Jimin's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang pinupukpok yung ulo ko sa headboard ng kama. Hindi pa rin tlaga ako makapaniwala sa sinabi ko. Nadala lang ba tlaga ako? Or unti unti ko na tlagang natatanggap na buntis si Sabrina at ako ang ama? Kahit sila hyung nagulat sa sinabi ko eh. Grabe tlaga kanina, lahat kami nabigla.
~Flashback~
Jimin's POV
Nakita ko na para bang nabigla si Sabrina sa sinabi ko. Eh kahit sino naman kase magugulat sa sinabi ko. Kahit ako nagulat ako sa sinabi ko eh.
"Wow hyung. Seryoso ka ba dyan?" Tanong sakin ni Taehyung. Hindi tlaga ako makapagsalita. I'm still shocked sa sinabi ko.
"Tangina mo Jimin, pag kami tlaga linoloko mo lang kokotongan kita gamit baba ko." Sabat ni Hoseok hyung. Di ba nila gets? Nabigla nga ako, ano ba yan ang slow naman nila.
"Hoy Jimin! Magsalita ka nga. Para kang gago dyan. Kinakausap ka namin tas di ka sumasagot. Pag ikaw tlaga di sumagot, papalitan ko lahat ng underwear mo ng pink." Sabi ni Jin hyung. Bakit ganun? Kahit anong sabihin nila, di ako makapagsalita? Para bang may nakaipit sa dila ko.
"Jimin! Takte naman oh! Umayos ka nga! Ang pagkakaalam ko, pandak ka! Hindi binge!" Grabe din to si Namjoon hyung kung manlait eh no? Sasagot na dapat ako ng biglang...
"Ano ka------" Takte. Sasagot na ako dapat eh. Bigla pang may tumawag. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at nakitang tumatawag si Macy.
"Guys. Si Macy tumatawag. Punta lang akong kwarto." Pagkasabing pakasabi ko pa lang ay agad na akng tumakbo ng kwarto.
~End of Flashback~
Jimin's POV
At yun na nga ang dahilan kung bakit ako napadpad dito sa kwarto. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kay Macy dahil nakaiwas ako sa sitwasyon na yon o dapat akong mainis dahil for sure ang awkward mamaya. Actually, kaya lang tumawag si Macy sakin kanina eh para lang ayain akong magdate. Aba, syempre pumayag ako no. Bukas pa naman pero bakit ganun? Hindi na ako naeexcite tulad ng dati? Para ngang tinatamad ako pumunta bukas eh. Pero nakakahiya naman kay Macy kng di ko siya susulputin diba? Naputol yung pagiisip ko kung ppnta ba ako bukas o hindi ng bglang pumasok si Namjoon hyung sa kwarto ko.
"Oy pandak. Kain na dun sa baba. Bilisan mo, ikaw na lang yung hinihintay." Pagkasabi ni hyung ay agad na din syang lumabas. Wow, beastmode si hyung. Baka meron sya ngayon. Haha. Bumaba na din ako agad dahil baka mapagalitan pa ako ulit.
~~~~~~~~
Sabrina's POV
Nandito na kami ngayon sa dining area. Actually, mas gusto kong kumain sa kwarto ko kaysa sumabay sakanila pero dahil mapilit si Jin. Syempre wala na akong nagawa. Si Jimin na lang hinihintay namin. Ang tagal kase niya eh. Ano pa kayang ginagawa nun? Nabigla lang kaya siya kanina? Or totoo yung sinasabi nya? Oo, aaminin ko umaasa ako na totoo yung sinasabi nya. Gustong gusto kong tanungin saknya pero ayokong masaktan. Ayokong marinig saknya na nabigla lang siya.
"Oh andyan na pala si Jimin eh. Lika na kain na tyo. Kanina pa nagrereklamo yung kabayo dito oh." Napatingin naman ako sa pinto dahil sa sinabi ni Jin. Nakita ko na napatingin siya sakin. Iiwas ba ako ng tingin o hindi? Shet. Awkward.
Nagsimula na kaming kumain. For the first time. Ang tahimik namin. Nabasag naman yung katahimikan ng biglang nagsalita si Namjoon.
"Oo nga pala. May practice tayo bukas kaya maaga gigising. Ang hindi gumising papasipa ko kay Hoseok." Ani ni Namjoon.
"Namjoon hyung. Edi sisipain ni Hoseok hyung yung sarili niya?" Tanong ni Taehyung. Natawa naman ako sa tanong niya. Minsan tlaga di ko alam kung kinulang siya sa brain cells.
"Bastos kang bata ka. Ako nanaman inasar mo!" Sabi pabalik ni Hoseok.
"Hyung ang bastos, nakahubad. Mukha ba akong nakahubad sa paningin mo? Libog mo naman hyung." Minsan tlaga mapapasapo ka na lang ng noo sa sinasabi ni Taehyung.
"Oy. Wag nga yan ang pagusapan niyo! Baka marinig ng pamangkin natin yan!" Sabat ni Jin. Nakita ko naman na parang namangha si Taehyung sa sinabi ni Jin.
"Wow hyung! Seryoso? Naririnig tayo ni baby?" Tanong ni Taehyung. Babatukan sana siya ni Suga katabi niya kaso bgla siyang umalis at lumapit sakin. Nagulat naman ako sa sumunod na ginawa niya.
Lumuhod siya tapos linapit niya yung kanan niyang tenga sa tiyan ko tas linagay niya yung kamay niya sa tiyan ko tapos nagsalita siya.
"Baby. Si Tito Taehyung mo to. Behave ka diyan, okay? Wag mo papahirapan si mommy mo. Kung gusto mo kakantahan ka na lang namin ng mga tito mo except kay tito Suga mo kase baka mabingi ka lang, okay? We love you baby."
Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa saya dahil nakakatuwa yung sinabi ni Taehyung or iiyak ako sa lungkot dahil si Taehyung pa tlaga ang gumawa ng ganun at hindi si Jimin.
"Tsk. Taehyung hyung naman. Pinapaiyak mo naman kami sa kasweetan mo eh." Sabi ni Jungkook.
"Hay nako. Matulog na nga tayo. Baka nakakalimutan niyong maaga pa tayo bukas." Pagpapaalala ni Namjoon. Obvious naman na pinipigilan din nyang umiyak.
"Ah hyung aalis nga pala ako agad pagtapos ng practice natin ah" Sabi ni Jimin. Bakit? Saan punta niya?
"Bakit nanaman?" Tanong ni Suga.
"May lakad kami ni Macy." Sagot ni Jimin. Sus. Mali naman yung sinabi ni Kookie eh.
Di naman si Taehyung yung nagpapaiyak dito. Ang napapaiyak dito ay si Jimin.
----------------
(A/N)Ako ay nagbabalik. Haha. Sorry kung di na ganun kabilis yung updates ko. Busy ako sa school eh pero try ko every week na magupdate. Please vote and comment :D Thanksss
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
General FictionAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...