Warning: May mga eksenang pangmatanda lang kaya kung bata ka pa pakiusap be a responsible reader.
Chapter Thirteen
"ATE, dito ka ba sa ibaba natulog kagabi?" tanong ni Aycie sa kanya ng bumaba siya mula sa kwarto ng naka-uniform na.
"May tinapos kasi akong school works at nakatulugan ko na." sagot lang niya sa kapatid dahil ayaw niyang malaman nito ang totoo. Ang totoo na pagod na pagoda ng buong katawan niya dahil sa kagagawan ni Xancho. Kailangan pa niyang sundin ang gusto nitong gawin sa kanya bago siya nito hayaang makalabas sa bahay nito kaninang madaling araw.
"Mag-absent ka nalang ate mukha kang may sakit eh." Puna ni Norman sa kanya na nakatitig lang talaga sa kanya. "Ngayon lang kita nakitang malalalim ang mga mata at puyat na puyat."
"M-may sinat lang ako naulanan kasi ako kagabi ng kunin ko ang mga sinampay sa likod." Palusot niya.
"Ako nalang ang maghahatid kay Yoona, Emman at Aycie sa school." Presenta ng kapatid niya.
"Ihatid mo sila at pakidala na rin ang mga gamit ko, susunod lang ako. Hindi ako pwedeng mag-absent dahil malapit na ang periodical test kailangan ng magreview ang mga bata."
"Pwede ka namang magleave ng reviewers." Bakas sa mukha ng mga kapatid niya na nag-aalala ito sa kalagayan niya. "Magsleep ka muna ate."
"Hindi pwede." Tanggi niya. Kinuha niya ang tray na may lamang pagkain at gamut at saka ibinigay kay Norman. "Sabay na tayo pero ibigay mo muna ito sa kuya Xancho mo at sabihin mo sa kanyang inumin ang gamut niya." Mabuti nalang at hindi na ito nangulit pa at sinunod ang utos niya. Hinintay niyang matapos sa pagkain ang dalawang kapatid at naupo muna siya sa sofa at sandaling ipinikit ang kanyang mga mata pero wala pa ngang ilang Segundo ay narinig niya ang pagtawag ng kapatid niya.
"Ate ayaw kumain ni kuya Xancho."
"Bakit?"
"Mukhang may lagnat yata hindi siya makabangon at hindi niya magalaw ang mga braso niya sa pagod. Mukhang ngayon lang niya naramdaman ang aftershock ng pagbangga ng kotse na sinasakyan niyo."
Baka naman ibang activity lang ang dahilan kung bakit ito napagod.
"Ma-le-late na ako ate ihatid ko muna sina Aycie." Nagmamadaling kinuha ni Norman ang mga gamit nito at saka hinila palabas ang mga bata. Ibinigay niya kay Aycie ang tupperwares na may lamang pagkain at sinabing papasok siya. Dala ang kanyang mga gamit at saka inilock ang bahay niya ay agad niyang pinuntahan si Xancho sa bahay nito.
"Xancho—."
"Gotcha." Muntik na siyang mapatili ng pagbukas niya ng pintuan ay ito agad ang nakita niya, nakatayo, malakas at nakangisi pa, and for goodness grace nakaboxer lang ito at bagong ligo.
"Akala ko ba may sakit ka at ayaw mong kumain?" iritadong tanong niya dito. Hinawakan lang nito ang magkabilang beywang niya.
"Good morning too princess," he lightly peck her lips for a light kiss. "Bakit nakabusangot na naman ang magandang mukha mo, cheer up."
"Wala ako sa mood Xancho pagod ako." Dahil sa sinabi niya ay mas lalong lumaki ang ngisi nito, she almost smacked his knowing face. Bakas nab akas kasi sa mukha nito na proud na proud itong pinagod siya nito. "Aalis na ako kailangan ko pang pumasok." She pushed him but he just held her tightly and pulled her somewhere inside his house. "Kailangan ko pang pumasok."
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...