Lost~ 10

37 3 0
                                    

Jin's POV

Napansin ko na parang nagbago yung itsura ni Sabrina. Luh? Ano nakita neto? Sinundan ko yung tingin nya. Si jimin? May kasamang babae? Magiging proud na sana ako dahil binata na anak ko kaso pota naman. Nakabuntis na siya pero lumalandi pa din siya. Agad agad kong hinatak si Sabrina papalapit sakanila.

"Oh Jimin, andito ka pala. Sino yang kasama mo?" Sabi ko kay Jimin.

"Hyung?! Sabrina?!" Yan ang sagot na sakin. Infairness ah, may ilalaki pa pala yang mata nya. 


Sabrina's POV

Shit. Ano ba tong gagawin ni Jin? Nagulat na lang ako kanina nung hinatak nya ako eh. Ang lakas talga ng tama neto.

"Oh Jimin, andito ka pala. Sino yang kasama mo?" Narining kong sabi niya. Lalim ng boses nya ngayon ah.

"Hyung?! Sabrina?!" Sagot naman sakanya ni Jimin. Tsk. Tinignan ko yung kasama niyang babae. Bigla akong nanliit sa sarili ko. Ang ganda niya. Sobra. Di ako magugulat kung girlfriend ni Jimin to.

"Baka gusto mong mabawasan ng height?! Ano Jimin?! Sasagot ka o sasagot ka?!" Tangina. Same lang yun eh. Pero bilib ako dito kay Jin ah. Lalaking lalaki siya ngayon.

"Uhh ano hyung. Kaibigan ko nga pala si Macy." Nakita ko naman na sinubukan makipagkamay nung Macy kay Jin. Kaso tinarayan lang siya ni Jin. Baliw talga to. Nakita ko naman na tumingin yung Macy. Kala ko makikipagkamay din, kaso tinarayan lang ako. Yumuko na lang ako dahil ayoko magsimula ng gulo.

"ABA! MATARAY KANG BABAE KA AH! DI KA NAMAN MAGANDA! MAS MAGANDA PA AKO SAYO! AND WTF? YOU CALL THAT FASHION? MUKHA ANG SINUKAHAN NG RAINBOW!" Ay. Kala ko manly na siya. Tsk. Paasa talga to si Jin. 

"Jin. Halika na, hayaan na lang natin sila." Sabi ko habang sinusubukan hatakin si Jin. Kaso ayaw nyang papigil.

"Sino ka ba ha? Kung makakapit ka kay Jin oppa kala mo linta ka eh. Oy, kung lalandi ka wag dito sa mall. Maghanap ka ng bar kung san ka pwede magkalat." Narinig kong sabi nung Macy. Yumuko na lang ulit ako. Ayaw ko tlagang magsimula ng gulo. Wala akong balak lumaban dahil baka mapahamak pa tong anak ko. Buti nga hindi pa ganun kalaki ang tyan ko kaya hindi pa halata. Pero may maliit na siyang baby bump dahil 3 months na din naman tong tyan ko.

"Kung maka oppa ka kala mo close tayo ah!at wala kang karapatan sabihan si Sabrina ng ganyan. FYI LANG BESTFRIEND KO YANG KINAKAUSAP MO AT IKAW NAMAN JIMIN KUNG PIPILI KA NG BABAE SANA YUNG MAAYOS NAMAN. KUNG MAGDAMIT KALA MO WALANG DAPAT TAKPAN EH. Ay, wait. Flat ka nman. Ok lang pala." Pinipigilan ko yung tawa ko. Kala ko kase nagiging sarcastic lang siya kaso nung tinignan ko yung mukha nya, serious tlaga siya. Laughtrip talga to si Jin.

"Oy. Ikaw babae ka. How dare you laugh at me?!" Akmang susugudin na nya ako ng biglang hawakan ni Jin yung kamay nya.

"Subukan mong saktan si Sabrina. Ako makakalaban mo" Pagkasabing pagkasabi na nyan agad nya akong hinatak palayo. Grabe, nalilito na tlaga ako saknya. Lalake ba talaga siya, bakla o nagfefeeling babae lang. Kase ang manly nya talga nung sinabi nya yon.

"Ay nako, masisira ang hair ko sa babaeng yon. Tsk. Kastress siya girl no? Hayaan mo na, mas maganda naman ako dun" Ay. Nevermind. Babae tlaga siya. Grabe nakakalito siya. Inaya ko na lang siya umuwi na kami. Hinatid na nya ako sa condo tas binigay ko sakanya yung isang kopya nung sa ultrasound. Pinabibigay ko kay Jimin. Baka skaling matuwa naman siya kahit papano. Pagkadating na pagkadating ko agad na akong dumiretso sa kwarto dahil sa pagod. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

~~~~~~~~~

Jin's POV

Pagkauwi ko sa dorm agad akong dumiretso sa kwarto ni Jimin at binato sakanya yung kopya nung sa ultrasound. 

"Ano to hyung?" Tanong nya sakin. Tanga ba siya? Bat di nya tignan?

"May mata ka diba? Bat di mo tignan?" Syempre mataray yung pagkakasabi ko nyan.

"Oh. Ano gagawin ko dito? Pake ko dyan? Di naman ako yung tatay nyan eh. Kahit nga ipalaglag na lang nya" Nakita ko na binato nya yung picture. Naginit yung dugo ko sa sinabi nya.

"EH PUTANGINA MO PALA EH. EDI SANA NANAHIMIK KA NA LANG SA DORM NUNG GABING YON! LALANDI LANDI KA TAS PAG MAY NABUO IIWASAN MO! TANGINA MO JIMIN DI KA TUNAY NA LALAKI! NAKABUNTIS KA NA PERO LUMALANDI KA PA!" Sabay sapak saknya. Aba lumalaban pa tong pandak na to. Tuloy tuloy lang ako sa pagsuntok hanggang sa makaramdam ako na may humahatak na sakin.

"HYUNG! TUMIGIL KA NA BAKA MAPATAY MO SI JIMIN!" Napatigil naman ako sa sinabi ni Taehyung. Tumayo ako at pinagpag yung pantalon ko.

"Sa susunod wag kang tarantado. Maniwala ka man o hindi, anak mo yung dinadala ni Sabrina. Magpakalalaki ka naman.  Kilos bakla lang ako pero putangina mo. Gaguhin mo na lahat ng babae wag lang si Sabrina at baka may magawa pa ako sayong hayop ka" Umalis na ako agad dahil baka mapatay ko pa talga siya. 

-----------

(A/N)

Yo. Double update. haha. Please vote and comment. Thanks :D

A Lost Road To Nowhere Where stories live. Discover now