Chapter Two

97.3K 1.7K 89
                                    

Chapter Two

"... hindi ba Monica?" napakurap siya at napatingin sa mga kaibigan na kausap niya ng mga oras na iyon. Hindi kasi niya alam ang sasabihin niya, wala siyang ideya kung paano nangyari at lumabas sa newspaper ang balitang iyon tungkol sa sorority nila. Gusto niyang matawa at gusto niyang mainis dahil hindi niya lubos maisip na maisisiwalat ang ginawa niyang kasinungalingan sa lalaking nakilala niya four years ago.

At hindi lang iyon, marami ang naniwala sa hudyong iyon, nakakainis talaga. Mabuti nalang at nakatulog ito at hindi na siya nito naabutan ng mahanap siya ni Mint using a tracker. Nakalimutan na nga niyang itanong kung saan galing ang tracker na iyon.

And here she thinks na hindi nito narinig dahil nakatulog naman ito but she was wrong, absolutely wrong at dahil diyan nandito sila ngayon. Nagmemeeting kung kanino galing ang kwentong iyon. For goodness sake, may maniniwala ba talaga sa nakakatawang kwento niya dapat yata ay naging manunulat nalang siya keysa sa guro.

"Uhuh." Sagot lang niya while keeping her cold façade. Of course itatago niya ang bagay na iyon up until now wala ni sinuman ang nakakakilala sa kanila and it's not like everyone really cares before this news article appear here. Pero apat na taon... apat na taon na rin bakit ngayon lang ito lumabas?

Kapag nalaman ng sorority na sa kanya nagsimula ang kwento siguradong mapaparusahan siya.

"Ang cute naman ng kwento hindi ba?" ani ni Zyrene, gusto tuloy niya itong yakapin ng mahigpit.

"Tama si Zyrene, Crischelle. Cute ang story and besides hindi naman tayo kilala ng mga naghahanap kuno sa atin so let's keep it for a while."

"Iyon na nga Karylle, paano kung makilala tayo hindi kaya ng beauty ko ang maaksyon na drama. Paano nalang kung may kumidnap sa akin, kung-."

"Diana spell O.A." Hinampas ito ni Monique ng throw pillow.

"Fine mananahimik na ako," kinuha nito ang cellphone nito. "Papasa ng scandal-." Natahimik na ito ng tuluyan ng batukan ito ni Monique siya naman ay patuloy lang sa pananahimik at sa pagsusulat.

"Kailan ka magbabakasyon?" tanong ni Georgette sa kanya.

"A week from now siguro."

"That's good." Ngumiti ang kaibigan sa kanya. "Makakapagpahinga ka na rin sa wakas, ako na ang bahala sa mga kapatid mo at saka kasama ko naman si Norman." Tukoy nito sa kapatid niyang dapat ay lalaki pero ang nangyari, lalaki ang nagugustuhan but she loves her brother in so many ways.

"May gamot ka ba diyan na pwedeng gawing lalaki ang nagfefeeling babae?" seryosong tanong niya dito, seryoso talaga siya pero tinawanan lang siya ni Gette. "I am dead serious."

"I know but sad to say this sister kahit na gusto kong gawin hindi ko gagawin, I know you love your brother the way he is right now alam kong tanggap mo siya kaya hahayaan nalang nating ganoon."

Nagkibit-balikat nalang siya dito at saka tinapos ang dapat niyang gawin, nabaling sa ibang mga bagay ang pansin ng mga kasama niya kaya bumalik sa pagliliwaliw ang isip niya sa apat na taong nakalipas. Hindi na dapat niya iniisip ang bagay na iyon ibabaon niya sa kanyang hukay ang kasalanang nagawa niya sa sorority. Kung noon ay napilitan lang siyang sumali dahil sa mga kayang ibigay ng mga ito sa kanya ngayon iba na, they changed her and probably she wouldn't reach this far and alive without them.

Inihatid siya ni Chloe sa bahay niya since along the way rin naman ito, pagdating nniya ay gaya ng inaasahan parang dinaanan ng isang libong bagyo ang buong sala nila sa sobrang kalat. Narinig pa niya ang paghahabulan ng dalawang nakababatang kapatid sa pangalawang palapag ng bahay.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon