Lost~ 26

21 2 0
                                    

Jimin's POV

Nandito na kami ngayon lahat sa van. Nasa tabi ko ngayon si Sab habang nakapatong yng ulo nya sa balikat ko. Ganun ba tlaga pag buntis? Ang bilis antukin?

"Jimin hyung. Gisingin mo na si Sabrina. Malapit na tyo sa mall." Sabi sakin ni Jungkook. Tumango naman ako bilang sagot.

"Sabbbbb! Sab gising naaaa" Mahina kong sabi habang yinuyugyog siya. Ayaw kase neto ng biglaan syang ginigising. Gusto nya yung mahinhin lang. Kung hindi susumpungin nanaman to. Mahirap na, nasa mall pa naman kami. Pag eto nagtantrums, no choice kami kung hindi ang umuwi.

"Mhmmmm. 5 minutesssss." Mahinang sagot sakin ni Sab.

"Woyy. Sabrina! Gising na! Di dapat pinaghihintay ang diyosang katulad ko." Sabat ni Jin hyung. Kapal din talaga ng mukha neto ni hyung. Makadiyosa sya kala mo tlaga. Tsk. Pero wait? Bakla ba talga to si hyung?

"Hyung! Bakla ka ba talaga?" Tanong ko kay Jin hyung. Medyo lumayo na ako kase baka batukan pa ako neto.

"Oy pandak! Anong kala mo saken?! Sa gwapo kong toh?! Pagkakamalan mo kong bakla?! Magiging bakla lang ako pag tumangkad ka na!" Mataray na sagot saken ni hyung. Tignan mo to. Nagtanong lang, nadamay na agad yung height ko!

"Oo nga hyung, nakakacurious! Bakla ka ba talga?" Sabat ni Jungkook. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jin hyung. Akmang babatukan na nya si Jungkook ng biglang sumabat si Taehyung.

"Wait. Hyung, may nahalata ako. Bakit nagsimula ka lang umaktong bakla nung dumating na si Sabrina sa buhay naten?" Sabat ni Taehyung. Oo nga no? Hindi naman ganyan noon si Jin hyung eh.

"Wow Taehyung! Taray ng sentence mo ah. 'Nung dumating si Sabrina sa buhay naten' iba ka na talga. Ang drama mo huy!" Pangaasar ni Hoseok hyung kay Taehyung.

"Nako Hoseok hyung. Pag di ka tumigil sa kakaasar saken ipapadala ko yang baba mo sa planeta ko." Sabi ni Taehyung kay Hoseok hyung habang nanlilisik yung mata nya.

"Ok nga yun eh! Atleast pag pumapasok tayo sa mga establishments, di na tayo haharangin!" Sabat ni Namjoon hyung. Pinagsasabi neto ni hyung?

"Hyung, pinagsasabi mo?" Tanong ko kay Namjoon hyung.

"Eh kase naman! Palaging napapagkamalan tayong may dalang deadly weapon!" Pangaasar ni Namjoon hyung. Hahahaha. Sira ulo talga to si hyung.

"Mhmmm. Ang ingay niyo namannnnn!" Angil ni Sab. Good. Gising na sya.

"Hoy Sabrina! Lika na! Tagal mo talagang gumising bruha ka!" Sita ni Jin hyung kay Sab. Abnormal tlaga to si hyung. Pati buntis pinapatulan.

"Che! Mas mukha ka pang bruha saken!" Sagot saknya ni Sab.

"Nyemas. Mamaya na nga kayo magrambulan! Lika na, pasok na tayo sa mall!" Aya ni Suga hyung. Lahat naman kami tumango at bumababa na. Syempre inalalayan ko na si Sab. Mahirap na, baka madulas pa sya.

------------

Sabrina's POV

Nandito na kami sa loob ng mall at papunta na kami sa may department store kase dun kami makikipagmeet kay Wendy at tska para diretso shopping na din kami para kay baby.

"SABRINAAAA! I MISHHHH YOUUUU BESHIEEE!" May narinig akong sumigaw. Hinanap ko kung saan nanggaling. Ayun, nakita ko na kung sino yung sumigaw. Syempre sino pa ba ang maglalakas sumigaw sa loob ng department diba? Syempre si Wendy.

"HOY BABAE! WAG KA NGANG SUMIGAW! ANG INGAY MO! PARA KANG NAKALULON NG BOOM BOX!" Tignan mo. Parang gago din to si Jin. Kakasabi lang nya kay Wendy na wag sumigaw pero sya sigaw ng sigaw.

"ANO BA YAN! WAG NGA KAYONG MAGSIGAWAN! PARANG WALA TAYO SA MALL AH!" Sabat ni Taehyung. Tignan mo to. Isa pang gago. Makasigaw wagas eh. Nakakahiya. Pinagtitinginan na kami ng tao. Well, this is Bangtan we are talking about. Hahahaha.

"Hoy Taehyung. Wag ka nga sumigaw! We're in a mall for fuck sake, that is so not swaeg! Iuwi kita sa planeta mo eh!" Sabat ni Yoongi. Hahaha. Ang cute magalit ni ni Yoongi. Labas gilagid. Hahaha.

"Di mo ko mauuwi dun Suga hyung! Di ka i-we-welcome ng mga kalahi ko." Sagot ni Taehyung.

"Bakit naman ha?! Bawal ba mga pogi dun?!" Tanong ni Suga kay Taehyung. Kapal din ng mukha neto ni gilagid eh.

"Tsk. Magisip ka naman hyung. Kung bawal mga pogi dun edi hindi na ako inaccept ng mga kauri ko!" Sagot ni Taehyung. Isa pa tong makapal ang mukha.

"Good thing to know pwede mga pogi dun. Atleast alam kong mabibisita kita Taetae hyung pag nagkataon." Sabat ni Jungkook. Hala ka. Pati si maknae nahawa na sa kakapalan nila. Hahaha.

"Tsk. Bawal nga kayo dun!" Sagot ni Taehyung.

"EH BAKIT NGA?!" Angil nilang lahat. Oh beastmode na yung anim. Hahahaha.

"Bawal malibog dun." Sagot ni Taehyung. Jusko. Kala ko naman kung ano.

"Gago. Edi bawal ka dun!" Sabay sabay na sagot nung anim kaya napasibangot si Taehyung. Hahaha. Kawawa naman to si Taehyung. Napagtulungan nung mga kulugo. Hahaha.

"Woo. Buti na lang. Pwedeng pwede ako sainyo Taehyung! Pogi ako tapos di naman ako malibog! Hahaha." Sabi ni Jimin. Hala sige lang, tawa ka lang diyang pandak ka. Kala mo naman talaga nakatira sa ibang planeta tong si Taehyung at feel na feel nila. Abnormal tlaga pag walang jams eh.

"Bawal ka dun hyung." Nakasibangot na sagot ni Taehyung.

"Bakit?! Pasado naman ako sa mga requirements na sinabi mo ah?!" Tanong ni Jimin saknya.

"May height requirement." Sagot ni Taehyung. HAHAHAHA.

"Aba! Sir---" Sasagot pa sana si Jimin ng biglang...

"Oh ano? Tapos na kayo?" Napatalon ako sa gulat kase nasa tabi ko na si Wendy. Punyemas! Nasa dulo pa sya kanina ah!

"Nakalapit na ako at lahat pero ang dami nyo pa ding daldal!" Pagtataray ni Wendy. Mostly nung taray nya towards kay Jimin at Jin.

"Tsk. Pataray-taray pa di naman bagay." Narinig kong bulong ni Jin.

"Ano sabi mo bakla?!" Medyo pasigaw na tanong ni Wendy. Tsk. Nagkakainisan nanaman tong dalawang to.

"Sabi ko patara----" Bago pa matapos ni Jin yung sasabihin nya pinutol ko na agad sya. Mamaya magrambulan pa tong dalawang to dito.

"Lika na guys! Shopping na tayo para kay baby!" Aya ko sakanilang lahat.

"Oo nga bestie! C'mon! Let's start shopping!" Sagot ni Jin sabay kapit sa kanang braso ko ng biglang...

"Yah! Wag ka nga dyan Jin! Tsk! Bestie! Lika na! Wag mong pansinin yang baklang yan! Let's shop na for my pamangkin!" Sabat ni Wendy sabay kapit naman sa kabilang braso ko. They started to bicker again. Jusko. Ang ingay nila and to think that we haven't even started yet!

Wahhhh. This will sure be a long day!

----------------

(A/N)

HOMAYGASH GUISEEE IM BACK! SORRY KUNG NATAGALAN! INSPIRED AKO DUN SA PINK HAIR NI JIMIN. POGI NYA DUN EH KASO PANDAK TALGA. HAHAHAHA. So yun lang. Hahahahaha. Please vote and comment lalo na po dun sa silent readers ♡♡♡

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now