Chapter 26

1K 26 2
                                    

Huminga ako ng malalim at tinawagan ko si Hope.

"HOPE!"

Dumating agad at ang sabi ka agad: "bakit ate? May kailangan kba?" Pag aalala ang ibinungad niya sakin.

"Bakit mo siya pinapasok? Asan na ang kapatid mo?" Medyo iritate na ako sa sitwasyon.

"Eh sabi mo kasi gusto mo na makita si kuya. Akala ko naintindihan mo na si kuya Ethan ang tinutokoy ko. Sorry.." Napatingin kay Ethan. "Kuya, sorry. Umalis kana"

Medyo lumapit si Ethan sa akin. I mean, desk lang ang nasa pagitan namin.
"Wag mo nnaman iwasan ang problema.. Mag pulong tayo" sabi niya with serious voice.

Huminga ako ng malalim na malalim. Calma lang. Inhale. Exhale.

Nag senyas ako kay Hope na iwanan kami at tumango lang ito.

Umupo si Ethan at pinag mamasdan ko siya sa bawat kilos niya. Hindi ko alaman pero parang kinakabahan or nattense siya pero naisip ko naman, bakit naman siya kakabahin sa pagkakapal ng muka niya na pumunta dito?

Nung naka upo na, naka tingin lang sakin. Wala siya sinasabi, kaya ako nalang ang umimik.

"So? Titingnan mo nalang ba ako? For your information, hindi pa ako maalam mag basa or manghula ng mga iniisip ng tao. Kaya please? Pwede ba? Umimik kna"

Ako ata ay niloloko ng lalaking ito. Nakatitig parin sakin.
"Alam mo Ethan? Nakakainis ka talaga" tumayo ako para pumunta sa fridge at makakuha ng tubig. Nauuhaw na ako sa kilos ng lalaking ito pero napatigil ako nung umimik siya.

"Please.. Don't pretend to be that"

Napakunot ang noo ko. Pretend? What?

"Ha? Anong pretend?" Napatingin akong bigla sa kaniya.

"Naiintidihan ko na galit ka sakin sa mga ginawa ko pero wag mo palabasin na ok ka lang"

Ay loko pala ang lalaking ito. Alangan ako'y laging malungkot dahil sa kaniya.

"Ano ba ang ini-except mo? Na lagi nalang akong malungkot? Bakit? Para maipag muka nila sakin na iniwanan mo ako? Na niloko mo ako? Sorry ah.. Alam mo naman na hindi ako ganon. Hindi ko talaga ipapakita sa iba na hindi ako ok. Alam mo dapat yun Ethan o pati ito sasabihin mo sakin na hindi mo tanda?"

Naninikip ang dibdib ko. Nasasaktan na uli ako. Natahimik siya kaya itinuloy ko ang sasabihin ko pa.

"Kong yung pagka amnesiya mo ay nagawang kalimutan ang mga nararamdaman mo sakin.. Dati. Ok lang. Mas matatanggap ko pa yun pero yung malalaman ko na nagkasakit ka tapos sasabihin nila na patay kana... Ay hindi pala.. Yung pinasabi MO sa kanila na wala kana. Yun ang mas masakit. Hindi ko yun mattanggap. Kalimutan mona ako pero wag mo ako dapat ginawang tanga.."

Nakatingin prin siya sakin hanggang ako'y naiiyak na. Wala parin siya sinasabi. Wala siyang kibo.

"Sabi mo sakin bago ka umalis na mahal mo ako. Na kahit kailan hindi mawawala ang narramdaman mo sakin pero bakit ganon? Nakita lang kita ulit, may iba kana? Sabi mo sakin best friend mo nun at may pag biro pa ako nasabi. Sabi ko siguro bedmate mo siya pero halos parang magagalit kapa sa joke na yun eh. Nakaka inis ka talaga. Masaya ako at nakita kitang buhay pero hindi yung makita ka na may kasama kang iba.."

Pinahidan ko ang mga luha ko na patuloy parin pumapatak napatingin akong bigla nung may sinabi siya.

"Kahit kailan hindi kita kinalimutan. Kahit kailan hindi ka nawawala sa utak at isip ko.."

Napasampal ako sa desk kasi hindi niya pwede sabihin yun. Yun talaga ang hindi dapat niya sinabi.

"What? Are you kidding me? Kung ganon nga bakit ako'y nasasaktan ng ganito? Kung mahal mo nga ako, hindi dapat ito ang sitwasyon eh"

Hindi ko kinaya ang pag tingin niya sakin. Yung mga mata'ng yun..

"Alam ko.. May dahilan kong bakit at kahit hindi mo intindihin, sakin ay naging mahirap.. Sobra.. Hindi mo lang alaman ang pinagdaanan ko. Bukod sa ayaw kitang saktan, ginawa ko na din para sakin. Selfish, gago or tanga man ako sa ginawa ko, hindi ko talaga kaya.."

Nakita ko siya. Para bang naluha na siya.

"Hindi mo talaga kaya ano? Explain mo.." Sabi ko nalang.

"Inisip ko nuon.. Nung may sakit pa ako, na kailangan mona ng iba. I mean, yung maibigay sayo ang tamang pag mamahal na karapatdapat ibigay sayo kasi naisip ko, anong mapapala mo sakin? May sakit tapos maaring mamatay na bukas? Ayoko na mahirapan ka dahil sakin. Nawalan ako ng pag asa lalo na nung malapit na ang tangin ko. I mean, after the operation, mas lamang ang mamatay ako pero salamat sa Dyos at binigyan ako ng pagkakataon na mabuhay pa ako. Pero may mga complication. Ibig sabihin ko.. Maaaring laging depress ako sa kakaisip sa mga ibang complication na pwede ko maramdaman after the operation. May mga particularities na hindi kona babanggitin pero ang isa dito ang pinakamasakit na nalaman ko para sa atin dalawa. If I decide to make a baby with you or other woman, sure na talaga na hindi mangyayari yun.."

Naiyak na siya. Never ko nakita siya na umiyak at masaktan ng ganito. Narealize ko din naman na masakit talaga sa kaniya ang malaman ito kasi nattandaan ko na gustong gusto niya magka anak. In the future daw, gagawa daw kami ng babies. Yun daw talaga ang pangarap niya, yung maging ama. He loves babies. Natuwa naman ako nuon, nung sinabi niya sakin ito.
Itinuloy niya ang sinasabi niya. Well, sinagot niya ang tanong ko.

"Kaya nga, hindi ko talaga kaya isipin na tayo ang happy ever after na ginusto ko nuon. Hindi kona talaga kaya maging tayo. Dahil tuwing nakikita, nakakasama at naiisip kita, lalo lang ako nasasaktan kasi yung hinahangad at pinapangarap kong pamilya ay wala na.. Sorry.. Hindi na talaga pwede magng tayo kahit gustohin man natin dalawa.. Sorry kong nasaktan kita ng sobra.. Sorry.."

Tumayo siya at sabay umalis na. Lumabas na siya sa pinto ng office ko. Hindi ko talaga inexpect na ito talaga ang dahilan. Akala ko hindi na niya ako mahal or kaya naman wala na talaga siya pake alam sakin.

Yung magkaroon ng baby with your love, ito ang naging clue ng amin pagmamahal. Dahil sa mahalin namin ang bawat isa, nasa plano at nasa isipan namin na bibigyan namin ng isang magandang kinabukasan ang amin anak pero ngayon hindi na pwede mangyari kasi aayaw na niya sakin. Aayaw na niya makipagbalikan sakin. Alam ko siguro na masyadong mababaw ang dahilan pero alam ko talaga ang pangarap niya. Seryoso siya nung sinabi niya sakin. Nung nalaman nga na may anak siya kay Haira, pero hindi naman, hindi siya naging masaya kasi hindi daw amin anak yun. Kong gusto daw man niya ng anak, yung samin lang. Yung nabuo sa amin pag mamahalan pero ngayon wala na. Wala na siya. Umalis na.

Siguro.. Ok na ang ganito. Total ikakasal na siya sa iba.. Wala na din naman ako magagawa. I hope all the best to him.

My Husband for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon