Jimin's POV
Lahat sila nagtatawanan pa din. Psh. Atleast nga pandak lang panglait nila sakin eh. Palibhasa kase ako pinakagwapo sakanilang lahat. Pero ok na din na inasar nila ako dahil tumatawa din si Sab and damn ang ganda niya pala talga no?
"Oh hyung. Nakatunganga ka nman. Tsk. Nagwapuhan ka nanaman sakin." Tignan mo tong asungot na to. Gwapong gwapo sa sarili. Feeling naman netong si Jungkook sakanya ako nakatingin.
"Tigilan mo ko Taehyung. Mas pogi ako sayo." Sagot ko pabalik saknya. Sasagot pa dapat siya pabalik sakin pero biglang may nagdoorbell.
"Oh! Suga! May nagdoorbell, buksan mo dali." Sabi ni Jin hyung kay Suga hyung.
"Bakit ako?!" Halatang tinatamad na tanong ni Suga hyung kay Jin hyung.
"Aba may reklamo ka? Mas matanda ako sayo noh!" Sagot pabalik ni Jin hyung kay Suga hyung.
"Sabi ko nga Jin hyung, mas matanda ka -.- Jhope! Buksan mo yng pinto! Walang angal, mas matanda ako sayo." Sabi naman ni Suga hyung kay Jhope hyung. Tamad talaga neto ni Suga hyung.
"Narinig mo yun Namjoon? Ikaw magbukas ng pinto dahil mas matanda ako sayo" Tignan mo to si Jhope hyung. Pinasa lang din nya yung utos eh.
"Bakit ako hyung?! Tsk. Jimin! Ikaw magbukas ng pinto! Mas matanda ako sayo at ako ang leader!" Lintek yan. Bakit sakin na napunta yung utos? Narinig kong nagdoorbell ulit yng nasa labas. Sino ba yon? Madaling madali siya ah! Kung sino man siya maghintay muna siya dahil papasa ko pa kay Taehyung yung utos. Hahahahaha.
"Oy Taehyung! Ikaw magbukas! Walang angal. Mas matangkad ka man sakin mas matanda pa din ako." Sabi ko kay Taehyung. Tumango naman siya sa utos ko.
"Sge Jimin hyung! Oh, Jungkook narinig mo yon? Ikaw magbukas ng pinto. Ikaw pinakabata dito. Hahahaha" Tignan mo tong mokong na to. Akala ko naman susunod siya sa utos ko.
"Hala, bakit napunta na sakin hyung?! Grabehan naman kayo anim! Kinakawawa niyo yung pogi nyong maknae" Sagot ni Jungkook. Kapal din ng mukha netong batang to pero okay lang may karapatan naman magyabang may maipagmamayabang naman talaga eh. Hahaha.
"Hay jusko kayong pito! Ako na nga magbubukas!" Nakasimangot na sabi ni Sab. Tumayo na si Sab at lumabas ng kitchen. Susundan ko na dapat siya nung may nagdoorbell ulit ng bigla kong narinig yung sigaw nya.
"WAHHHHHHH" Lahat kami biglang nataranta sa pagsigaw ni Sab. Nagunahan pa kami sa paglabas sa kitchen para lang makita kung anong nangyare.
~~~~~~~~~
Sabrina's POV
Lumabas na ako ng kitchen dahil alam ko naman na walang sakanilang pito ang magbubukas dahil ang tatamad nila. Tsk. Narinig kong may nagdoorbell ulit nung papalapit na ako sa pinto. Sino kaya bisita namin? Jusko, sana hindi pumunta dito si Macy. Sinira na nya araw ko, wag na niya sirain pati gabi ko. Binuksan ko na yung pinto.
"WAHHHHHHHH" Napasigaw na lang ako ng makita ko kung sino yung nasa labas ng pinto. Nawala yung tingin ko sa tao na nasa pinto ng biglang narinig kong may sumigaw.
Sigaw ni Taehyung."MAY SUNOG! WAHH MAY SUNOG!" Sigaw ni Taehyung habang tinuturo si Namjoon. Nabatukan naman siya ni Jin. Buti nga sakanya. Ingay nya kase eh. Yan tuloy nabatukan nanaman siya. Hahaha.
"Gago walang sunog!" Sagot saknya ni Suga.
"Ha? Ay. Kala ko meron eh. Sumigaw kase si Sabrina. Hehe. Peace guys!" Sagot ni Taehyung sabay peace sign. Gago talaga to.
"Eh teka nga lang. Bakit ka nga sumisigaw Sabrina?" Tanong saken ni Jhope. Mas binukas ko pa yng pinto para mas makita nila kung sino yng nasa labas namin.
"I'M BACKKKKKK" Jusko. Wala paring pinagbago tong babaeng to. Ang ingay pa din.
"Oo na Wendy. Obvious naman na nagbabalik ka na. Kailangan sumigaw?" Pagtataray sakanya ni Jin. Problema netong dalawa?
"Hoy bakla. Pwede papasukin nyo muna ako bago mo ko tarayan?" Sabi ni Wendy kaya pinapasok ko na siya.
"Oo nga, diba dapat nasa ibang bansa ka? Bakit ka andito?" Tanong ni Jimin sakanya.
"Patangkad ka muna bago ko sabihin sayo." Sagot sakanya ni Wendy. Hay, oo nga pala. Magkaaway nga pala tong dalawang to. Eh dba nga? Galit yan si Wendy kay Jimin dahil di nya tanggap anak namin.
"Dun na nga tayo sa kitchen. Kain na tyo" Pagaaya ko sakanila. Sinara ko na yung pinto tas dumiretso na sa kitchen tas hinatak ko na si Wendy. Bahala sila kung susunod silang pito. Basta gutom na ako. Kumuha na ako dun sa linuto ni Jimin at nagsimulang kumain. Sumunod na din yng pito dito sa kitchen.
"Bes, ano na? Ilang buwan mo ko di nakita tapos mas papansinin mo pa yang sinigang na tocino mo?" Tanong sakin ni Wendy.
"Wag ka ngang magulo Wendy. Kita mong kumakain si buntis eh." Pagtataray sakanya ni Jin.
"Kinakausap ba kita? Ha?!" Sagot pabalik ni Wendy sakanya.
"Bat ba kayo away ng away?" Tanong ko saknila. Kanina ko pa napapansin yan eh. Noon naman magkasundo yang dalawang yan.
"He/she started it!" Sabay nilang sabi at turo sa isa't isa.
"Yiee! Kayo ah. Mamaya kayo magkatuluyan nyan. Landian lang naman pala gusto nyo eh. Kiss na agad!" Pangaasar sakanila ni Taehyung.
"Yuck. Me? Kiss that girl? No way!" Nandidiring sabi ni Jin.
"Oo nga! Mas gugustuhin ko pang humalik ng kabayo kaysa diyan sa baklang yan!" Sagot pabalik ni Wendy.
"Yieee. Ikaw Wendy ah! May pagnanasa ka pala saken." Pagsabat ni Jhope habang nakapout pa. Shet, naeemphasize yung baba niya. Haha
"Ulul mo Jhope hyung. Wag kang feeling! Mas pogi pa din ako sayo. Bakit nya gugustuhin ang kabayo kung may badjao naman." Pagsabat ni Namjoon. Luh? Ano connect? Abnormal tlaga. Tsk.
"Bakit nya pa gugustuhin sa badjao kung may elyen naman!" Pagsabat na din ni Taehyung.
"Aanuhin nya ang pagiging elyen mo kung andito naman ang ilong ko." Lah. Pati si Jungkook nakisali na din.
"Tsk. Dami nyong alam, eh gilagid ko pa lang taob na kayo!" Pagsabat na din ni Suga. Proud tlaga siya sa gilagid nya no?
"Oh ano? Tapos na kayong lahat? Ikaw Jimin? Baka gusto na din makisabat?" Sagot ni Wendy sakanila ng pataray. Sus kunwari pa pero kinikilig na tlaga yan. Kahit di yan fan ng Bangtan. Kaw kaya? Ganyanin nila Jungkook, di ka kikiligin? Haha.
"Wala. Di kita type, wag ka magalala. Kay Sab lang ako." Putangina. Nasamid ako sa sinabi ni Jimin.
"Yiee. Pakshet ka minion! Liit-liit mo pero ang landi-landi mo!" Pangaasar ni Jhope. Lahat naman sila nagtawanan din ng biglang may nagdoorbell.
Sino nanaman yon? Dami naming bisita but hey, the more the merrier right?
-------------------
(A/N)
Pakshet. Nakapagud din. Sorry kung natagalan ah? Namental block ako eh. Di ko alam pero nahirapan ako sa chap na to.
Please vote and comment :D
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
General FictionAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...