Lost~ 23

36 2 1
                                    

Jimin's POV

Iniwan lang ako dito ni Sabrina sa sala. I must have really hurt her for her to react like that. Her smile when I said i'm going to make up to her was fake. It's so obvious. Kitang kita na hindi abot mata niya yung ngiti nya. Umakyat na lang ako sa taas para magpahinga pero narinig ko yung boses ni Taehyung sa kwarto ni Sabrina. Ano ginagawa ng mokong na yon sa kwarto ni Sab? Oo, Sab na tawag ko ngayon sakanya. Ako lang pwede tumawag sakanya nun kase trip ko -.- Sinubukan ko namang makinig sa pinaguusapan nila. Chismoso na kung chismoso. Ok lang yan, pogi naman ako.

"You know you don't need to hide it. We can all see it. Nasasaktan ka sa ginagawa ni Jimin and yet you still treat him like he didn't do anything to you. Besides, alam ko naman na inis na inis ka na dun kay Macy."  Narinig kong sabi ni Taehyung.

"You do know that you guys don't need to hate Macy or treat her like that just because I don' t like her. It's unfair for her. Wala namang ginagawa sainyo yng tao." Jusko. Ang swerte ng magiging asawa neto ni Sab. Ang bait eh. Kaya swerte ako eh. Djk lng. Hahaha. Ano ba mga pinagsasabi ko. Landi ko tlaga.

"Ano bang sumapi sayo at napakabait mong tao? Ha?! Dapat galit ka kay Macy ngayon."  Narinig kong sagot ulit ni Taehyung.

"Why? Wh---"  Tignan mo to si Taehyung. Di pa tapos magsalita si Sab sumasabat na agad siya -.-

"Nako, Sabrina pwede wala munang english?! Sumasakit ulo ko." Tignan mo tong lalakeng to. Ang sakit sa ulo. Jusko.

"Stop joking Taehyung. Why would I be mean to Macy? Makakatulong ba saakin yun? Oo aaminin ko na ilang beses ko na syang pinatay sa utak ko pero pag ba gumanti ako sakanya matatanggap na ba ni Jimin na anak niya itong dinadala ko? Pag ba inaway ko si Macy magiiba ba trato saakin ni Jimin?! Diba hindi naman?! Taehyung you know that eversince i knew that I'm pregnant I only wanted one thing! Yun ang matanggap ni Jimin na may anak na siya saakin!"  Nabigla ako sa biglaang paglakas ng boses ni Sab. Bigla naman akong naguilty. Totoo ba talagang akin yung bata? I can hear the sincerity in her voice that she's telling the truth.

"Now tell me Taehyung, is it really worth it kung aawayin ko si Macy? Bukod sa maiistress lang ako, alam ko naman na mas matimbang si Macy sa paningin ni Jimin at malay mo sa paningin nyo din." Pahabol na sabi ni Sab pero hindi ko na tinapos yung paguusap nila at dumiretso na ako sa kwarto ko. Now that I know her point of view, I'm starting to believe her. Hindi naman siya siguro nagsisinungaling diba? At ano yung pinagsasabi niya na mas matimbang sakanya si Macy? Sira talaga yung babaeng yun. Humiga na ako sa kama ko para mas makapagisip.

I think it's now the time to accept her and our child. Kasalanan ko naman talaga diba? She's not that low to lie to me. Napaisip din ako. Ilang buwan din yung sinayang ko. Ako dapat ang nagalaga sakanya simula pa lang nung nagbubuntis siya. Wow. Now that I realized it, it really seems that I am a really big asshole for treating her like shit. Oras na para bumawi ako sa magina ko. OO, MAGINA KO. BAT BA? NAGTRABAHO DIN NAMAN AKO PARA MAY MABUO. Kaso habang nagiisip ako ng mga paraan para makabawi kay Sab at anak ko, yung cellphone ko naman ang umepal dahil tumunog ng sunod sunod.

6 messages

"Jiminieee! Labas tayo bukas? Pambawi sa pangiwan mo sakin :("

"Yah! Don't ignore me!"

"Jiminnnn. Please reply. Don't be shy baby"

"Let's have a date tomorrow, ok? Wag na natin isama mga kabanda mo. Panira lang sila. Especially that girl."

"Yah! Reply to me! Don't you dare do this to me!"

"Come on Jiminiee, I know you regret leaving me behind the resto. Don't worry, I already forgave you"

What the fuck? Ano pinagsasabi neto ni Macy? Hindi pa nga ako nagsosorry sakanya eh. Not like I want to. Wala akong balak magsorry sakanya no. Asa siya. She's so clingy, it's irritating. Feeling naman niya gusto ko siya eh kung tutuusin ginawa ko lang siyang dahilan para makaiwas kay Sab noon. Pinatay ko na lang yung cellphone ko kase text siya ng text. Nakakairita na. Bumaba na lang ako ulit para kumain. Ano ba yan, kain na lang ako ng kain. Stress eating na lang palage -.- Pagdating ko sa may pintuan ng kitchen namin narinig ko si Suga hyung na nagsasalita.

"Taehyung! Bilisan mo na at tawagin mo na si Jin hyung para mapagluto na nya si Sabrina at pamangkin natin ng sinigang na tocino." Nagpapaluto si Sab? Wth? Sinigang na tocino? Well, buntis naman siya eh. Wierd pregnancy cravings must be hard. Tuluyan na akong pumasok sa kitchen namin ng akmang palabas din si Taehyung para tawagin si Jin hyung.

"Wag na. Ako na magluluto para sakanilang magina." Sabi ko kay Taehyung. Nakita ko na nagulat silang tatlo sa biglaang pagdating ko. Dumiretso na ako sa ref namin at kumuha na ng mga ingredients. Nakita ko naman na nakatulala pa rin silang tatlo sakin.

"Alam ko namang pogi ako but you guys don't need to stare, i'll give a picture. It'll last longer." Sabi ko sakanila sabay kindat habang sinimulan ko ng hiwain yng ibang ingredients. Nakita ko naman na bumulong si Sab sa sarili nya.

"Sana di mamana ng anak mo yung kahanginan mo." Bulong ni Sabriba. Psh. Bumulong pa siya eh dinig ko naman. Pero ano sya chix? Well, chix naman talaga siya but my point is dapat mamana lang ng anak ko yung kahanginan ko no. Nagpakahirap akong magshoot tapos wala man lang mamanahin sakin? Tsk. Di ata pwede yun noh and yes, ANAK NAMIN. I realized nung nagiisip ako kanina sa kwarto ko na hindi naman siguro masamang tao si Sabrina para magsinungaling sakin kahit nga sila hyung nagustuhan si Sabrina. I was just being a jerk. Natakot lang ako sa responsibilidad. Duwag ako. Ano ba yan. Ang lalim nanaman ng iniisip ko pero nabalik naman ako sa realidad ng sumigaw si Yoongi hyung.

"Ano? Magluluto ka ba o tutulala ka lang diyan? Mukha kang tanga dyan." Sigaw ni Suga hyung malapit sa tenga ko. Kailangang sumigaw?

"Ano ba hyung! Wag ka ngang sumisigaw! Gilagid mo lumalabas." Sagot ko pabalik sakanya. Syempre lintek lang ang walang ganti. Hahaha.

"Bastos ka talagang bata ka!" Akmang babatukan na niya ako ng biglang pumasok si Jungkook.

"Suga hyung. Pandak na nga tas babatukan mo pa." Tignan mo tong batang to. Kala ko ipagtatanggol niya ako -.-

"Oo nga hyung. Kawawa naman si Jimin. Atleast nga pogi ako eh." Isa pa tong si Jhope hyung kakapasok pa lang nangaasar na agad. Tska anong connect?

"Hoseok hyung! Walang connect yung sinabi mo." Sabat ni Taehyung. Akmang sasagot pabalik si Jhope hyung pero...

"Yung connection nasa baba nya." Sabi ni Rapmon hyung pagkapasok nya. Ano ba to? Reunion? Lahat sila isa- isa papasok? Aish. Bahala sila dyan. Basta ako magluluto na para sa magina ko. Nagsimula na akong mag gisa ng biglang dumating na din si Jin hyung.

"Ano trip mo pandak? Ikaw? Nagluluto? May sakit ka ba?"

-------

Sabrina's POV

"Ano trip mo pandak? Ikaw? Nagluluto? May sakit ka ba?" Narinig kong sabi ni Jin kay Jimin. Actually naisip ko na yan kanina na baka may sakit lang to dahil sa ilang buwan kong pagistay dito ay hindi nagluto tong si Jimin.

"Wag kang basag trip Jin hyung. Pinagluluto ko magina ko." Sagot sakanya pabalik ni Jimin. Ang sarap pakinggan ng sinasabi nya. Maybe what he said earlier was true. Baka talgang tatanggapin na nya kami. Sunod-sunod din yung anim na asarin si Jimin sa sinabi nya.

"Naks. Tatay na tatay ah. Patangkad ka muna hyung. Hahahaha" Pangaasar ni Jungkook. Savage talaga tong bata na to. Lahat naman kami ay nagtawanan lang habang si Jimin nakabusangot. Sana ganito na lang palagi. Yung parang walang problema.

I hope it will be like this for a long time.

---------------

(A/N)

The end. Djk lang. Hahaha. Please vote and comment. Thank you :D

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now