Epilogue

79.6K 1.5K 53
                                    

EPILOGUE


WHEN IT HAPPENED, IT HAPPENED. LIFE IS A NEVER ENDING RIDE, parang roller coaster lang iikot ng iikot ng iikot hanggang sa ikaw na mismo ang mapagod.

"Kung pagod ka na Xancho you can stop." She told him, she is heavily pregnant with their child. They should be happy right now pero hindi siya makaramdam ng ganoon, truth will set you free but sometimes truth will hurt someone you love. Itinago ni Xancho sa kanya ang tungkol sa mga kapatid niya at tungkol sa pagkawala ng trabaho niya because he thought it was for her own good. Now, she is doing the same. She is hiding that dirty little secret from him because it's for her own good.

"Hindi pa ako pagod."

"Kung hindi mon a kaya pwede ka ng tumigil." Hindi siya galit, but she can feel him distancing from her. So close yet so far.

"Ayokong tumigil."

Inalis niya ang binti sa kandungan nito, hindi ang pagmamasahe nito ang gusto niyang iparating dito. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin dito ang tungkol sa nangyari sa kanila—kung ano talaga ang nangyari sa kanila at kung bakit siya nabuntis.

Her name was already cleared, alam na ng lahat na apo siya ng lolo niya and Forrester is that man's son. Okay na ngayon ang lahat, ang mga kaibigan niya they are all well settled and some of them gave birth already, iyong iba buntis na rin. They are actually making a family of their own.

"Ang mabuti pa ay umuwi ka muna sa bahay mo at magpahinga, pupuntahan ko pa si Hexel." Ngayon kasi lalabas ang result ng annulment na ifinile nito. Monique successfully got the evidence that they can use for the trial, proving that Hollier Kaia Brandt-Libiran is not a capable wife to her husband. It was a shock to her, for them, they weren't expecting it. It is such a revelation for all of them they are waiting for an explanation pero tikom ang bibig ng pinsan niya.

She is helping Hexel with the university, mas mahirap siya keysa sa pagtuturo at mas nakakapagod pero masaya siya sa kanyang ginagawa. She decided to teach some college courses kapag nakapanganak na siya.

"Ihahatid na kita sa bahay niya."

Hindi na siya sumagot at tinulungan nitong tumayo, kinuha niya ang kanyang mga gamit at sumakay sa kotse nito. Katahimikan, iyon ang namayani sa kanila and that bothers her but its better this way hanggang sa makalimutan nito ang lahat at tanggapin nalang nito na nabuntis siya nito.

"Bakit hindi mo nalang kalimutan Xancho?" hindi niya nakatiis na sambit.

"I can't."

"Kakalimutan mo ba iyon o aalis ako?" hindi ito umimik. "Kung mahal mo talaga ako tatanggalin mo sa isip moa ng gumugulo sa iyo, okay na tayo hindi ba? Huwag mo ng guluhin ang lahat."

"Hindi ko ginugulo ang lahat Monica I am trying to connect the dots, ayokong naiiwan sa ere at ayokong walang alam."

"Stop the car."

"No-."

"I said stop the car." Wala itong nagawa kundi ihinto ang kotse. He doesn't want to stress her after all. Lumabas siya sa kotse at agad itong nakasunod sa kanya.

"Monica saan ka pupunta."

"Away from you, sort you mind Xancho."

"That's what I am doing right now sorting my mind and hell it is! Hindi ako makakahakbang papunta sa iyo kung may pumipigil sa akin."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon