Sabrina's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ni Jin. Dito na daw ako magiistay simula ngayon. Actually, nung una ayaw ko dahil natatakot ako kay Jimin pero ang persistent masyado si Jin kaya wala na akong nagawa. Nahihiya ako sakanila eh, feeling ko kase ang laki kong pabigat. Lalo na nung narinig ko yung sinabi ni Jimin. Masakit yung mga sinabi nya sakin. Ganun na lang ba talga yung tingin nya sakin? Hindi ko naman sila linandi. I can't bring myself na sagutin siya dahil may point din naman siya. Pano ko nga naman papatunayan na sakanya tong dinadala ko?
"Lalim ng iniisip natin ah" Nagulat ako kase biglang sumulpot si Taehyung.
"Uhh, Ano... Nagiisip lang ako ng ipapangalan sa bata." Galing ko tlaga mag sinungaling. Haha.
"HALA, AKO DIN! GUSTO KO DIN MAGISIP NG PANGALAN. PWEDE SUMALI?" Natawa ako kase yung mukha nya para bang nagmamakaawa.
"Oo nman." Bigla namang nagliwanag yung mga mata nya nung pumayag ako.
~~~~~~~~~~
Taehyung's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Sabrina. Well, kwarto talga to ni Jin hyung pero as of now, sakanya muna to habang di pa naayos yung kwarto nya. Surprise namin sakanya yun eh. Napagusapan kase namin kanina pagtapos kumain na paparenovate na lang namin yung studio namin dito para maging kwarto niya.
Nakita ko naman na kumuha siya ng papel at ballpen. Hinayaan ko lang siya dumaldal ng dumaldal ng mga pangalan. This is the first time na nakita ko siyang ngumiti ng totoo. Wow, I guess talgang excited siyang magkaanak kahit grabe na yung pinagdadaan niya. Kitang kita ko sa mata niya yung saya na nararamdaman niya ngayon na para bang wala siyang problema sa mundo. Mas bagay sakanya yung ganyan. Yung nakangiti lang. She looks really beautiful. I snapped out of my thoughts ng biglang may pumitik sa noo ko.
"Oy. Sabi ko nakaisip na ako ng pangalan. Tulala ka nanaman diyan. Kala ko ba gusto mo tumulong eh di ka naman tumulong." Ang moody niya ngayon ah. Parang kanina lang ang saya saya niya tas ngayon nagagalit na siya. Hay, the mood swing is starting.
"Uhh, ano kase kaya ako nakatulala kase nagiisip ako ng pangalan kaso naunahan mo na ako eh. Ano na ba naisip mo?" Tanong ko saknya.
"Pag babae gusto ko Ariana Sandra Min tapos pag lalaki naman gusto ko Ethan Seth Min" Sagot naman niya sakin.
"Kaninong apelyido balak mong gamitin?" Nakita ko naman na napayuko siya sa tanong ko.
~~~~~~~~
Sabrina's POV
Napayuko ako dun sa tanong ni Taehyung sakin. Hindi ko ineexpect na tatanugin nya sakin yan. It really caught me off guard dahil naalala ko nanaman nung tinanong ko din kay Jimin yan.
~Flashback~
Sabrina's POV
Nandito ako ngayon sa condo at kasama si Jimin. Binigay nya sakin yung pera para sa check up. Paalis na sana siya ng bigla ko siyang hatakin.
"WTF SABRINA?!" Nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw.
"Ano, may gusto lang naman akong tanungin." Sabi ko saknya kahit sa totoo lang takot na takot na ako sa itsura niya.
"What?! This better be good, ayokong sinasayang ang oras ko." Aray naman. Di ba talaga ako worth it sa oras niya?
"Gusto ko lang tanungin kung pwede kong gamitin yung apelyido mo para sa magiging pangalan ng anak natin?" Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi naman ako nagjojoke ah?
"Ginagago mo ba ako Sabrina? Eto ang tandaan mo, ang taong papayagan kong gamitin ang apelyido ko ay ang magiging asawa at mga anak ko balang araw. Last time I did a reality check. Hindi kita asawa at mas lalong hindi ko anak yang dinadala mo" Then he left without any other words. Ang sakit na nya talaga magsalita. Dumiretso ako agad sa kwarto ko at dun lahat iniyak ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing sinasabi niya na hindi nya anak ang dinadala ko.
~End of Flashback~
Sabrina's POV
"Uhh, gusto ko sana gamitin yung apelyido ni Jimin kaso hindi naman pumayag kaya undecided padin ako ngayon." Sagot ko kay Taehyung pero hindi pa din ang tumitingin saknya kase any moment pwede akong maiyak.
"Eh bakit may Min yung parehong pangalan." Tanong nya ulit sakin. Bigla naman akong tumingin sakanya at ngumiti.
"Galing yun sa pangalan ni Jimin. Atleast kahit di man niya makuha yung apelyido ng tatay niya, nakuha naman niya yung pangalan niya." There it is again. Yung bigat na nararamandaman ko sa tuwing nagbibitaw ng masakit na salita si Jimin sakin.
Ganun na ba talga kalaki ang epekto nya sakin?
----------------
(A/N)
Please vote and comment. Thanks :D
YOU ARE READING
A Lost Road To Nowhere
General FictionAnong gagawin niyo kung may mabuo ng dahil lamang sa isang pagkakamali? Tatanggapin niyo ba ang O babaliwalain niyo na lang ito? Ako? Ako si Sabrina Mionette Hernandez at ito ang kwento ko while i'm carrying Park Jimin's child. Mayroon nga ba ak...