Chapter 23

926 23 0
                                    


Nuon, hindi ako maka move on sa mga pangyayari at hindi ako makagawa ng mga obligasyon ko sa buhay. Ngayon naman, motivation ko naman ang problema ko para sa mga obligasyon ko. Simula nung huli ko pagkita sa kaniya, todo bigay ako sa work at laging successful ang lahat. Akalain niyo lumaki lalo ang pagka-improve ng negosyo na ito, nitong last week.

Kasama ko si Hope ngayon para tingnan ang mga increment nitong month na nakaraan.

"Ate.. This is a good news. More than 70% ang itinaas ng profit natin dito"

"Oo nga. Ipagpatuloy lang natin, makaka abot tayo sa mga top 10. Sa ngayon nasa top 50 tayo, bukod sa tiwala ang kailangan, dapat malaki at magandang plan ang kailangan natin isipin. Strategy. Eto ang kailangan" tumango lang si Hope at makikita mo ang saya sa muka niya kasi bukod sa bibig pati mga mata niya sumasama sa saya.

Concentrate ako sa mga papers na naka hayin sa table. Nag iisip ako ng mga strategy na pwede gawin, nung napatingin ako kay Hope kasi titig na titig siya sakin.

"What? Ba't kung makatitig ka para ka nakakita ng multo?"

"Ate.. There is something in you. Are you ok?"

Napangiti ako para ipakita sa kaniya na wala naiiba sakin. "What do you mean Hope?"

Tiningnan ko ulit ang papel na hawak ko.

"May problema ba? Kasi nakakahalata na eh. Few days na, na hindi tayo nagkakapulong ng tulad ng dati or kong may pagkakataon, umiiwas ka sakin. May problema ba tayo ate? Please.. Sabihin mo sakin"

Huminga ako ng malalim at umaayos ng tayo sa inuup-an ko.

"Nattense lang ako Hope. Bukod sa trabaho, may mga iniisip din ako.. Siguro nadadamay ka lang sa mga iniisip ko"

Medyo lumapit siya sakin at pinaikot ang silya ko para makaharap ako sa kaniya. Kinuha niya ang mga kamay ko. Tiningnan ko siya sa mata. Parang may nabubuo mga luha.

"Ate.. Kong hindi ka man galit sakin may hinanakit ka sakin. Alam ko kong bakit. You know na si kuya Ethan ay nandito. Sorry talaga. Gusto ko sana sabihin sayo pero hindi ko kinaya. Kasi nung nalaman ko na may ibang buhay na si kuya, alam ko na masasaktan ka ulit at ayoko na mangyari ulit yun. Ate.. Sorry talaga.. Mahalaga ka sakin kaya ko nagawa yun..."

Hindi kona siya pinatuloy. Baka magbaha lang dito kasi namumuo na din ang mga luha ko sa mata. Hindi naman ako galit sa kaniya pero syempre masakit.

"Tama na Hope. Ayaw ko muna pagpulongan ang topic about Ethan. Hindi ako galit sayo, kaya don't worry. Wag kna malungkot"

After that, niyakap niya ako. Alam ko naman na mahalaga talaga ko sa kniya. Naging bilang ate ako sa kaniya, bukod na maging pinsan, kaibigan or else. Hindi ko naman pwede idamay siya sa mga problema ko. Naging kasagwat lang siya pero hindi siya ang dahilan sa sakit na narramdaman ko ngayon. Si Ethan lang dapat. Siya lang.

-------------

Nagtxt si William sakin nung gabi na hindi daw siya uuwi ng maaga at wag na daw namin hintayin ni Hope sa bahay.
Simula nung nakita niya si Ethan, lagi nalang wala sa bahay. Siguro nagkikita sila nina George.

Hindi ko naman siya pwede pagbawalan kasi sino ba naman ako para pigilin siya?
Buhay niya, kaibigan niya at problema ko. Hindi naman niya problema kong may tension samin ni Ethan ngayon eh.

Pinuntahan ko si Hope sa kwarto.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya na busy sa pakipagpulong sa boyfriend niya.
Lumapit ako at binati ko si Daniel.

"Ate? Something wrong?" Ani sakin ni Hope.

"Wala naman. Itatanong ko sana sayo kong gusto mo kumain sa labas kasi tayo lang ang nasa bahay. Wala si William. Kasama ata ang 'dating' kabarkada niya. Pero ok lang. Magluluto nalang ako"

Kinapulong ni Hope si Dan. "Dan, iwan muna kita, ok?"

"Hindi na Hope. Ok lang. Mag usap kayo" sabi ko ka agad.

"No ate. It's ok. Punta na kayo. Pwede naman kami mag usap bukas ni Hope. Day off ko tomo" sabi ni Daniel.

"Tara na ate. Don't worry. May bukas naman. Sige na babe. See you tomo"
After that, pinatay na ni Hope ang computer.

Naglalakad kami ni Hope sa Street, pagkakain namin sa Resto. Nag papahulaw at nag papalamig ng isip.

Napatingin ako sa Saint Peter with his lights. Ang ganda talaga tingnan kapag gabi.
"Ate.. Rome is beautiful in the night. Diba?"

Tumango ako. "Hope.. Nag txt sakin si Haira, hindi ko alaman kong ano ang gagawin ko kasi gusto niya magpangita kami"

Si Haira nag paramdam nung isang araw pero hindi kona na asikaso kasi ang isip ko ay nakatutok sa topic na 'Ethan'.
Wala naman akong galit sa kaniya pero parang hindi ko pa kaya na makita siya ngayon. Lalo na nag kasabay sabay ang pag sulpot ni Ethan.

"Gawin mo kong ano ang narramdaman mo. Syempre ate may ibang Problema ka na iniisip kaya siguro hindi mo alaman pero take one problem a time"

Tama nga si Hope. Hindi ko pa kaya harapin si Ethan pero si Haira, carry pa. Sa isang araw mag papangita kami, kong kailan siya available. Nag txt ako sa kaniya.

To: Haira
Hey.. Kailan ka free? Meet tayo..

Send.
Nakarating na siguro kami sa simbahan ng Vatican nung nag replay sakin.

From: Haira
Bakit hindi ngayon? :)
Ps: in front of you

Napatingin ako sa harapan ko. Hindi ko pa siya makita. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko siya makita.

"Tiffany!!"
Hinahanap ko ang tumawag sakin at may dumais sakin na isang babae na maikly ang buhok.
Sa unang tingin hindi ko siya nakilala pero nung tinitigan ko ng maayos, may similarity siya sa isang tao na kakilala ko.

"Tiffany? I'm Haira. Hindi mo na ako kilala?" Bungad niya sakin.

Hindi ako makapaniwala na siya yun dahil nakaka panibago. May something na naramdaman ako sa kalooban ko. Maganda sa pakiramdam.
Kong may hinanakit ako sa kaniya dati ngayon wala na. Kong may lungkot ako kanina na makita siya, ngayon wala na. Napa pahid ako ng luha at niyakap ko siya. Kahit ano man meron dati, wala na pake alam yun ngayon kasi kahit kailan hindi siya kinalimutan ng puso ko. Kahit anong merong dati na hindi ko ginusto, nangunguna parin ngayon ang pagmamahal sa kaibigan ko. Kahit kailan wala ako nakita na kaibigan na katulad niya. Ngayon ang naiisip ko lang ay: Forgive and Forget.

Niyakap niya rin ako at may sinabi pa siya: "hindi ko in-expect na magiging maayos ulit satin ang lahat. Ito ang isa sa mga pinaka-masaya na araw na nangyari sa buhay ko. Miss you friend. I really missed you. Akala ko, tapos na ang lahat. Akala ko hindi na kita makikita pero ginusto parin ng tadhana na ipagtagpo ulit tayo. Can we start again kong saan tayo naputol?"

Tiningnan ko siya at pinahid ko muna ang mga luha ko. Tumango ako.
"Yes, Haira. We can start all over again. I missed you" niyakap ko ulit siya.

Hindi ko inasahan, basta nangyari nalang. Unexpected things are the best ang this is the one of million things.
I love you Best Friend..

Dedicated to all na may mga kaibigan na kahit kailan, hindi ka nila nakakalimutan at kahit anong problema at kahit ilan taon, ito ay magkaka-ayos parin sa huli. Strong Friendship is rare kaya kong meron kayo nito, bigyan niyo ng halaga at alagaan habang buhay. Kasi nga, ang kaibigan ay hindi ka kayang i-iwan.

Gbu :* wait nalang po ang next chapter. B-byee.. :)

My Husband for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon