Inaantok ako ngayon. Ginising ako ng maaga ni Sir George. Hindi na nga ako pumunta sa trabaho. Pwede ko naman iiwan si Ethan sa bahay kaso inaantok talaga ako.
Naka upo ako sa sofa at sya naman ay nasa banyo.
Napahigab na ulit ako.
"Anong oras ka nagising?" Tanong niya.
"Wag kang biglang sumusulpot at aatakihin ako. Kasalan ng kaibigan mo. Alas 5, doorbell ng doorbell. Siguro pati kapitbahay nagising"
Napangiti siya. That smile..
Dumais siya sakin. "Naniniwala kba sa tadhana?"
Napatingin ako sa kaniya. Nakkapanibago ang mga tanong niya. Napaisip tuloy kong ano ang ibig sabihin niya. "I mean. Yung kahit ano pang gawin mo, kayo parin sa huli?"
Sapol! May patama.
"Hindi ko rin alaman. Tingnan mo nalang tayo, magkasama pero walang ibang meaning ang pagsama natin ngayon. Nga pala, bakit ka nagkaganon kahapon? Bakit ka nag lasing?"
Change topic. Masyadong naiistress ang utak at ang buo kong katawan at kalooban sa mga tanong niya..
"May mga bagay na narealize ko nitong mga nakaraan araw. Hindi ko alaman kong paano ko mailalabas kasi kailngan ko talaga ilabas ng todo pra maging ok ulit ako"
"Hyperactive ba ang tawag dun?"tanong ko.
"Si George ang nag sabi niyan? Siya ang may inbento ng word na yan para sa sitwasyon ko. Hindi ko nga alaman kong ano anc tawag dun. Siya lang ang nagsasabi ng ganon"
"Hindi ka naman ganyan dati"
"Hindi nga. Nag simula ito nung nawala kna sa buhay ko"
Hindi ako makatingin sa kniya.
"Ginusto mo yun" sagot ko.
"Siguro Tiffany, kailangan na natin pgpulongan. 4 years na ako ganitong kaproblemado. Hindi ko alaman kong paano ko haharapin ang lahat ng ito kapag nakita ulit kita. Hindi ko alaman kong misunderstanding ang tawag dito or else pero kailangan natin mag usap ng maayos at wag na tayo tumakas sa problema"
Tumango nalang ako. "Tanong ko lang. Bakit kailangan natin pag usapan? May kailangan ba tayo maibalik ngayon?"
Lumapit lalo siya sakin at kinuha ang right hand ko.
"Oo.. Tayo" sagot niya.
Hindi ko ba alaman kong mapapaiyak ako or magagalit or maiinis. Kahit nga sarili ko hindi alaman kong ano ang gagawin.
"Bakit pa? Diba pinili mona siya?"
Napakurap mata nalang siya. Parang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"Ha? Sino? Wala naman ako sinasamahan na babae ngayon. I mean, seriously"
Napailing nalang ako.
"Sino pa ba? Si Haira" gusto pa niya na banggitin ko si Haira eh.
"Tiffany.. Hindi naging kami ni Haira. Alam mo naman na wala akong obligasyon na dapat ibigay sa kanya. Bakit ko siya sasamahan? Dahil sa sinungalingan na ginusto niya ipalabas?"
Alam na ni Ethan na hindi kanyang anak. Ano yung ring na isinend sakin ni Haira? Ang gulo.
"What? Iniwan mo ako pagkatapos ng nagyari satin dahil gusto mo pakasalan si Haira. Bakit mo kailangan mag sinungalin sakin, Ethan? Ayoko na. Nasasaktan din naman ako"
He cups my cheeks.
"Tiffany. Hindi ko kinasalan si Haira kasi nalaman ko na hindi akin anak ang dinadala niya. Ginamit lang niya para hindi ako mawala. Diba nagpulong kami nung gabi? Yung araw na naging mahalaga talaga sakin kasi ibinigay mona ang sarili mo sakin? Kaya naging mahalaga kasi alam ko nag titiwala ka sakin nun pero something change nung nalaman ko na alam mo pala na hindi ko anak yung dinadala ni Haira. Naungkot at nagalit ako kasi nagtaka ako kong bakit mo kinaya gawin yun sakin. Nung minahal kita ng todo malalaman ko na niloko mo lang ako. Kong ano man ang nakapagpaisip na iiwan mo ako, hindi totoo yun. Gawa gawa lang ni Haira yun. Btw, Bakit Tiffany? Dapat tinatapat na natin ang mga ngyari para maging ok na tayo kong may pag asa pa maging tayo"
Naiiyak na ako pero pinipigil ko. Akala ko kasi iniwan niya ako dahil sa knya. Naguguluhan na ang utak ko.
"Ginawa ko kasi nauna siya tapos type mo siya nung narealize ko na hindi kna pwede maging akin. Natakot ako. Tapos best friend ko siya, mas pinili ko ang friendship namin ni Haira keysa sa pagmamahal sayo. Tapos nalaman ko na buntis siya, tapos nalaman ko na gusto mona ako. Ano gagawin ko? Ang hirap mag decide kpag bestfriend at ang lalaki na gusto mo ang pag pipilian. Kong naging dwag ako, ok. Tanggap ko naman pero nahirapan ako nuon. Hindi ko alaman kong ano ang gagawin ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ka dapat para sakin. Dapat para sa bestfriend ko. Alam ko na nagkamali ako. Dapat sinabi ko sayo ang katotohanan pero nung nakita ko yung picture ng ring, akala ko siya ang pinili mo. Handa na sana ako na piliin ka at sabihin sayo ang lahat pero late na ako. Siya ang pinili mo"
Napaiyak na ako. Nailabas ko din ang lahat ng sama ng loob sa sarili ko at sa kaibigan ko. Yung sakit na kinimkim ko for about 4 years para magsimula ng bagong buhay.
"Alam mo ba ang pinagdaanan ko Tiffany? Alam mo ba yun? Naging matino na ako nung narealize ko talaga na ikaw ang babae ng buhay ko pero bigla ko mallaman na niloko mo lang ako. Ginawa mo akong tanga. Madaming araw ako nag lasing nung nalaman ko din na umalis kna. Madaming araw ako nakalugmok sa kama at hindi lumalabas. Madaming araw na ako ay umiyak. Siguro iisipin ng iba, napaka babae ko naman para umiyak pero paano ko maiilalabas ang sakit kong hindi ko gagawin yun? Bumalik na ulit ako sa ginagawa ko dati. Madaming babae, nag ddisco, nag ppub, nag lalasing. Lahat ng bagay na ginagawa ko dati bago pa kita ikinasal. Syempre nung kinasal na tayo, medyo nag iba na ako lalo na nung naging tayo for real. Pero wala eh. Nawala tuloy ang tiwala ko sayo kaya ito, bumalik na ulit ako sa dati. Nedepress ako Tiffany. Hindi mo lang alaman kong ano ang pinagdaanan ko. Kong sayo ay sakit lang, sakin mas lala pa. Dinala pa nga ako sa hospital. Akala ko mamamatay na ako pero hindi, ang pag mamahal ko sayo ang nag bubuhay parin sakin kasi kahit nasaktan talaga ako minahal at minahal parin kita. Ikaw parin ang pinili ko sa damidaming babae"
May luha na sa mga mata at cheeks niya. Hindi parin ako makaimik kasi naririnig ako sa mg explanation niya.
"Pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Nag iisip ako ng paraan para makapulong kita pero hindi eh. Nangunguna ang sakit kaya nawawala ang lakas ko para makipagpulong sayo. Alam kona na nandito ka sa Rome, kaya ako nandito. Alam ko na may negosyo ka. Kahit gaano pa ang sakit na dinanas ko, minahal prin kita. Narealize ko na mababaw na ang pagtago mo sakin ng katotohanan at ang tunay na rason kong bakit nag kaganito ako ay dahil umalis ka ng walang sinasabi. Yun ang pinakamaskit sa lahat"
Tuloy parin ang iyak ko. "Sorry.."
"Hindi ko alaman kong maiibalik natin ang dati kasi parang walang pag asa na pero tandaan mo lagi: mahal parin kita"
Ayoko mawala siya sakin. Gagawin ko naman ang lahat. Ngayon ko talaga naramdaman na mahal ko parin siya at gusto ko ulit maging kami. Hindi ko lang alaman kong bakit niya sinasabi na siguro hindi na pwede maging kami kahit mahal parin niya ako.
"Gagawin ko ang lahat para maibalik ang 'tayo'"
Binitawan niya ang mga kamay ko.
"Tiffany, hindi na pwede maging tayo"
Parang isang matalim na kotsilyo ay itinusok sa dibdib ko. Why?
BINABASA MO ANG
My Husband for Real
RomansaON GOING || BOOK 2 || Started: 29/02/2016 When unexpected is the way of your real happiness, keep and hold it. Tiffany and Ethan have for a few years a different life with or without someone. In a one moment, everything can change. Suriin natin kong...