Extra#2: Everything is almost complete... almost...
Dear Hexel, Kaia, Hollier,
Kahit anong pangalan ang gamitin mo I don't care, we don't really care because for us, iisa ka lang. Ikaw ang matapang at matalinong si Hexel na kahit anong gulo ay mabilis lusutan, ikaw ang mapagmahal na si Kaia na kahit anong sakit na nararamdaman mo ay titiisin mo huwag ka lang makapanakit ng iba kahit na ikaw na ang nasasaktan. At ikaw si Hollier, the rich, elegant and classy businesswoman whom I met everytime we had a skype conference with the girls. You are them rolled into one.
And yes I haven't given my star to anyone not even Xanncho, I told Xancho about your wish and he said he would gladly give it to you because he knew how much I love you. Huwag kang mag-aalala hindi seloso ang lalaking ito pagdating sa iyo puwera nalang sa ibang lalaki nakakabangag lang.
I am granting you your wish and still wishing that you can be here during my wedding day but I know you can't. I hope you can see Xerxes, he can't walk yet but his daddy is teaching him to talk. I hope you are here with us at this very moment. Ang dami ng nangyari sa loob ng ilang buwan na nandiyan ka.
Wake up na pinsan, huwag ka ng matulog diyan. Para ng baliw ang manliligaw mo na ginawa ng opisina ang silid mo, lumalaki na rin si Keia baka kapag nagising ka na dalaga na siya at magkakaasawa na. Marunong ng maglakad ang mga babies ng mga girls, some of them can even talk. Buntis na rin iyong iba mamumulubi ka kapag sobrang late ka ng nagising dahil ninang ka sa lahat ng babies namin. May balak pa naman akong magkaanak agad pagkatapos ng kasal ko dahil hindi na rin ako bumabata.
Muntik ng mapatay ni Xancho ang doctor na nagpaanak sa akin pero mas muntik na niya akong sakalin dahil mas pinili kong manganak habang nakalublob sa tubig. Wala lang din trip ko lang na gawin iyon at kung nakita mo lang ang mukha niya siguradong matatawa ka. Hindi ako nahirapan sa panganganak dahil doon, mas nahirapan ako sa panganganak dahil tawa ako ng tawa habang nakatingin ditto. Kaya napilitan ang mga doctor na palabasin siya or else hindi talaga ako mapapaanak.
Kamukhang-kamukha niya si Xerxes maliban sa mga mata, chinito ang baby ko, kaya nga gusto kong makaganti gusto ko ng baby girl at kamukha ko dahil ang daya nilang dalawa! I want you to celebrate our godchildren's birthdays every year. Nag-eesleeping beauty ka lang, kahit na gusto ka na naming makasama mas gusto pa rin naming na gumaling ka. Kung hindi pa ito ang tamang panahon para magising huwag mo munang pilitin, nandito lang kami at hindi kami titigil sap ag-aalaga sa iyo dahil mahal na mahal ka namin.
You are our sister, you are our mother, you are our light, you are our master, hindi kami mabubuo kung wala ka. And you are the shadow keeping us from harm, now cousin, we will be your wall, your gate, your armour, your shield and you blanket during your dark hours.
I love you so much Hexel and wake up very, very soon.
P.S: When you wake-up sigurado akong mahihimatay ka sa dami ng mga love letters na pinadala namin sa iyo while you are sleeping. And take note, hindi ka makakalabas sa hospital hangga't hindi mo nababasa ang lahat.
PPS: Thank you for bringing back my mama to me. I owe it to you.
Love Lots,
Monica
"MASISIRA ang make-up mo kapag iiyak ka pa rin diyan." Sita ni Chloe sa kanya, kanina pa natataranta ang stylist niya dahil kanina pa siya iyak ng iyak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sobrang overwhelmed lang siguro siya sa saya na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "My Goodness Monica, hindi ka bibitayin magpapakasal ka na."
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...