Sabrina's POV
Kakaalis pa lang ni Taehyung sa kwarto ko. Pinipilit kong magpahinga at matulog para mabawasan naman yung pagaalala ko kaso ang ingay nila sa baba. Dinig na dinig ko yung sigawan nila. Bababa na lang din ako dahil for sure hindi din naman ako makakatulog sa ingay nila. Pagbaba nila narinig ko na yung sagutan nila ng biglang narinig kong magtanong si Jimin.
"Ano nga hyung?! Anong pahamak yung sinasabi niyo?! Anong nangyare habang wala ako?!" Wow. May pake na siya?
"My mom happened Jimin." Mapait kong sabi sakanya. Tuluyan na akong bumaba at humarap sakanilang pito.
"Gusto niyo malaman kung anong klaseng tao si mama diba?" Tanong ko saknila. Dinig ko kaya yung usapan nila. Lakas lakas ng boses nila eh.
"Uhh. Ano kase Sabrina, gusto lang namin malaman kung ano kaya gawin ng nanay mo sayo. Hindi sa nakikichismis lang kami. We know she came here just to scare you. Sinabi samin ni Taehyung." Sabi ni Namjoon. Napahinga na lang ako ng malalim. I have no choice kundi sabihin sakanila. They need to know everything kung hihingi ako sakanila ng tulong para samin ng anak ko. Magsasalita na dapat ako ng biglang sumabat si Jungkook.
"Sabrina, bago ka nga pala magsimula. May tanong ako." Sabi ni Jungkook.
"Ano?" Tanong ko sakanya.
"Bakit parang clueless yung mama mo kanina na buntis ka? Ngayon lang niya nalaman?" Tanong sakin ni Jungkook. Tumango na lang ako bilang sagot dahil nanunuyo talga lalamunan ko pag naaalala ko ang dahilan kung bat di ko sinabi kay mama na nagdadalang tao na ako.
"ANO?! NAGSINUNGALING KA?!" Sigaw ni Jimin. Luh? Pauso to. Anong nagsinungaling? Nagsinungaling saan?
"Nagsinungaling saan?" Mahinahon kong tanong sakanya.
"Sabi mo napalayas ka dba?! Pinalayas ka dahil buntis ka! Diba yun ang sabi mo sakin?! Wow, just fucking wow. Napakadesperada mo naman Sabrina! You fucking lied para lang magpaawa samin? Siguro pinlano mo talga to no?! Para dito ka talga makatira sa dorm namin para makasama mo kaming pito? What a fucking whore." Galit niyang sabi sakin na nagpainit ng dugo ko. Ano ba problema niya sakin?! Ganyan na ba kababa tingin niya sakin?!
"For your information Park Jimin. Napalayas talga ako! Pero hindi sa dahilan na iniisip niyo at ang pagkakaalala ko, ang sinabi ko lang ay pinalayas ako! Wala akong sinabing dahilan kung bakit, you just assumed na napalayas ako dahil buntis ako.During your last concert here in Korea. Andun ako nun para supportahan kayo. It was one of the happiest day of my life but it turns out to be my worst. Yun din yung araw na nalaman kong patay na pala si papa. Wala akong magawa nung mga oras na yun kaya naisip kong uminom na lang. Pumunta ako sa isang bar kung saan nagsimula tong lahat ng to. Kung bakit ako nandito ngayon dahil yun din yung araw na may nangyare saamin ni Jimin. Remember that night Jimin? You were even the first one who kissed me and yet you are the one blaming me sa nangyare saatin. You even called me a desperate slut." Tinignan ko siya at nakita kong nakaiwas lang siya ng tingin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na magsalita.
"Months passed and nalaman kong buntis ako. Sasabihin ko dapat kay mama pero that day, nung nakita ako ni Jin sa tapat ng building ng BigHit? Yung bago ako himatayin? I talked to my mom. She said that I will have an arranged marriage dahil nung namatay si papa dahil sa car accident, bumabagsak na ang kompanya namin. I wasn't even able to attend his funeral dahil ayaw ni mama na pumunta ako. Funny, right? Burol ng sarili kong ama pero hindi ako pwede pumunta." Sabi ko sakanila at tumawa ng mahina kahit sa totoo lang ay naiiyak na ako.
"Hindi ako pumayag sa arrange marriage na gusto ni mama dahil sa dalawang rason. Una, dahil buntis ako. Ayokong magpakasal kay Vince dahil natatakot ako na baka may gawin siya sa anak ko pag nalaman niya. Second, it's because he is my childhood bestfriend." Nakayuko kong sabi. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ituloy pero kailan nilang malaman lahat ng nangyare. Ipagpapatuloy ko na dapat ng biglang magsalita si Jhope.
"Oh. Bestfriend mo naman pala eh. Edi ok lang. Atleast kilala mo na yung tao diba?" Napailing na ako sa sinabi ni Jhope.
"Yun nga eh. Akala ko kilala ko na siya but I thought wrong." Mahina kong sabi. My tears are already threatening to fall. I'm trying hard to keep my shit together. Ayokong humagulgol sa harap nila. I was doing a good job sa pagpigil ng mga luha ko ng biglang magsalita si Suga.
"Just let it all out."
----------------------
(A/N)
Please vote and comment :D
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
General FictionAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...