Napatingin ako sa salamin bka kasi masama yung itsura ko. Nag ayos ayos ako pero napatigil ako at bulong bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin: "ano ba Tiffany? Nag papaganda ka pa eh hindi naman kailangan gawin. Mag uusap lang kayo ni Ethan. Ano ba? Hnd naman mag ddate"
Huminga ako ng malalim. Inhale. Exhale.Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ko ito.
Nakita ko siya na naka tanaw sa may bintana. Malalim ata ang iniisip. Nung narinig ako, napatingin s'akin.
"Okay na?" Tanong niya s'akin.
Tumango ako at sinabi ko na umupo siya.
Ako'y umupo sa may sofa.
"Lahat ay katulad parin ng dati. Walang pinag bago"
Napa-isip ako sa sinabi niya tapos naintindihan ko kong ano ang tinutukoy niya. Yung kwarto.
Inhale. Exhale. Hinga ng malalim Tiffany.
Medyo ako nattense sa sitwasyon.
"Kmusta yung headache mo?" Tanong ko para maiba ang topic.
"Hindi naman masakit yung ulo ko. Umalis lang ako kasi naiinis na ako"
Napatingin ako sa kaniya at pansin ko na kanina pa siya nakatingin s'akin.
"Why?"
"Sinasadya ni Ian na ako'y inisin at paalisin" bungad niya.
"Bakit naman gagawin nun? Wala naman dahilan" sabi ko kong wari hindi ako kinakabahan.
"Siguro nga.." sabi niya at hindi na tinuloy ang kaniyang sasabihin.
Umimik ulit ako. "Buti pinayagan ka nina Dad na papuntahin dito"
Tumayo siya. Parang may kailangan siya sabihin s'akin kaya siya'y hindi matali sa pagkakatayo niya.
"Nag apologize ako sa kanila sa lahat ng nangyari dati. They know everything at naiintindihan din nila ngayon kong bakit ko ginawa yun kahit may hinanakit parin sila s'akin. Dahil sinaktan kita"Natahimik nalang ako at hinayaan ko siya umimik.
"Alam mo Tiffany. Kahit pilitin ko lumayo sa'yo, lagi parin ako nalalapit sayo. Hindi ko alam. Dapat wala na ako pake alam kasi ikakasal kna diba at yun ang kahilingan ko dati. Pero sa khit anong dahilan at kahit anong paraan, lalapit at lalapit parin ako sayo. Parang magnet.."Hindi siya makatingin s'akin, habang nag kkwento pauli uli siya sa kwarto. Parang nattense na siya at malapit na sumabog.
"Hindi ko dapat maramdaman itong mga feelings nadumadaan s'akin ngayon kasi yun ang gusto ko mangyari sa buhay mo. Maging masaya sa piling ng iba at maibigay sayo ang buhay na hindi ko maiibigay sayo.."
Nakikita ko ang hirap ng pagsasabi niya sakin at ako'y nahapdi na rin ang mga mata. Kahit hindi ko sabihin, nasasaktan din ako sa sinasabi niya kasi pinagtutulak ako sa ibang tao na hindi ko nmn talaga gusto. Umimik ako.
"Nandito ka ba para ulitin s'akin ang lahat ng bagay na nasabi mona dati? Para saktan mo ulit ako? Kong sa tingin mo yun ang ikaayos ko, hayaan mona ako. Wag ka nang mangi-alam sa buhay ko. Diba yun ang gusto mo? Maging masaya? Sa iba? Well, mag leave kana at hayaan mona ako sa buhay ko. Hindi yun pabalik balik ka para ulit ulitin ang mga bagay na yan kasi paulit ulit mo rin ako masasaktan.. kaya please lang ha? Mag let go kana at yun din ang gagawin ko.. manahimik kna at mananahimik narin ako"Kusa may gumuhit na luha sa aking pisngi kasi sobra na talaga. Pumunta siya dito para sabihin lang ang mga bagay na yan, sana hindi na lang siya nagpakita ulit.
Lumapit siya s'akin at hinawakan niya ang muka ko at tinuyo ang aking mga luha. Napatingin ako sa kaniya.
"Sorry.." sabi niya at lumapit s'akin muka. Napapikit ako pero naramdaman ko na dumampi ang mga labi niya sa noo ko.
Tumayo siya at bago lumabas ng pinto.
"Sana ika'y maging masaya.. salamat at pasensya"Sinundan ko siya ng aking mga mata at nakita ko siya na naluluha bago siya lumabas ng pinto. Naramdaman ko sa sarili ko na kahit ako'y saksakin ng ilang beses hindi ganon kasakit sa narramdaman ko ngayon. Siguro tapos na. Siguro oras na mag Move on. Siguro oras na maging masaya.
B-bye Ethan..———————————
Naglalakad ako sa street namin, nung may bumisina s'aking likod.
Napatingin ako sa lalaki na nakasakay sa isang magandang kotse. Naka ngiti s'akin at kinindatan ako."Hey Tiffany.. why are you walking?" Tanong ni Ian s'akin.
"Pati ba naman ang paglalakad ko kailangan mo alamin?" Tinaasan ko ng kilay.
"Wag ka ng maging mataray s'akin. Sakay kana, hatid na kita sa inyo"
Hindi ko ba alam kong may sira ang isip nito o sadya lang talaga ganon.
"Sira ka ba? Nasa harapan na ako ng bahay namin.. wag mo ngang ibahin ang pulong. Ano ginagawa mo dito?"
Napangiti ulit siya at naisipan mag park.
Bumaba siya at sinarhan ang kotse.
"Well, hindi naman ako pupunta dito kong walang dahilan at ang dahilan na yun ay nasa harapan ko"
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakaka-irita ang isang tao na titingnan ka ng ganon. Kinuha ko ang susi at naglakad ako papunta sa may gate.
"Ops" sabay kinuha ang aking braso at napadais ako sa kaniya.
"Aray! Ano ba?" Sinabi ko nung tiningnan ko siya.
"Gusto ko lang makipag usap.."
Natahimik ako ng saglit. "Okay. Fine!"Pumasok kami sa bahay at buti nalang wala si mom at si dad.
- —
Affer a long time. Nabuksan ko din ang account na ito. Akala ko hnd kona mabubuksan ulit. Narecover ko din. Super duper late ang update. Hnd ko na din matandaan ang story kaya binasa ko ulit..
Magiging active na ulit ako.Gbu
Mzsmae
BINABASA MO ANG
My Husband for Real
RomansaON GOING || BOOK 2 || Started: 29/02/2016 When unexpected is the way of your real happiness, keep and hold it. Tiffany and Ethan have for a few years a different life with or without someone. In a one moment, everything can change. Suriin natin kong...