Sabrina's POV
"SABRINAAAA. WAKEYYY WAKEYYY" Ano ba yan. Sino ba yung sigaw ng sigaw? Umagang umaga istorbo eh.
"SABRINAAAAAAAA. BREAKFAST IS READYYYYYY" Dumilat na ako ng marinig ko yung sunod na sigaw. Tsk. Si Taehyung pala.
"Di ka ba titigil kakasigaw? Pag tong anak ko lumabas ng binge, yari ka sakin." Banta ko saknya.
"Pwede mangyare yun? Hala, astig. Kaso delikado para sa pamangkin ko kaya dapat pala tahimik kami." Napasapo na lang ako ng noo dahil yung mukha nya amaze na amaze. Ang bilis niya maniwala.
"Halika na nga. Sabi mo ready na breakfast diba? Kain na tayo." Nakita ko naman na tumango na siya at lumabas na ng kwarto kaya sumunod na lang ako sakanya.
"Oh, kain na Sabrina." Pagbaba ko mukha agad ni Jhope sumalubong sakin. Di ko alam pero parang ang attractive ngayon ng baba ni Jhope. Nakita ko na pinapaupo na nya ako sa dining table pero kaysa umupo ako ay pumunta ako sa harap nya at hinawakan ang baba nya sabay tawa ng mahina.
"Oy Sabrina, wag mong sabihin sa dami ng paglilihian mo yung baba pa talga ni Jhope." Narining kong sabi ni Namjoon.
"Kaloka ka girl. Ayaw namin na maging panget ang pamangkin namin no." Narinig ko ding sabi ni Jin.
"Psh. Kahit naman kanino maglihi yan sigurado akong panget pa din yang bata na yan." Sino pa ba ang magsasalita ng ganyan diba? Edi si pandak.
"Alam mo hindi mo naman kailangan laitin yung sarili mong anak eh. Wish ko lang hindi mo kamukha to kung hindi baka magkatotoo pa yung sinabi mo." Sabi ko saknya na para bang ang tapang ko pero sa totoo lang nasaktan ako dun sa sinabi niya.
"Whatever" Nag eenglish pa siya. Sapakin ko siya eh.
"Kain na nga lang tayo. Bilis na." Aya bigla ni Jin. Sumunod na lang kami kaya umupo na kami sa dining area. Hotdog, Bacon, at Pancakes. Yan yung mga nakalatag sa mesa pero pagtingin ko dun sa pwesto ko nakita ko na may nakalagay na sa plato ko. YESSSS. KAYA LOVE NA LOVE KO SI JIN EH. MAY KAIN NA TSKA GATAS.
"Oy. Ngiting ngiti ka nanaman diyan. Bilisan mo ng kumain. Ayokong nagugutom yung pamangkin ko." Narinig kong sabi ni Jin kaya sumunod na ako at kumain na.
Tapos na kaming kumain lahat ng nakita kong nakatingin yung anim sakin.
"Problema niyo?" Tanong ko sakanila habang nakataas yung kilay ko. Nagulat naman ako ng biglang nagdilim yung paningin ko. Anong bang trip nila? Bakit kailan akong iblindfold?
"Sama ka samin. Sundan mo lang yung yapak ko. Aalalayan kita." Biglang bumulong si Taehyung sa tenga ko. I can feel his hot breath in my ear. Linalandi ba ako neto? Djk lng. Ang feeling ko. Sumunod na lang ako sa paglalakad hanggang sa tumigil na kami.
~~~~~~~~~~~
Jimin's POV
Nandito kami ngayon sa tapat ng DATI naming studio dito sa dorm. Tsk. Bat ba kase kailangan na kasama ako dito? Sila lang naman yung may gusto na gawing kwarto ni Sabrina to eh. May pasurprise surprise pa silang nalalaman. Binukasan na ni Jungkook yung pinto at tinanggal yung blindfold ni Sabrina.
"SURPRISE" Sabay sabay nilang sigaw. Syempre di ako kasali. Nakasibangot lang ako all the way.
"Ano to?" Tumingin ako kay Sabrina at nakitang parang naiiyak siya. Anong drama neto? Tska ang tanga lang ng tanong nya ah. Di ba obvious kung ano to? Kwarto ang tawag dito. Tsk. Stupid.
"Your very own room." Sagot sakanya ni Taehyung. Tuwang tuwa naman si Sabrina sa narinig kaso bigla din siyang nagreklamo.
"Bat ang daming pink?" Tinatanong pa ba yan? Syempre andito si Jin hyung.
"Kase maganda ako." Sagot ni Jin hyung sakanya. Walangya, anong connect?
~~~~~~~~~~~~
Sabrina's POV
I'm very touched sa ginawa nila. I'm even surprised na hindi man lang ako nakaramdam sa ginawa nila. Paiyak na nga ako eh. I said thank you to all of them to show my appreciation kaso napansin ko din kanina na ang daming pink. Sad lyf. I hate pink pero hindi na ako magrereklamo. Nageffort na sila dito eh. Aarte pa ba ako?
I'm currently in my own room ng biglang may kumatok. Si Jungkook pala.
"Uhh ano. Sabrina may bisita ka sa baba." Ako? May bisita? Eh si Wendy lang naman ako nakakaalam na nandito ako ah? Eh hindi pa naman nakakabalik yun.
"Sige. Sunod na ako." Nagmadali akong magayos dahil nacucurious na talga ako kung sino yung bisita na sinasabi nya. Nasa hagdan na ako at bumababa when I heard a familiar voice. A voice that I haven't heard for months. I reached the final step of the staircase and saw her face. I can't believe I'm seeing her again with my two own eyes.
"Mama?"
---------------------
Late update. Haha. Please vote and comment. Thanks :D
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
Ficțiune generalăAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...