Lost~ 9

36 2 0
                                    

Sabrina's POV

Nandito na ako ngayon sa condo na binili Jimin para samin ng anak ko.Halos one month na din ako andito. Nakaayos na din yung mga gamit dahil inayos na nung pito para sakin. Ikaklaro ko lang ah? Hindi kasama si Jimin dyan sa pitong yan. Si Wendy yung tumulong dun sa anim. Bawal na daw kase ako magpagod at baka daw mawala pa yung pamangkin nila. Oh, ang sweet no? Mas tanggap pa nila yung bata kaysa dun sa sariling ama. Hay, dapat di ko na siya iniisip. Panira lang ng mood eh. Also, I stopped my studies. Pangsaglitan lang naman. Babalik din ako but I need to give birth first at magipon muna.

Well, ngayon ang first check up ko and i'm very excited kaso magisa lang akong ppunta dahil sabi ni Jimin may photoshoot daw sila bukas. Kaya no choice ko at bawal ako maginarte kase trabaho nya yon. Sana dapat ay si Wendy na lang kaso nasa Los Angeles ngayon yun. Nagbabakasyon ang bruha. Ilang months din sya dun. Nagayos na ako ng damit ko. Hahaha, naalala ko naman yung nangyare noon sa mall nung bumibili pa lang kami ng mga gamit.

~Flashback~

Sabrina's POV

"Oy girl, eto oh. Pink na maternal dress tas partneran mo netong doll shoes na pink." Sabi ni Jin sakin.

"Bakla ka ba? Bat puro pink?" Sagot ko saknya. Oo, alam ko na pink princess siya kaso seryoso ba tlaga siya? Lahat ng binibigay nya sakin pink talaga.

"Di ako bakla. Salitang babae lang pero pusong lalake to." Sabi nya tas pinaalalim nya pa yung boses nya.

"Utot mo, kaya pala halos lahat ng gamit mo color pink" Nagulat ako na nasa tabi ko na si Jimin at biglang sumabat. 

"Heh, yung jams mo parang fashion. Wla kang ganun. Tska di mo tlaga maaappreciate tong taste ko pagdating sa damit kase pandak ka tska diyosa kase ako tas ikaw mukhang kutong lupa." Sabi ni Jin tas nakataas pa yung kilay nya. Wtf. Nagbias ako ng bakla? and grabe siya manlait.tska ano connect nun sa jams? HAHAHA

"Oy Sabrina, alam ko yang ganyan mukha. HINDI NGA AKO BAKLA at ikaw Jimin! Shopping time namin to ni bestfriend ko kaya wag kang magulo. Dun ka na, lumapit ka na lang pag may babayaran na." Pagkasabing pagkasabi nya agad nya akong hinatak palayo kay Jimin. Pero tama ba yung narinig ko? Bestfriend? Bestfriends na kami?

"Oo, bestfriend na tayo. I'll protect you from any harm girl." Wtf. Mind reader ba to? tska ang manly na nung sinabi nya kaso may 'girl' pa talaga sa dulo. haha

~Flashback~

Sabrina's POV

Naputol yung pagtawa ko ng biglang may kumatok sa pinto. Natural alangan namang may kumatok sa floor dba? Aishh. Ganito ba talga pag buntis? Kung ano ano na pinagiisip ko.

"Oy girl! Hindi pinaghihintiay ang diyosang katulad ko! Ano ba bilisan mo nga!" Narining kong may sumisigaw sa labas. Nagulat ako sa nakita ko nung binuksan ko yung pinto.

"Jin?" Luh. Anong ginagawa neto dito?

"Halika na! Baka malate pa tayo!" Ano pinagsasabi neto?

"Hoy, wag kang magulo. Ngayon yung check up ko kaya wala akong time sa mga gala mo." Sabi ko sakanya.

"Bobo neto. Sasamahan nga kita. Lika na" Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Lah. Kala ko ba may photoshoot kayo ngayon?" Sinabi ko naman sakanya na para bang takang taka.

"Anong photoshoot? So, manager ka na pala namin ngayon? Daig mo pa ako eh. Ako nga di ko alam na may photoshoot kami tas ikaw alam mo. Sino ba nagsabi sayo nyan?" Tangina. Ano ba tlaga? Ang gulo ah.

"Si Jimin" Yan na lang ang nasabi ko.

"Ay, naisahan ka nanaman nung pandak na yun. Wala kaming photoshoot ngayon pero maaga siyang umalis kanina. Nabanggit lang nya na may check up ka ngayon kaya naisipan kong samahan ka." Matotouch na sana ako sa sinabi nya kaso hindi ko maiwasang malungkot na malaman na nagsinungaling lang pala si Jimin. Wala ba talga siyang pake? Kahit konti lang?

Jin's POV

Nakita ko na para bang nalungkot si Sabrina dun sa sinabi ko. Hala, buntis nga pala to kaya moody. Aish katangahan mo Seokjin umiiral nanaman.

"Halika na nga! Wag ka na magdrama diyan, mas lalo kang pumapanget. Bilisan mo na, pagtapos ng check up libre kita ng pagkain! Kahit san mo gusto." Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko. Tsk. Takaw. Hinatak ko na lang siya hanggang sa makapunta na kami sa kotse ko. Pinagbuksan ko na siya ng pinto at pinasakay na. Aba kahit kilos bakla ako madalas, syempre kailangan gentleman pa din no. Sumakay na ako at tinanong saknya kung saang ospital sya magpapacheck up. Pagkasgot na pagkasagot pa lang nya ay agad na akong nagdrive.

Nandito na kami ni Sabrina sa waiting room at hinihintay na lang namin na tawagin yung pangalan nya. Halos 30 mins na din kaming andito. Ang tagal nga eh. Nagugutom na akoooo.

"Ms. Sabrina Hernandez?" Nakita namin na may lumabas na nurse at tinawag na yung pangalan nya. Hay salamat. Kala ko sila na magpapatupad ng forever eh. Kaloka ang bagal ng service nila.

Sabrina's POV

Salamat nman at natawag na yung pangalan ko. Ang tagal kaya, pero ok lang kasama ko naman si bias. Djk ang aga aga landi na agad iniisip ko. Hahaha. Pumasok na kami ni bestie dun sa kwarto at binati naman kami ng doctor. Sinabihan ako na humiga na daw dun sa kama at ihahanda na daw nya yung mga gamit. Sumunod naman ako. Mga limang minuto pa kami naghintay nung lumapit na yung doktor.

"Ok Ms. Hernandez. Wag masyadong kabahan ok? Hinga lang. May ilalagay lang ako sa tiyan mo at malamig to sa pakiramdam kaya don't panic pag nakaramdam ka na parang may yelo sa tiyan mo." Tumango na lang ako at naramdaman ko na yung malamig na feeling tas sinimulan na nyang icheck yung tiyan ko.

"Ms. Hernandez?" Napatingin ako sa doktor at nakita ko na may tinuturo siya kaya sinundan ko ng tingin kung san man siya nakaturo. She was pointing to a screen. 

Ang anak ko, nakikita ko na yung anak ko. I never thought that I will tear up just by looking in a screen. I looked to my left at nakitang naluluha na din si Jin. Gosh, ang sarap sa feeling. Parang ngayon lang nagsink in sakin na magiging nanay na ako. Ang saya saya at gaan sa pakiramdam.

"Congratulations Mr. and Mrs. Hernandez! The baby is perfectly fine and healthy." Yan ang narinig ko dun sa doktor. Mas lalo akong natuwa sa sinabi nya na healthy ang anak ko. Pero wait, WTF? MR. AND MRS. HERNANDEZ?!

"Uhh. You got it all wrong po. Di ko po siya asawa at di po ako yung ama nung bata." Narining kong sabi ni Jin.

"Oh, my apologies. Pero pwede ko bang tanungin kung asan yung tatay nung bata?" Nalungkot nman ako dun sa tinanong nya saamin. Alangan namang sabihin ko saknya na di ko alam kung asan yung tatay ng anak ko kase wla namang pake yun.

"Uhh, busy po kase kaya ako na lang sumama dito sa bestfriend ko." Sabi ni Jin sa doktor. Buti na lang kasama ko tong ugok na to at baka maiyak pa ako dito lalo. 

May mga binigay na din yung doktor na mga gamot sakin. Vitamins daw para mas maging madali yung pagbubuntis ko. Tinanong ko din sakanya kung kailan malalaman yung gender. Sabi nya pag mga six months pa daw yun. Excited na nga ako eh, para makaisip na ako ng pangalan. 

Pagtapos namin sa check up ay agad agad na kaming pumunta sa mall ni Jin para kumain katulad ng sinabi nya sakin kanina. Aba, di siya pwdeng umangal. Siya nagsabing ililibre nya ako eh. Haha. Pagtapos naming kumain ay naglibot na lang kami hanggang sa nagaya si Jin sa department store at tingin daw kami ng mga gamit para daw sa pamangkin nya. Nakakatuwa siya kase ang excited talga nya. Ang saya saya naming naglilibot sa department store hanggang sa may nahagip yung mata ko na nakasira sa buong araw ko. 

"Jimin?"

----------------------

(A/N)

Try ko na araw araw magud. Katamad kase eh. Djk. Actually nakalimutan ko kung ano nga ba talga yung plot neto. HAHAHA. Don't forget to vote ;) Gomawooo :D

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now