Sabrina's POV
"TAEHYUNGGGGGGGGGGG! PENGE GATAS TSKA KANIN!" Sigaw ko sa buong dorm. Makalipas ng mga dalwang minuto dumating na din siya.
"Oh yan na oh. Demanding." Pabulong nyang sabi. Kala naman niya di ko narinig.
"May sinasabi ka?" Parataray kong sagot saknya.
"Uhh. Ano sabi ko ang ganda mo pala pag nagbubuntis." Sabi nya sakin. Iniinsulto niya ba ako?
"So hindi ako maganda pag hindi ako buntis?" Malapit na akong umiyak sa sinabi nya. Nakita ko naman na nagpanic siya.
"HINDI. ANG GANDA GANDA MO PROMISE BLOOMING KA EVERSINCE." Ngumiti naman ako sa sinabi nya at agad ng pinaghalo yung gatas at kanin. Nakita ko na nakatingin lang sakin si Taehyung.
"Gusto mo?" Inaya ko siya. Baka kase gusto nya eh. Di naman ako selfish.
"Ayaw ko, uhh baba na ako ah? Sabihin mo na lang pag may kailangan ka." Nginitian nya ko kaya tumango na lang ako habang kinakain yung kanin na may gatas.
Well, ilang buwan na din na ganito yung scenario dito sa dorm ng Bangtan. Same pa din nman. Yung anim, inaalagaan ako habang yung isa wala pa ding pake. During those weeks mas naging close ako kay Jin at Taehyung. Sila kase yung palaging andyan sa tabi ko lalo na ngayon na naglilihi na ako. Para ngang sila yung nakabuntis sakin eh. Hahahaha.
~~~~~~~~~~~~~
Taehyung's POV
Grabe na yung paglilihi si Sabrina. Partida 4 months pa lang siyang buntis ah. Pano pa kaya pag mas tumagal na? Halata na nga din yung baby bump nya eh kaya nga doble ingat kami ngayon at baka mahuli kami ng media. Nakakaexcite kaya na magkakaroon ng bata dito sa dorm kaso nalulungkot din ako kase hindi ko alam kung saamin pa rin ba siya magiistay pag nanganak na siya.
"Oy. Tulala ka dyan?" Nabigla ako kase biglang sumulpot si Suga hyung.
"Hyung. Pano pag nanganak na si Sabrina?" Tanong ko sakanya.
"Edi liliit na yung tiyan niya tas nasa labas na yung bata. Duh." Tsk. Pilosopo.
"Ang ibig sabihin ko hyung. Saatin pa din ba siya magiistay?" Nakita ko naman na yumuko siya.
"Hindi ko din sigurado Taehyung. Si Sabrina ang magdedesisyon sa huli." Mas lalo akong nalungkot sa sinabi ni Suga hyung. Ayokong iwan kami ni Sabrina. Napalapit na siya samin.
"Hay. Halika na nga. Drama mo nanaman. Ayusin na natin yung final touches nung kwarto ni Sabrina para masurprise na natin sya." Sabi ni Suga hyung. Ngumiti na lang ako at sumunod na. Pagdating namin ni Suga hyung pareho kaming napamura sa nakita namin.
~~~~~~~~
Jin's POV
"PUTANGINA?!" Narinig kong may sumigaw sa pinto. Kaya napatingin naman ako.
"Ano ba?! Bat ang ingay niyo? Nung ako lang yung andito ang tahimik ko eh." Sabi ko kela Suga at Taehyung.
"Bakit puro pink yung furnitures?! ALAM MO NAMAN NA AYAW NI SABRINA SA PINK!" Sigaw ni Taehyung kaya agad ko siyang binatukan.
"Oy. Wag mo kong sinisigawan. Mas matanda at maganda pa din ako sayo" Sabi ko sakanya.
"Nasan na si Jungkook, Rap mon, Jimin at Jhope?! Diba dapat tumutulong sila dito? Hindi ba sila kumontra kung bakit puro pink yung gamit dito?!" Tanong sakin ni Suga.
"Si Rap mon at Jhope pinatawag ni PD nim sa opisina habang si Jungkook nasa kitchen kumakain tas si Jimin ayon lumandi nanaman kay Macy." Sagot ko kay Suga. Aba. Ok na nga din na ako na lang ang naiwan dito atleast sure ok na may pink dito sa kwarto ni Sabrina no.
"Hay. No choice na tayo Suga hyung. Andyan na eh. Tapusin na lang natin para masurprise na natin si Sabrina bukas." Narinig kong sabi ni Taehyung. Ha. Panalo nanaman ako. Nanaig nanaman ang The Pink Princess.
------------------------
(A/N)
Guys. Magvote naman kayo, para nman malaman ko kung may nagbabasa pa neto. Nakakatamad din po kase pag walang inspirasyon. Di naman sa nagiging demanding ako or what pero nakakaewan kase naka 100 reads na yung libro na to pero kahit konti man lang na vote wala. So yun lang, sana wag kayo magalit. Please vote and comment. Thanks :D
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
General FictionAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...