
"My mom happened Jimin."
---------------------------
(A/N)
Sorry kung di na ako nakakapagupdate. Try my best na mag ud ulit mamayang gabi. Please vote and comment. Thanks
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
General FictionAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...