Lost~ 3

53 4 11
                                    

Sabrina's POV

Ang sakit ng ulo ko. Ano ba yan mukhang napadami nanaman ako ng inom. Lecheng hangover yan. Nahihirapan pa akong dumilat pero pinilit ko pero nagulat ako ng puting wall ang nakita ko eh purple ang kulay ng wall ng kwarto ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko ito kwarto at sigurado akong hindi ko bahay ito at hindi din bahay nila Wendy to.

Unti unti akong tumingin sa ilalim ng kumot at nakita ko na wala na akong damit. Biglang may namuong luha sa mata ko. Jusko lord, kung paniginip po ito please pakigising na ako. Ang pinakainiingatan ko ay wala na. Huminga ako ng malalim at nagipon ng lakas para tignan kung sino yung lalakeng nakatabi sakin.

"WAHHHH. PARK JIMIN ANONG GINAGAWA MO DITO?! ANONG GINAWA MO SAKIN?!" Syempre napasigaw ako. Ikaw ba naman makita mo na katabi mo ang idol mo and to mention na pareho kayong nakahubad.

"Ang ingay mo naman Jin hyung kita mong natutulog pa yung tao oh" sagot sakin ni Jimin. Aba gago to ah ginawa pa akong ka boses ng bias ko. Sa inis ko sakanya tinadyakan ko sya at nahulog sya sa kama. Nagtakip ako bigla ng mata.

"WAHH. MAGBIHIS KA. WALANGYAKA YUNG MGA INOSENTENG MATA KO" Sigaw ko nanaman saknya. Pano ba naman kasi nung pagkahulog nya nakalimutan kong wala nga pala syang damit edi kita ko yung ano nya. Jusko naman lord. Di pa nga po ako nakakamove on sa nangyare samin gusto nyo na agad ng round 2? Huhu. Pero infairness ah. Kahit wala syang jams grabe naman ang abs nya. Tukso layuan mo ko. Mukha akong tanga dito na kinakausap si lord ng bigla kong narinig ang sigaw ni Jimin.

"OY BABAE KA ANONG GINAWA MO SAKIN?! PINLANO MO TO NO?! SASAENG FAN KA?!"

Aba. Sa ganda kong to sasaeng ako? Kapal ah. Kung wala lang syang abs eh. Pero teka nga lang kung makareact sya parang sya yung nawalan ng virginity. Wait, ngayon lang nagsink in. May nangyare samin. Di na ako virgin. Bigla nanaman akong naiyak. Pano na to? Pano pag nalaman to ni mama? Pano na pag nabuntis ako? Pano na pagaaral ko? Bigla akong nagising sa realidad ng biglang may bumato sakin ng unan.

"Oy wag kang magdrama dyan. May paluha luha ka pang nalalaman dyan. Alam kong pinlano mo to. Magkano kailangan mo para wag mong ipagkalat na may nangyare satin?"

Ouch. Kala nya bayaring babae lang ako. Tumayo ako at dala dala ang kumot na nakabalot sa katawan at lumapit sakanya at sabay sampal ng napakalakas saknya.

"Anong akala mo sakin? Bayaring babae? Pareho tayong lasing kagabi kaya may nangyare saatin. I don't need your fucking money. Di ko pinlano na mangyare to. Oo, fan ako pero hindi ako ganoong kadesperada. Wag kang magalala, di ko ipagkakalat to dahil hindi lang din naman ang pangalan mo ang masisira" naiiyak ako na umalis sa harap nya at hinanap ang damit ko para magbihis. Agad agad akong umalis sa kwarto nya. Grabe. Ang sakit nyang magsalita. Oo, alam kong sikat sya pero hindi ibig sabihin pagsasamantlahan ko sya at ang kapal nya para ibribe ako ng pera. Di nya ba ako nakilala? Isa akong Hernandez di ko kailangan ng pera nya. Hanggang sa naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Nakita ko si mama tumatawag.

~Phone Conversation~

M: Bukas na ang burol ng papa mo. Next week ang libing nya. Wag ka ng pumunta dito sa Pilipinas. Di ka naman kailangan dito.

S: Ma. Hindi pwedeng di ako pumunta. Para namang hindi niyo ako anak.

M: Wag kang pupunta dito kung ayaw mong itakwil kita.

~End of Phone call~

Grabe ang saya ng buhay ko. Note the fucking sarcasm. Wala naman talagang pake sakin ang magulang ko. Eto nanaman ako at parang tangang nagpipigil ng luha. Wala na ba akong karapatan makita ang puntod ni papa? Tinawagan ko si Wendy para makipagkita at ikwento sakanya lahat at paglabasan sya ng sama ng loob.

------------

Nandito kami ngayon ni Wendy sa starbucks. Habang hinihintay namin sa table namin na iserve yung kape namin bigla syang nagtanong.

"Bes. Saang lupalop ka ba ng gilagid ni Kris nagpunta kagabi at bigla ka na lang nawala?"

Bigla akong namula nung naalala ko na may nangyare samin ni Jimin. Dahil sa tanong nya ay nagsimula na akong magkwento. Simula sa pinakauna kung pano ako hinalikan ni jimin hanggang sa paglayas ko sa kwarto nya pati na rin ang pagtawag sakin ni mama.

"ANO?! MAY NANGYARE SAINYO NI PARK JIMIN?!" Sigaw nya sa buong starbucks. Kaya naman tinakpan ko ang bibig nya at nagsorry dun sa mga taong nagtinginan. Sinamaan ko ng tingin si Wendy at nagpeace sign naman ang gaga.

"Pwede hinaan mo lang yng boses mo?" Inis kong sabi skanya. Agad naman syang tumango kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig nya.

"Pero di nga? May nangyare tlaga sainyo? Jusko bes. Dream come true to. Biruin mo nakajackpot ka? Masarap ba yung abs nya? Malaki ba?" Namula naman ako sa tanong nya saken. Pero agad ko din naman syang binatukan. Hay kahit kailan tlaga baliw tong bestfriend ko.

"Baka nakakalimutan mong pinagbintangan nya akong isang bayarang babae?" Tinaasan ko agad sya ng kilay.

"Ay sorry nakalimutan ko. Haha. Pero gago sya ah. Wag ka magalala Sabrina ang importante alam mo yung totoo sa sarili mo tska mahal naman kita kahit anong mangyare eh." biglang bawi nya sakin.

Yan yung dahilan kung bakit ko sya naging bestfriend eh. Andyan sya at nakasuporta sakin. Kahit ano mang mangyare alam kong andyan lang sya. Kaya kahit may saltik yan mahal ko yan.

--------------

(A/N)

Cut ko muna ah? Haha. 3:16 am na at di pa rin ako makatulog.

Btw guys. meron ba sainyong marunong gumawa ng cover? please msg me kung meron. Don't forget to vote and comment. thanks :D


A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now