Lost~ 5

38 2 0
                                    

Sabrina's POV

Arrange marriage. Wow. Just wow. Andito ako ngayon sa tapat ng building ng Big hit entertainment para kausapin si Jimin pero hindi parin ako makalabas sa kotse dahil iniisip ko kung pano ko sya kakausapin dahil baka di ako papasukin dahil baka isipin eh sasaeng fan ako. Nang bigla kong naalala ko pa rin ang sinabi ni mama.

~Flashback~

Phone conversation

M: An arrange marriage with the heir of the Fernandez and their son.

S: ANO MA?! NASISIRAAN NA BA KAYO NG BAIT?! DI AKO PWEDENG MAGPAKASAL!

M: AT BAKIT HINDI?! NANAY MO AKO AT AKO ANG MASUSUNOD!

S: MA ANAK NIYO KO HINDI GAMIT NA PWEDE NIYONG BASTA NA LANG AKONG IPAMIGAY. ANO TO? TRADE LANG MA?

End of Phone conversation

Bigla ko na lang nababa ang cellphone ko dahil sa sobrang galit ko kay mama ng biglang may nagtext sakin.

From: Mama

Lumayas ka na dyan sa pamamahay ko. Babalik ako bukas dyan for business. Make sure na wala ka na dyan pagdating ko at kalimutan mo na ding ako ang ina mo.

~End of Flashback~

Nanghihina pa din ako hanggang ngayon pero kailan kong maging malakas para sa sarili ko at para sa magiging anak ko, bigla kong naisip pano kaya kung sinabi ko kay mama na buntis ako? Sinadya ko tlaga na hindi saknya sabihin dahil baka magalit sya ng sobra.

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papalapit sa building ng Big hit entertainment ng bigla akong hinarangan ng guard. Bawal daw pumasok ang mga fans. Aba gago to ah. Kung makaharang sakin to kala mo naman ang tangkad eh mas matangkad pa sakanya si Kyungsoo eh. Nakita ko na may babaeng lumabas sa building. Mukha syang secretary kaya lumapit ako saknya at nagtanong.

"Excuse me, pero pwede ko bang tanungin kung pwede makausap ang Bangtan?" Magalang kong tanong sa mukhang secretary na to. Pero di ako pinansin ng gaga at tinarayan lang ako. Aba siraulo to ah. Tinanong ko ulit sya yung pasigaw na at baka di nya ako nairinig.

"MS. PWEDE BA MAKAUSAP YUNG BANGTAN?! SECRETARY KA DBA? BAT DI MO SAGUTIN YUNG TANONG KO?" Di nya parin ako pinansin at tumayo na sya para umalis. Tsk. Kala mo naman maganda. Eh ako nga dyosa haha. Nabigla ako ng bigla nya akong binangga nung pagdaan nya at dahil doon bigla akong naout of balance kaya tumama yung likod ko sa floor.

"AHHHH" Bigla akong napasigaw dahil sa naramdaman kong sakit. Nakita kong nanlaki bigla yung mata ng babae na nangbangga sakin. Naluluha na ako dahil bigla kong naalala yung baby ko. Ayokong mawala sya sakin. Sobrang sakit ng tyan ko. Unti unti ng dumidilim yung paningin ko pero bago ko pa man mapikit ang mata ko. Isang tao ang ikinagulat kong nakita.

"Jin?"

Then, everthing went black.

-------------

Jin's POV

Palabas ako ng Big hit dahil bibilhan ko ng pagkain ang mga kamembers ko. Pinayagan naman ako ng manager namin lumabas basta daw eh magsuot ako ng hood at face mask para walang makakilala sakin. Nakalabas na ako ng building at ilalagay ko na dapat sa mukha ko yung face mask ko ng bigla akong nakakita ng babae na nakahandusay sa sahig at sumisigaw.

Agad agad akong lumapit sakanya para tulungan sya pero nakita ko na wala na syang malay. Teka, kilala ko to ah? Eto yung palaging nasa dyaro. HALA, ANAK TO NG ISA SA MGA PINAKAMAYAMAN SA KOREA EH! Agad ko syang binuhat ng bridal style at pumunta na sa kotse ko at nagdrive papuntang ospital.Pagdating na pagdating ko pa lang sa emergency room ay nanghingi ako ng tulong.

Halos 3 oras na akong naghihintay dito ng dumating na yng doctor at sinabing ok na daw yung pasyente at nasa isang kwarto na sya at nagpapahinga. Sinabi na din sakin ng doctor na susunod sya sa kwarto ng pasyente at dadalhin nya ang findings. Pumunta ako agad sa kwarto nya para tignan sya. AYUN! NAALALA KO NA. SYA SI SABRINA HERNANDEZ. Grabe, ang ganda nya. Napakaswerte ng boyfriend neto.

Habang tinitignan ko ang napakagandang mukha nya biglang nakita ko na pumasok na yung doctor at sinabi sakin na she is 2 months pregnant at wag daw akong magalala sa baby namin dahil safe naman daw dahil malakas ang kapit ng bata. Nagpaalam din agad sakin ang doctor dahil may kailangan pa daw syang gawin. Wait, ngayon ko lang narealize yung sinabi nya. Buntis sya? Hala, napagkamalan pa akong ama.

-----------

Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa din syang gumising. Kakatawag ko pa lang kay Namjoon at sinabi sakanya na nasa Cypher hospital ako at bilang leader namin sya agad syang nagpanic dahil akala nya may masamang nangyare sakin. Pano ba naman di manlang ako pinagexplain pag kasabing pagkasabi ko pa lang nagpanic agad sya tas binabaan nya na ako. Haha

"Yung anak ko?!" Nagulat naman ako dahil bigla may sumigaw. Gising na sya. Buti naman. Nagaalala na ako skanya eh. Nabigla ako nung umiyak sya. Kaya agad ko syang linapitan at pinatahan at sinabi sakanya na ok lang ang baby nya kaso nahihirapan syang patahanin ang sarili nya at nahihirpan na syang huminga. Hala, May hika ba to? Buti na lang may nakasaksak ng oxygen saknya kaya kahit papano ay nahahabol nya yung hininga nya. Inaalalayan ko na lang siya at paulit ulit na sinasabi sakanya na ok lang ang baby nya hanggang sa naramdaman kong kumalma na sya.

"Ok ka na ba Sab---" Tanong ko dapat sakanya kaso biglang may nagbukas ng pinto ng sobrang lakas.

"JIN HYUNG WAG MO MUNA KAMING IWAN. PANO NA LANG KAMI? HAHAYAAN MO BA KAMING MAMATAY SA GUTOM?" Sigaw ni Taehyung na para bang maluluha na sya agad naman syang binatukan ni Suga dahil ang ingay nanaman ng bibig nya. Tsk. Alien tlaga to. Napansin ko naman na hingal na hingal silang lahat. Ganun ba tlaga ako nila kamahal at tumakbo pa sila papunta dito? Haha.

"Jimin?" Biglang narinig kong sabi ni Sabrina. Napatingin ako sakanya at nakita kong nanlaki ang mata nya na para bang di siya makapaniwala na andito si Jimin sa harap nya.

"IKAW?!" Bigla namang napasigaw si Jimin. Magkakilala sila?

------------

(A/N)

Hi kung meron mang nagbabasa neto. Haha. Sorry kung bitin pa yung storya di ko kase agad naedit dahil nagdadrama yung bestf ko. Haha. Pero yan na. Nagupdate na ako :D btw, @S kung nababasa mo man to. Lintek ka binabaan mo nanman ako -.-

Please vote and comment :D I would really appreciate it fellow ARMYs. 

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now