Kakabalik ko lang ng bahay. Kailangan ko mag rest kasi pakiramdam ko ang dami ko ginawa today.
Nag bathtab muna ako at nag relax.
After that nag hahanap ako sa fridge na pwede kainin para sa dinner. 10 am na pero hindi parin ako nagugutom ng masyado.
Bumalik nalang ako sa kwarto at magbibihis na ng pantulog pero may nag doorbell.
"Sino kaya yun? Gabi na eh" napatingin ako sa suot ko na naka bathrobe lang. "Alah. Yae na"
Dumiretso ako sa pinto at binuksan ko.
Naputulan ata ako ng dila.
"Oh.. Hindi ko inexpect ito. I'm glad to see you in this case"
Naparoll eyes nalang ako.
"Kahit kailan hindi ka magbabago ano?" Sabi ko at hinayaan ko bukas ang pinto. Siya na ang bahala pumasok ng mag isa at sarhan.
"Pwede ba pumasok?" Tanong niya sa may pinto. Napatingin ako.
"Kaya nga hinayaan kita dyan para makapasok. Mag pasalamat ka at hindi kita sinarhan ng pinto"
Umaakyat ang inis ko. Kumukulo nnaman ang dugo ko.
Tinanggal ko ang towel na nagbabalit ng mga buhok ko.
Nabigla ako kasi may pumatong na mga kamay sa balikat ko at minamasage.
"Relax ka lang. Pababain mo ang pression mo"
Umalis ako sa harapan niya at sabi ko mag hintay siya. Mag bibihis lang ako."Nakakain kna ba?" Tanong ko nung lumabas ako sa kwarto.
"Mmh.. No"
Bisyo lang ang hindi kumain. Kahit kaonti hindi siya nagbago.
"Papadeliver nalang ako ng pizza. Kakahiya naman sayo"
Tinawagan ko ang delivery.Umupo ako sa sofa.
"Well, anong ginagawa mo dito?"
Napatingin sakin. "Binibisita kita"
Niloloko ata ako. Parang bale wala na sa kniya ang dati. Halos alam na niya ang mga feelings ko para sa kaniya tapos ngayon, after 4 years, parang walang nangyari? Manhid diba?
Nakaka inis. Hindi na bale na hindi na kami pero nakkasakit sa damdamin na ang lahat ng nakaraan ay wala nang kwenta.
"Sa totoo lang Ethan. Bakit ka bumalik? May kailangan ka?"
Dumais siya sakin. "Of course not. Para naman ako ang naging masama eh sa storya natin"
Napatingin ako ng bigla sa kaniya. "Ano? Anong story ang pinagsasabi mo? Kong pumunta ka dito para painitin ang ulo ko, pwede kna umalis dahil wala akong gana para makipag discuss sayo"
Dumating ang pizza pero nandito parin siya. Ayaw talaga umalis.
Pinatong ni Ethan ang pizza sa table ng kusina at umupo na kami.
"So.. Ex mo pala si Philip" simula sinabi niya.
"Pinsan mo pala siya.." Sagot ko.
"Pwede ba peace and love lang muna ngayon? Hindi ako pumunta dito para mag away"
Napatingin ako sa kaniya. He pretends na balewalain ang nakaraan. Kahit kailan hindi ko kaya, pasalamat lang sya na hindi ko natiis na hindi siya patuluyin dito sa tahanan ko. Tiniis? What?
"Naging kami 2 years ago pero iniwan niya ako kasi nakahanap na siya ng iba. Pero kahit minsan hindi niya ako pinabayaan kahit naiinis ako kapag nakikita ko siya sa daan"
Natahimik siya. Parang may iniisip.
"Close ba kayo?" Tanong ko para mawala ang tahimik ng kwarto.
"Katamtaman lang.."
Parang meron tinatago siya. Medyo kilala kona ang ugali niya kasi diba matagal kona siyang asawa? Well, 4 years ago.
"Ikaw? Mula nung umalis ka, saan ka nagsusuot?"
Napatingin ako sa kanya. "London for one year and 3 years in Rome"
Napatingin siya sa isang point at pinapakinggan ng ayos ang mga sinasabi ko.
Umalis ako kasi iniwan mo ako.
"Akala ko ba gusto mo pumunta sa Paris.."
"Paris? Mas gusto ko kong may kasama ako. I mean, yung makkasama ko hanbang buhay"
Tumayo siya. "Sorry. I have to go. May na alaala lang ako"
Tumango nalang ako at pinagmasdan ang mabilis niyang pag alis sa apartment ko.
Ano nangyari dun?
BINABASA MO ANG
My Husband for Real
RomanceON GOING || BOOK 2 || Started: 29/02/2016 When unexpected is the way of your real happiness, keep and hold it. Tiffany and Ethan have for a few years a different life with or without someone. In a one moment, everything can change. Suriin natin kong...