Chapter 27

1.2K 24 7
                                    


Nung kinabukasan, naisipan ko muna mag jogging. Maalis manlang ang stress sa katawan.

Tumatakbo ako nung nakita ko sa park si Philip. Nag babasa ng news paper at naka upo sa isang bench.

Nilapitan ko siya. "Pwedeng pahiram ng news paper?"

Napatingin siya sakin at ngitian ko. Gulat niya nung narealize niya kong sino ako.
"Tiffany.. Ikaw pala. How are you?" Sabi agad sakin at nag beso muna kami.

"Eto.. Nag tatanggal ng stress.." Sabi ko nalang.

"Mmh. I know, why" sabi niya nung tinutupi niya ang newspaper.

"What do you think, Philip?"
Napatingin ako sa lake sa harapan namin.

"Alam mo Tiffany.. Si Ethan naman kasi ay ganyan ang ugali. Kahit may maaring solusyon, hindi na niya ibinabaling ang desisyon niya. Alam ko mahal ka niya at alam ko na alam mo yun pero nauuna parin yung sakit na dinadala niya"

Oo nga. Ganyan nga si Ethan. Hindi mo basta basta maiibaling sa ibang desisyon at himala nga na pag minsan naiibaling ko rin kahit pahirapan.

"Kong ano ang dahilan ng narramdaman niya ngayon, kalimutan man niya, kapag nakita ka ma aalala na ulit niya. Kaya siguro gusto niya lumayo sayo" patuloy paliwanag ni Philip.

Napaisip ako. Oo nga. Yun din ang sabi niya sakin kahapon.
"Yung nga daw ang dahilan. Gustohin man niya, hindi daw niya magagawa kasi lagi daw niya na aalaala"

Pagkatapos namin magpulong ni Philip. Nagpatuloy ulit ako tumakbo.

Naging ex ko siya pero inilaang ata ng Dyos na hanggan kaibigan lang kami dapat kasi walang ibang relation ang nakikita samin dalawa kong hindi lang ay kaibigan.
By the way, habang nag jjogging ako, pinagmamasdan ko ang environment dito kasi ang sarap talaga ng pakilasa ko dito. Nakakarelax ng isip at katawan.

Mag papahinga muna ako nung tamang tama may tumawag sakin.
Si dad.

"Hello Dad.." Sabi ko with malambing voice. Akala mo nagbabatabataan.

[hello baby love. Kamusta na ang maganda kong anak?]
Napangiti ako sa sinabi ni Dad. Pag unika iha nga naman, lahat na sinabi sakin.

"Eto.. Buhay parin Dad. Kayo ni mama? Kabalik kana sa Pilipinas, right?"

Nga txt sakin si Dad nuon pero wala ako nanging sagot kasi sa panahong yun, wala akong gusto kausapin.

[yes baby. Ok lang kami pero nag aalala kami para sayo. What do you think kong mag rest ka muna? Umuwi ka muna dito sa Pilipinas? Mga ilan weeks or days. Kong ano ang gusto mo]

Napaisip ako.. Siguro tama nga si Dad. Hirap na din ako maging ganito. Some relax siguro ang kailangan ko.

"Titingnan ko po. Kapag po naiayos kona ang lahat sa business, uuwi po ako ng ilan days or baka mga 2 weeks lang"

[sige baby. Ingat ka palagi jan ha? Tandaan mo na hindi ka nag iisa. Wait ka namin ni mommy dito.. I have to go na, byee]

Pagkatapos ko makipag pulong kay Dad. Umuwi na ka agad ako at pumunta sa bahay para makapag ayos at gawin ang mga kailangan gawin sa office.

--------

Bumaba ako sa kotse nung napatingin ako sa malaking bahay na nasa harapan ko. This house. A lot of memory.

Nag doorbell ako nung nakita ako ng isang maid.
"Hello po. Sino po ang hanap niyo?" Sabi tnito ng hindi ako nakikita.

"Good morning po.." Sabi ko nung nagbukas na ang gate.

"Ms? Oh my God. Welcome back po. Akala ko po kong sino. Wala naman po sinasabi sina ma'am at sir"
Tinulungan na niya agad ako sa mga baggage ko.

"Wala naman kasi sila alaman. Nung huli kong check, surprise pa rin naman ang tawag sa action na ito"
sabay napangiti siya sa sinabi ko. "Ayan nnaman kayo. Hilig niyo talaga ako lokohin"

Napatawa nalang ako.
Pag pasok ko sa bahay, medyo nairinnovate na ang loob pero the same parin ang mga space. Aaminin ko na namiss ko din ito kahit nakakapag alaala kasi dito kami ni Ethan nanira nung ikinasal kami. Dito din kami nagkakilala. A lot of memories.

"Tiffany? Anak? Oh my God! I missed you so much anak" bungad ni mom nung nakita niya ako at agad ako niyakap.

"Miss you to mom. Si Dad po?"

"Nasa isang meeting but babalik siya ng maaga today. Para daw may mangyayari, kaya mas gusto pa niya ang nasa bahay ngayon"

Napatawa ako. Ayan nnaman sila. Alam ko na alam ni Dad pero hindi niya sinasabi kay mom. Yan naman si Dad e. Controlado ako 101% all of the time. Kaya mahirap sorpresahin si Dad.

"Sige. Dalhin ko lang ang mga gamit ko sa kwarto. Ok?"

Tumango siya. "Sige anak. See you later. May gagawin lang ako dito sa kitchen"

Medyo kinakabahan ako pumasok sa kwarto kasi amin kwarto yun. Amin ni Ethan but now, he's not here. Nakakalungkot isipin kaya erase muna. Wag na muna natin isipin yun.
Pagpasok ko, nakita ko yung kama, yung desk, yung sofa na lagi nalang namin dinumog ni Ethan kasi kinikiliti niya lagi ako dun kapag ako ay nag babasa tapos yung window na lagi ko pinupuntahan para pag masdan ang magandang view. Lahat ay ganon parin kong ano ang iniwan, yun at yun parin ang nandun.

Tinittis ko lang ang sarili ko na hindi paiyak sa lahat ng nakikita at naaalaala ko dito pero carry lang naman kasi dapat accept-in kona ang katotohanan na wala na siya buhay ko.
Siguro tama nga si dad na bumalik nalang ako sa akin mga obbligasyon. Paano nga kong ikasal na ulit ako sa iba? Siguro magagawa ko ang maiwasan ang mga pagkakamali dati at gawin maayos ang buhay ko.
Ang hirap mag desisyon ngayon kapag meron pa nilalaman ang puso mo ng pag mamahal para sa kaniya.

Lumabas na ako sa kwarto kasi alam ko na inihintay ako ni mom sa kusina. I'm sure busy yun sa pag bbake. Yun naman ang hilig nun eh. Pinag gagawa si dad ng kong ano ano kasi babalik nga ng maaga.

Sometimes naiisip ko na nakaka hili naman sila kasi nagsimula sila sa arranged marrage at eto sila ngayon, sobrang nagmamahalan.

Tinanggal ko muna sa isipan ang lahat at nag concentrate sa ginagawa ni mom. One of my favorite dessert. Leche flan.

"I know na nag ccrave ka sa ganitong pagkain kaya pinabili ko ka agad si yaya ng ingredients"

Na alaala ko tuloy na fav din ito ni Ethan. Niloloko pa niya ako kasi kapag nakain kami ng leche, sasabihin sakin na may something somewhere at mapapatingin ako hanggang kinukuha niya ang kinakain ko ng hindi ko alaman. Napangiti ako sa alaalang yun.

"Anak.. There is something na kailangan namin sabihin sayo. Kapag dumating nalang an Dad mo, pagpupulongan natin"

Kinabahan ako sa sinabi ni Mom. Ano kaya yun.

..

My Husband for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon