Chapter Twenty
"Anong nangyari?" agad siyang nagtaas ng mukha mula sa pagkakasubsob niya sa kanyang binti ng marinig niya ang boses ni Xancho. True to his words natagpuan nga siya nito sa tabi ng kalsada, nakapark sa tabi nito ang sasakyan nito na hindi niya namalayan na dumating. "Princess why are you crying?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Kinagat niya ang labi niya upang pigilan ang kanyang paghikbi at saka tumayo at mabilis na yumakap dito. He welcomed her with open arms and hugged her tight in return.
"Xancho tulungan mo ako." Bulong niya dito.
"Tell me what happened?"
"Si Aycie, natagpuan na siya ng kanyang tunay na pamilya." Nanigas ang katawan nito sa narinig mula sa kanya. "Kilala niya ang mga taong iyon ayokong ibigay si Aycie sa kanila, kapatid ko siya, kapatid ko... akin lang siya hindi ba? Amin lang siya nakikiusap ako Xan, tulungan mo ako. Handa akong ibigay ang lahat ng gustuhin mo basta sa amin lang si Aycie."
Hinaplos-haplos nito ang likod niya. "Tahan na princess, huwag tayo mag-usap dito. Dadalhin muna kita sa bahay." Tumango nalang siya lalo pa at napapansin niyang may mangilan-ngilan na ring mga sasakyan na dumadaan doon na nakakakita sa kanila. Sumakay siya sa kotse nito pero hindi sa passenger's seat. Sinabi niyang gusto niyang magpahinga kaya nahiga siya sa back seat. Tahimik lang silang dalawa sa biyahe, akala siguro nito ay natutulog siya pero hindi siya makatulog kaya umayos siya ng upo at kahit na may nakapagitan na upuan sa kanila ay nagawa pa rin niya itong yakapin mula sa likuran.
"Baka mabangga tayo Monica." Natatawang ani nito sa kanya pero hindi siya nakinig, isinubsob lang niya ang mukha niya sa balikat nito. Noon sabi niya sa kanyang sarili ayaw niyang magkaboyfriend at magkaasawa dahil hindi naman niya kailangan. Akala kasi niya ay sobrang tapang at lakas na niya, may mga kaibigan siya at may mga kapatid, they are what she called family sapat na sa kanya iyon.
Pero hindi niya inaasahan na sa haba-haba ng pagtatapang-tapangan niya ay darating din pala siya sa puntong manghihina siya at hindi na niya kayang mag-isip ng mag-isa lang. And here he is, isang tawag lang niya ay agad na nasa tabi niya at nahanap siya kahit na hindi na niya sabihin kung saan siya. May yumayakap sa kanya at nagsasabing hindi siya nag-iisa. Iba ang pakiramdam, iba kapag mga friends niya ang nag-assure sa kanya na okay lang ang lahat, iba din kapag ito. Sa dami-dami ng kaibigan niya si Xancho palang ang nagparamdam sa kanya na ligtas and secure siya.
"I love you Xancho." Nahihiyang bulong niya dito. "Thank you for being here with me when I need someone the most." Natahimik lang ito pero dahil nakasubsob ang mukha niya sa katawan nito kaya narinig niya ang malakas na tibok ng puso nito. "Huwag mo akong saktan ha," hindi niya alam kung saan iyon nanggaling simula ng nakilala niya ito ay unti-unting lumalabas ang mga takot at kahinaan niya na akala niya ay naibaon na niya sa lupa, she wasn't expecting to be too vulnerable when he is around. "Masyado na kasing masakit iyong ideyang mawawalan ako ng kapatid, sobrang sakit. Huwag mo akong sasaktan Xancho, sa iyo ko lang ipinagkatiwala ang puso ko. I laid my heart right in front of you, ibinaba ko ang barrier at tinunaw ko ang yelo na nakabalot sa puso ko para papasukin ka. I trust you with all my heart."
Hinawakan ni Xancho ang isang palad niya at hinalikan iyon ng mariin, "I won't hurt you Monica, I love you so much to hurt you."
Nakampante siya sa sinabi nito at nakahinga ng maluwang. "Tulungan mo akong huwag mapunta si Aycie sa kanila, kapatid ko siya Xan. Gagawin ko ang lahat huwag lang siyang mawala sa buhay ko.'
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...