Chapter 25

922 23 1
                                    


May isang linggo na siguro na naka lugmok ako dito sa kwarto. Simula nung araw na yun hanggan ngayon, hindi na ako lumabas ng kwarto kong hindi talaga kinakailangan.

Naka higa ako at nakatingin sa itaas. Matahimik at madilim. Nkakalungkot talaga pero ok lang kasi yun lang kinagagaling ng pakiramdam ko ngayon.

Pinatay ko ang cellphone ko. Out of reach na siya. Nung huli kong tiningnan ay madaming txt at tawag galing kay Haira, Hope, mom, dad. Si William kaya lang nattxt kapag mag sasabi lang na hindi siya uuwi or else but not para ako kamustahin.

Never mind.
Hindi naman dapat sila nag aalala sakin kasi mahihirapan din lang sila. Hindi na bali kong ako lang ang mahirapan.

Knock.knock.
That sound is.... Ggrr.. Damn! Sino pa ba yun? Ginugulo ang katahimikan ko.

May pumasok pero nag tulog tulogan ako pero yung liwanag ng ilao sa hallway ay diretso sa mga mata ko. "Close that f^ck door!" Sigaw ko.

Sinarhan nito ang pinto at ang sabi: "sorry.."
Narinig ko yung boses. Si William ba yun? Sa tagal kona hindi siya nakakapulong, hindi ko na matandaan kong siya nga ba.

Umupo siya sa kama at pinatong ang kamay niya sa may binti ko. "Let's eat?" Sabi niya.

Pinapunta ito ni Hope. Kasi nag try na si Hope na pilitin ako lumabas at kumain or dalhan ako ng pagkain pero hindi niya ako napilit.
Hindi na ako sumagot, tumalikod lang ako sa kaniya.

"Tiffany.. Lahat kami ay nag aalala sayo. Walang tigil ang cellphone sa pag riring kasi tinatanong kong ayos ka lang ba"

"Eh di patayin niyo ang cellphone para hindi kayo maingayan" sabi ko ng pa-inis.

"Hindi naman yun Tiffany. Sinasabi ko lang na nag aalala lang kami para sayo"

Napaupo sa sinabi niya at napatingin sa kaniya kahit hindi ko masyado makita ang mga mata niya.

"Nag aalala?" Napatawa ako. "Ngayon nag aalala na kayo? Ba't nung kahit alam niyo na hinahanap ko siya, bakit hindi kayo nag alala na sabihin sakin na nadyan siya? Ang kapal talaga sabihin na nag aalala kayo ngayon. Gusto niyo lagi na umabot sa ganitong sitwasyon para mag alala kayo para sakin. Alam mo ang pinaka masakit? Hindi naman yung dahil na may iba na siya kasi tanggap kona eh. Kahit pilit, tanggap na tanggap ko na eh. Ang masakit alam mo kong ano? Yung mga pinagkkatiwalaan mo, yung mga mahal mo na akala mo hindi ka pagtataguan ay niloko ka. Ginawa kang tanga. Kasi alam na alam nila na hinahanap hanap ko ng kaitagal yung tao pero hindi manlang nila sinasabi sakin. Yun ang masakit William. May dahilan ba? Bakit hindi niyo sabihin? Mas kinakampi niyo pa ata ang patay na Ethan keysa sa sariling niyong pamilya" napaluha na ako.

Pinilit ko naman na isipin na ginawa lang nila para hindi ako mas saktan pero lalo naman masakit yun eh. Para bang naging traidor sila sakin. Napatawad kona si Hope kasi sino pa ba man ang aasahan ko sa mga ito? Diba siya lang? Kasi kahit minsan hindi niya ako iniwan. Si William basta nalang nawawala kasi kasama niya ang pinalabas na patay na. Nakaka inis.

"Tiffany.. Please.." Sabi niya pero hindi kona pinatuloy.

"Umalis ka William. Salamat sa pag pilit mong pumunta dito pero ngayon umalis kna. Ayaw ko kitang kausapin. Umalis ka sa kwarto ko" sabi ko nalang.

Nag esitate muna siya pero wala na siyang sinabi at tumayo na. Paalis na sana pero lumingon pa ulit parang may gusto siya sabihin. Natuluyan na siya umalis.

Pagkalabas lang niya, naiyak na ako. Akala ko wala na ako maiiyak pa pero nagkamali ako. Dami parin luha na lumalabas. Pagod na pagod na ako.

---

Ilang araw na ulit lumipas pero naisipan ko na lumabas at pumunta sa trabaho.
Sayang naman kong bigla ko nalang pababayaan ang pinag hirapan ko at pati ni Hope.

Pag pasok ko ng office, nakita ko si Hope na nag aayos ng desk ko. Napatingin sakin.

"Morning ate. Are you sure na gusto mo mag trabaho? Carry ko naman eh" sabi niya. Nag aalala siya sakin.

Napangiti ako. "Don't worry Hope. Kaya kona mag trabaho. Ipag order mo ako ng coffee at Croissant. Salamat"

Tumango lang siya. Paalis na sana nung may isinunod ako.

"Umorder kna din para sayo. Sabayan mona ako"

Bilis bilis siya umalis at ako naman kinuha ko ang phone.

Daming txt at tawag pero hindi kona nireplayan. Nakuha lang ng attention ko ang isang message kasi hindi siya naka record sa phone book ko. Binuksan ko ito.

From: 328-------
I guest, we need to talk. Tell me when and where.
Ethan.

Kahapon lang ito dumating. Natulala na ata ako sa txt na yun. Anong gagawin ko? Hayaan ko nalang. Gawin ko nalang ang ginawa niya dati.

Pagpasok ni Hope, napatingin sakin.
"Something wrong? Sorry kong natagalan ako"
May alala sa boses niya.

"Nope. Don't worry. May na isip lang ako. Dali! Gutom na gutom na ako"

Ngumiti siya at bilis bilis umupo.

"What?" Sabi ko nung napatingin ako kay Hope. Nakatingin kasi siya sakin, naiilang ako na may tumitingin sakin eh.

"May ibang aura akong nakikita sayo. May nangyari ba?"

"Ano pa ba ang pwede mangyari sa lahat ng nangyari nitong mga past days? Wala naman naiiba. Yun parin."

"Ate.. May gusto nga pala makipag pulong sayo. Si Kuya kasi.. Ano.."
Napangiti nalang ako kasi natatakot siya na sumama nnaman ang pakiramdam ko.

"Papuntahin mo siya dito.. Wait ko siya"

Pagkatapos namin ni Hope mag pulong at mag breakfast, nag simula na ako mag trabaho. Dami appoitment na nagawa ni Hope these past days. Sa sunod na ulit linggo ang mga meeting, kaya pahinga na agad ako kahit wala pa ako nagagawa.

Nag bukas ako ng sulong sa side ko at may nakita ako mga picture.
Akin picture nung bata pa ako, picture namin ni Hope at William at picture namin ni Ethan at yung nag sosolo siya sa isang Picture.

Napatitig ako sa picture namin pero mas lalo sa picture niya.
"Sayang talaga ang lahat.. Ang atin magagandang alala kahit kalimitan ay lagi malungkot. Ang atin mga trip kong saan saan para mapasaya mo lang ako. Mga promises. Mga tawanan. Mga iyakan. Mga speechless moment. Mga kilig na ibinibigay mo sakin. Madami naman ako pagkakamali sayo at ikaw din pero ngayon, hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba kailangan natin makarating sa puntos na ito?" Sa halip na isip ko ang lahat na ito, ay pinulong ko nalang ang picture na hawak ko. Kong ako'y makikita ng iba, sasabihin nila naloloka na ako.

Itinago ko na ulit ang mga picture nung may kumatok sa pinto.
"Come in" sigaw ko.
Baka si William na ito. May chineck lang ako sa bag tapos humarap na ako kay William.
Pero... Wait.. Anong ginagawa niya dito?
Nanlaki ang mga mata ko.

At dahil mabait ako at sinipag ako. Update ulit ako. Hehe..
Have a nice saturday readers.. Gbu :*

My Husband for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon