I promised na mag uupdate ako ngayon. So eto na..
Pagpasok ko pa lang ng bahay, nakita ko si Hope, si William at si Mama na naka upo sa sofa. Mukang inihintay ako. Nung nakita nila ako, sabay sabay sila tumayo at nag iintay na ako'y umimik pero hindi ko nalang sila pinansin at umakyat na ako papunta sa kwarto ko.
Hindi ko pa kaya harapin sila kasi kahit paikotin ko pa ang ulo ko at isip ko, nagtago din sila ng katotohanan na dapat ko malaman.Napahiga ako sa kama, gusto ko man lumuha, hindi ko magawa kasi na-iga na siguro sa kakayak ko kanina sa kotse. Hindi talaga ako makapaniwala na wala siya. Iniwan niya ako ng ganon ganon lang? Gusto ko siya awayin pero paano? Wala siya dito.
Alam ko na nandyan pa siya at ang nakakagalit pa ay alam nila rin yun pero wala sila sinasabi.
Hindi ko pa na cconfirm na nadyan siya pero ramdam ko talaga.
Para ba kaming twin, ramdam mo na may nangyayari sa ka twin mo. Alam mo lahat kasi parang iisa kayo na pinag dalawa.Mahirap tanggapin pero kong yun talaga ang katotohanan, mahirap din palayain.
Kailangan ko maging malakas para sa kinabukasan kasi simula palang bukas, kong kinakailangan gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Hindi parin ako makaka uwi sa pilipinas pero mag ii-start ako ngayon dito.Kasi kong sakali nga buhay siya at mahal niya ako, for sure na nandito siya. Hindi siya makakalayo sakin. Sinasabi ko kasi ganon din naman ako.
____Nung kinabukasan, hindi ako umaalis sa tayo ko. Nasa kwarto parin ako at nakahiga. Natingin ako sa itaas at pumipilit mag isip. Ang hirap kasi mag hanap kong hindi alaman kong saan dapat mag simula.
May kunatok pero wala na ako sinabi. Kong sabihin ko man, hindi pwede pumasok, i'm sure na papasok at papasok parin kong sino man yun.
Ramdam ko na si mom ang pumasok kahit hindi ko siya tingnan. Dumais siya sakin pero tumagilid ako para tumalikod sa kaniya.
Ayaw ko pa siya kausapin. Medyo pa masakit ang lahat para harapin. Pero parang ako lang, makulit si mom at kinausap ako."Baby.. I'm sorry for all the things happened, yesterday and before yesterday. We're not intention to hurt you so much. We love you. Sinundan lang namin ang gusto ni Ethan--"
Marinig ang pangalan lang ni Ethan, napapaluha na ako. Hindi ko na siya pinatuloy pa.
"Ganon ba? Eh paano kong sabihin sa inyo na patayin ako, gagawin niyo parin kasi yun ang hiniling niya? Akala ko ba ako ang anak niyo at hindi siya"
Sinabi ko ito, nung nagkatinginan kami ni mom.
Kitang kita mo naman sa mga mata niya, na hindi siya natulog at parang naiyak siya."Hindi naman sa ganon anak. Nag tiwala lang kami na magiging ok ang lahat. Hindi na nga kami nakapunta sa funeral ni Ethan. Sinabi lang samin ng magulang niya"
What? Hindi ako makapaniwala. Kahit funerarya na. Patago parin?
"Jan tayo magaling eh. Umaasa kahit wala na. Pero anak niyo parin ako. Dapat sinabi niyo parin sakin kahit hindi ko siya makikita. Yung huling pagkakataon, sana nakapulong ko siya. Pero hindi eh. Tinago niyo parin sakin"
Hindi na ako umimik pa kasi napaiyak nnaman ako. Sa madaling pagkakataon, niyakap ako ni mom. Yung moment na yun, ramdam ko talaga na nag iisa na ako pero ayoko maniwala sa nararamdaman ko. Alam ko na nandyan prin siya. Alam ko yun.
Ganito ba talaga ang pag ibig? Unfair kasi naman eh. O baka naman ako talaga ang malas sa pag ibig. Lagi nalang ako naiiwan."Anak.. Kahit ano ang mangyari in the future, i'm sure na magiging better than yet. Ang laki na ng pinag bago mo. You look so mature. Tandaan mo, madami ang nagmamahal sayo at hindi ka nag iisa. Kong kailangan mo ng tao, lahat sila handa tulungan ka. Simula sa pinaka simpleng bagay hanggang sa pinaka mahirap. Basta yun. Tandaan mo. Hindi ka nag iisa at wag na wag mong iisipin na nag iisa ka"
Napatingin ako kay mom kasi kahit wala ako sinasabi, alam niya talaga ang nararamdaman ko at kong ano dapat isagot at sabihin. Para bang alam niya kong ano ang nararamdaman ko..
"Mom. Umiimik kayo na parang naranasan niyo na ang sitwasyon na ito. Alam niyo talaga ang sasabihin niyo eh"
Napangiti siya at inayos ang buhok kong rebelde sa likod ng tainga.
"Ganyan din ako dati. Parehas lang ang naging sitwasyon natin. Hindi rin ako nawalan ng pag asa kasi alam ko na hanggat hindi ako ang sumuri ng mga nangyari, hindi ako maniniwala kahit kanino at patuloy parin ang pag asa ko"
Ngayon lang ito sinabi ni mom sakin at hindi talaga ako makapaniwala. The same story? Unbelievable talaga.
"Ikwento niyo po sakin" ito nalang ang sinabi ko.
"Ang gusto ko malaman mo na malalampasan mo din ito ng maayos anak. Lahat tayo ay itinadhana para maging masaya. Kong hindi man kasama ang tao na minahal natin ng sobra, may dadating at dadating parin na tao na kaya pasayahin lalo at itakip ang mga nasira nung una"
"So ibig sabihin niyo si dad ang pumalit sa dati niyong gustong lalaki?"
Tumango siya. "Oo.. At nakakatawa pa kasi arranged marriage din nung una pero nag develope ang sitwasyon namin. Tapos nung nalagpasan kona ang masakit na period nung nawala siya, may pinakilala na ulit ang magulang ko at dun ko itinutok ang sarili at isipan ko. Nakilala ko ang dad mo at minahal ko ng sobra. Hindi ko pa naman nakakalimutan yung ex ko pero nag papasalamat talaga ako sa dad mo kasi iniligtas niya ako sa isa kong pinakamasakit na sitwasyon na dinanas ko buong buhay ko"
Hindi parin ako makapaniwala. "Arranged marriage din kayo ni dad?"
Timango lang siya at nakatingin sakin. Parang tinitingnan niya ang reaction ko. Gusto niya malaman ang naiisip ko ngayon pero wala ko maisip pa eh. So ibig sabihin kailangan ko ulit ng arranged marriage para maging ok ang lahat? Yun ba talaga ang dapat para maayos na ang lahat? Pero.. Mahal ko si Ethan. Hindi ko pa kaya gawin ito sa kaniya. Hindi ko kaya ipag palit si Ethan. Siguro tama nga si mama. Kailangan ko alamin ang tunay na pangyayari para ako makapag decide ng dapat ko gawin.
Kailangan ko tumayo dito at ipaglaban kong may ipaglalaban pa.
Kailangan ko maintindihan kong sasarhan kona ang pinto ng pag asa at bukas muli ang pinto ng pagkakataon na maging masaya forever.Thanks 'ma. Binigyan niyo ako ng lakas para harapin ito.. Love you..
Ganyan naman talaga ang buhay.. Madaming pagsubok na kailangan gampanan para maging masaya. Tiwala lang sa mga nararamdaman. Mahirap man or hindi..
Thank you parin sa pag suporta. Gbu 😘
BINABASA MO ANG
My Husband for Real
RomanceON GOING || BOOK 2 || Started: 29/02/2016 When unexpected is the way of your real happiness, keep and hold it. Tiffany and Ethan have for a few years a different life with or without someone. In a one moment, everything can change. Suriin natin kong...