Lost~ 4

48 2 0
                                    

Sabrina's POV

2 months has passed simula nung may nanyare saamin ni Jimin at hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala. Sinusubukan kong kalimutan lahat pero ang hirap. Ikaw ba naman ang magalaw ng isang Park Jimin na walang jams pero may abs naman. Oh dba. Mahirap kalimutan yun at simula nga pala ng mga pangyayare na iyon ay kinalimutan ko na din na isa akong ARMY. Mahirap kase sobrang sikat kaya nila kahit saan ako pumunta may nakikita akong ARMY pero mas pinili ko na kalimutan ang lahat na konektado sakanya dahil sa tingin ko ay yun ang dapat.

Eto nanaman ako at nagdadrama. Ang tagal kasi ni Wendy eh. Inutusan ko kase syang bumili ng mangga sa labas ng university. Di ko din alam kung bakit ko biglang nagustuhan yung manga eh hindi naman ako mahilig sa maasim. Habang nagiisip ako bigla ko ng narinig yung sigaw ni Wendy.

"BESSYYYY. ETO NA YUNG MANGGA MOOOO. BUMILI DIN AKONG NG BBQ OH" Mukha tlaga tong baliw tas ang ingay pa nya. Tsk. Wierdo tlaga to ngiting ngiti pa syang lumalapit sakin at inabot yung manga ko.

"Ayan na oh. Kain na tayo nagugutom na ako." Sinunod ko naman agad si Wendy dahil gutom na din ako. Kumakain na ako ng manga habang nakitingin saknya at tinitignan sya sa paglabas nya ng bbq sa plastik.

"Wendy. Ano ba yan. Itapon mo nga yan. Ang baho. Pano mo nasisikmura na kainin yan?"

Tinignan lang nya ako at biglang nanlaki yung mata nya at bigla na lang syang sumigaw na ikinagulat ko. "BUNTIS KA NO?!"

Binatukan ko agad sya at agad naman syang nagreklamo na masakit daw. "Anong buntis ka dyan?! Umayos ka nga!" Sabi ko sakanya.Buti na lang at nasa bandang dulo kami ng school at walang masyadong tao kaya walang nakarinig sa sigaw nya. Baliw tlaga to. Ipapahamak pa ako.

Pagtapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay Wendy para umuwi dahil dismissal na din naman at inaantok na ako. Tinawagan ko na din ang driver ko kaya sure ako na hinihintay na ako nun. Habang naglalakad ako palabas ng campus di ko maiwasan isipin yung tinanong sakin ni Wendy.

"BUNTIS KA NO?!"

"BUNTIS KA NO?!"

"BUNTIS KA NO?!"

"BUNTIS KA NO?!"

"BUNTIS KA NO?!"

Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Pano nga kaya pag buntis ako? Pano na yung ama ng bata? Bigla ko na lang naalala na hindi na ako dinadatnan buwan buwan at nagsisimula na din akong magcrave ng mga ayaw ko noon. Madalas na akong nababahuan sa mga pagkain at palagi akong pagod. Omg. Pano nga pag buntis ako?! Ano na lang ang gagawin ko?!

-------------

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kasama ko si Wendy. Hanggang ngayon ay kabang kaba pa rin ako at pawis na pawis. Simula kase nung tinanong nya ako kung buntis ako ay naghinala na din ako. Dahil doon ay nagpabili ako ng preganancy test kay Wendy at eto kami ngayon. Nakaupo kami sa kama habang hinihintay ang resulta na pwedeng baguhin ang buong buhay ko. Habang naghihintay kami ay pilit parin akong pinapakalma ni Wendy kaso wala namang epekto dahil hindi ko tlaga mapigilan na manginig sa takot.

10 minuto na ang lumipas. Bumitaw ako sa pagkakayakap sakin ni Wendy at unti unti akong naglakad papuntang banyo kung nasaan ang pregnancy test. Hanggang sa nakaabot na ako sa lababo kung saan nakapatong ang PT agad kong hinawakan ko ito at tinignan. Bigla akong mas nanginig sa aking nakita. Dalawang linya. Dalawang linya ang nakalagay sa PT na magiging dahilan sa sobrang laking pagbabago sa buhay ko. Buntis ako. Di ko alam kung dapat ba akong ngumiti sa tuwa dahil magiging nanay na ako o umiyak sa takot dahil wala sa tabi ko ang ama neto. Pano na lang ang iisipin ni mama? Pano na pagaaral ko? Pano ko sasabihin kay Jimin na ama na sya? Magisa ko bang papalakihin ang anak ko? Pano pag tinakwil ako ni mama? Pano ko susustentuhan ang anak ko? Pano na yung suporta ni jimin? Lahat yan ay pumapasok sa utak ko ng biglang naramdaman ko na may yapak na papalapit. Nakita ko na lumapit sakin si Wendy at kinuha sa kamay ko ang PT. 

"Oh my gosh. Buntis ka bes?! Magiging ninang na ako?!" Nakangiti at tuwang tuwa na tanong sakin ni Wendy. Nang nakita ko yung ngiti ni Wendy biglang nawala lahat ng takot ko at doon ko narealize na hindi ako nagiisa sa laban na to. Andito ang bestfriend ko para suportahan ako at blessing itong batang to kahit nabuo man sya sa isang pagkakamali. Yinakap ako ni Wendy at daldal lang siya ng daldal na dapat daw ay kasama siya sa pagbili ng mga gamit ng magiging inaanak nya at siya daw ang magpaplano ng binyag neto. Napangiti naman ako dahil nakikita ko tlaga ang suporta nya sakin.

------------

Kakauwi lang ni Wendy pagtapos namin magdinner. Syempre nakikain tlaga sya. Yun pa ba? Di ko nga alam kung mayaman ba tlaga yun kase palagi kong palamunin yun eh. Haha. Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang kumakain ng biglang nakita kong tumatawag sakin si mama. Ano ba yan istorbo naman. Nanonood ako ng exo's showtime eh. Well, di naman tlagang istorbo sadyang hanggang ngayon kase ay masama pa rin ang loob ko saknya pero nanay ko pa din sya. Sasagutin ko na dapat ng bigla kong naisip na buntis nga pala ako. Bigla nanaman akong nakaramdam ng kaba. Sasabihin ko ba kay mama? O itatago ko muna sa sarili ko? Narealize ko na nagriring pa pala yung phone ko kaya sinagot ko na agad ito kahit labag pa sa kalooban ko.

~Phone conversation~

M: Sabrina, what took you so long to answer the phone? Alam mo naman na busy ako. I don't have much time.

S: Sorry ma, I was doing some school work.

M: Oh okay. By the way, I have something to tell you.

S: What is it ma?

M: Our company is going to have a partnership with the Evangelista.

S: Oh. Anong kinalaman ko dyan ma? Alam nyo naman na wala akong hilig sa business.

M: You know that our company is slowly collapsing simula ng nawala ang papa mo and the only way to resolve it is makipagpartnership with the Evangelista but they have a condition.

S: What?

M: An arrange marriage with the heir of the Fernandez and their son.

----------

Please comment and vote :D thanks :D

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now