Chapter Six

65.6K 1.4K 98
                                    

Chapter Six


Kahit anong gawin niyang kiskis sa leeg niya na may pulang marka ay hindi pa rin mawala, ramdam pa rin niya ang kakaibang kilabot na dala ng labi nito sa kanya, and his tongue. Napakagat siya ng labi nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa ginawang iyon ng lalaki. How can a mere janitor affect her this way it's too much for her to handle.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagpahinga, hindi siya lumabas sa kanyang silid dahil natatakot siyang makasalubong na naman ang walang kwentang lalaking iyon. Natatakot siyang baka ano na naman ang gawin nito sa kanya at hindi niya magawang labanan dahil aminin man niya o hindi ay gusto din niya.

Sa pang-apat na araw ay hindi siya lumabas sa kanyang silid, nag-enjoy na lamang siya sa pagtulog. Sa totoo lang gusto na niyang umuwi at umalis sa lugar na iyon ayaw na niyang makagawa ng masama. Nakagawian na rin niyang mag-order sa room service.

"Wait!" sigaw niya ng marinig niya ang bell sa room niya, that's the room service dahil katatawag lang ng mga ito sa kanya. She opened the door--.

"Room service miss." Nag-isang linya ang mga labi niya habang nakatingin kay Xancho na may dala ng cart. "Napagalitan na ako ng boss ko nakita kasi niya ang ginawa ko sa iyo kailangan kong humingi ng tawad para hindi ako mawalan ng trabaho." Bumalik na ito sa dating uniform nito and his nerd look.

"Ibalik mo na iyan hindi pala ako gutom."

"No! Kumain ka please." Natatarantang pigil nito sa kanya. "I will be good I promise basta kumain ka lang don't risk your health because of me."

"Hindi talaga ako gutom-."

"I am sorry." He uttered. "Pasensya na sa nagawa ko." Napatingin ito sa kanyang leeg. "Sana mapatawad mo ako." Sincere na hingi nito ng tawad sa kanya. Napailing lang siya at isasara sana ang pinto.

"Go away, Xancho."

Isinara niya ang pintuan pero hindi naman siya umalis sa likod pakiramdam kasi niya ay naging masyado siyang harsh. May narinig siyang maliliit na katok sa kabilang pinto kasabay ng pagkatok din nito sa puso niya.

"Gusto mo bang gumawa ng taong niyebe?" at sa halip na magdrama ay hindi niya napigilan ang sarili niyang matawa sa tanong nito sa kabilang pinto. Naitranslate nito ang 'Do you wanna build a snowman' ng Frozen. Binuksan niya ang pintuan at saka tiningnan ng masama ang lalaki na nakangiti sa kanya, he had this apologetic smile on his face making him look boyish and innocent as hell. "Foods?"

"Ipasok mo iyan dito." At linuwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Kung sinuman ang mga magulang ng lalaking ito they surely made it sure na gagawa sila ng anak na sobrang iresistable. Hindi yata niya magawang magalit dito ng matagal-siya pa na mahilig magkimkim ng sama ng loob.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Nope."

"Ganoon? Mukhang kailangan kong gamitin ang aking special force bukas susunduin kita ng maaga."

"Para?"

"Ipapasyal kita, mamamasyal tayo."

"Ayoko."

"Sa dagat, sa dagat kita dadalhin. May Bangka si boss mabait naman siya pwede nating hiramin iyon."

"May trabaho ka."

"Pwede naman akong umabsent gusto kong makabawi sa ginawa ko sa iyo."

"No need-."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon