Chapter Seventeen

53.4K 1.3K 31
                                    

Chapter Seventeen

"Pakakasal?" Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ni Oz sa kanya sa cellphone habang kausap niya ito. "Si lolo pakakasalan ko? Alam mo baa ng pinagsasabi mo? That's gross!" halos sumigaw siya sa cellphone mabuti nalang at nasa labas siya ng faculty room kaya hindi narinig ng mga kasama niya ang sinabi niya.

"Hindi naman totoong kasal, Nik-Nik. Sa harap lang ni papa." Sabi nito making her roll her eyes.

" Tinatawag mo talagang papa ang lalaking kapag nalaman na buhay ka ay pwede kang patayin, at hindi lang iyon pwede rin na patayon ako, tayong dalawa."

"Gusto ko lang subukan na tawagin siya ng ganoon." Tumawa ito sa kabilang linya. "Pero totoo ang sinabi mo delikado ang buhay natin kapag nalaman ni Hiroki ang tungkol sa atin."

"Bakit hindi nalang isalin ni lolo ang mana niya sa atin? Bakit kailangan pang pakasalan ko siya." Nangingilabot pa rin siya sa ideyang pakakasalan niya ang kanyang sariling lolo. Oo at tinanggap na niya na parte ito ng buhay niya, she can't help it, he is one of the closest family she has. Pero hindi alam iyon ng mga kilalang kapatid niya at pamilya niya, right now she is deep shit kaya wala siyang magawa kundi ang lapitan ang tunay na pamilya niya.

Akala niya ay ligtas na si Yoona sa kanyang poder pero mali siya dahil kasalukuyang nagpakita ng ebidensya ang mga magulang nito na tunay na anak ng mga ito si Yoona. At hindi lang iyon pati ang mga magulang ni Emman ay ganoon din, and they are confident na may pruweba sila. Kahit na sabihin na ang pangalan ng mga bata ay sa kanila ang katotohanan na ang mga ito ang tunay na magulang ng mga bata wala siyang habol. Maliban nalang kung umalis sila at magtago, pero kapag gagawin niya iyon mawawalan siya ng trabaho. She loves her job, she really loved it at handa niyang itaya para sa trabaho niya. Kaso mahal din niya ang mga kapatid niya.

And what's worst, her adoptive parents were telling her to give them to their real parents. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dali nilang sabihin ang mga bagay na iyon, ang dali nilang ipamigay ang mga kapatid niya. Minsan naiisip niya na sa kanilang lahat siya lang ang kumakapit, siya lang ang bumubuo, siya lang ang nag-eeffort na mabuo sila.

"Kung ganoon kadali ang sinabi mo noon pa ginawa ni lolo iyon, kaso alam natin na hindi. Kapag ginawa niya iyon malalaman agad ni Hiroki na buhay tayong dalawa at hindi pa man nasasalin ay pwedeng nakabaon na ang katawan natin sa lupa." She almost groaned when he said that.

"Ayoko sa mana ni lolo."

Tumawa naman si Oz sa kabilang linya. "Pareho nating alam na kapag nasa iyo na ang mana mo, ang pera mo, mahihirapan ng makuha ng tunay na mga magulang ng mga kapatid mo. You need this and I want to help lolo too, kapag napunta sa ama ko ang perang iyon siguradong uubusin lang niya ang lahat ng pinaghirapan ni lolo." Bakas sa boses nito ang galit sa tunay nitong ama. "I want to bring him down and this is the first step in bringing him down, kapag wala na siyang pera wala siyang magagawa."

"Ano naman ang kasiguraduhan natin na hindi ako mapapahamak kapag ikinasal ako kunwari kay lolo."

"As the clan's mistress you will have an equal power with grandpa, he can't harm you lalo pa at nakatingin sa iyo ang lahat ng mga tauhan ni lolo. And I will be your bodyguard, I'll pretend to be your cousin. Babantayan kita hanggang sa masalin na ang mana sa pangalan natin, ang iisipin ni Hiroki ay kung paano ka mapapaalis sa buhay ni lolo ng hindi napapahamak and while he is busy with that lolo will make his moves as well." Paliwanag nito sa kanya.

She sighed. "I don't know Oz, I don't know yet. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo, ano nalang ang sasabihin ko sa mga kaibigan ko. I know they won't believe me that I will marry our old man because of love, alam nila iyon, at hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol dito or can I?'

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon