Chapter Twenty-Four
"BAKIT ang daming bodyguards?" nagulantang siya habang nakatigin kay Oz, "Ang OA naman nito.""Sundin mo nalang ang gusto ni tanda para din ito sa kaligtasan mo." Abala ito sa pagtipa ng kung ano sa laptop nito. "Hindi ba pupunta ka pa sa hospital?"
Tumango siya, "Nagising na si Monique, kailangan nandoon kami."
Tinitigan niya ang ginagawa nito kaso napakunot lang siya ng noo ng wala naman siyang maintindihan, math ang major niya at magaling lang siyang magturo dahil iyon ang nakasanayan niya pero kapag mga financial reports na ang pinag-uusapan hindi na niya kaya iyon.
"Lumabas na sa newspaper ang balita."
Tumango uli siya, hindi pa niya nasabihan ang mga kaibigan niya tungkol sa nangyari. Mamaya siguro kapag nagkita sila, ang mga miscalls ng mga ito ang palatandaan na alam na nito ang balita.
"Kapag nakuha ko na ang pera ko pwede ko ng bayaran ang pinakamagaling na abogado para makuha ang mga kapatid ko." Natahimik lang ang pinsan niya pero tumango lang din ito.
"Si Xanc-." She glared at him, hangga't sa maaari ay ayaw niyang marinig ang pangalan nito. Hatred is filling her senses right now, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kapag nakita niya ito. She hates him and she hates the idea that she was inlove with him—may nararamdaman pa rin siya kay Xancho pero pasasaan ba at makakalimutan din niya ang nararamdaman niya dito.
"Alam kong uso sa mga lalaki ang 'friends before hoes', but I am not your hoe Forrester I am your cousin." Madiin ang bawat bigkas niya sa mga salitang iyon. "Aalis muna ako."
"Don't forget to bring the bodyguards trust me Monica they are useful."
Sa ngayon ay makikinig muna siya, aanhin naman niya ang pera niya kung hindi rin naman pala niya iyon mapapakinabangan dahil mas mauuna pa siyang mamatay keysa sa ama nito. She haven't seen Hiro in person dahil ayaw ng lolo niya, gusto nitong kapag nagkaharap-harap na sila ay nailipat na sa pangalan niya ang lahat ng dapat ay sa kanya and that includes Forrest's parts too.
Pumasok siya sa kanyang silid upang tingnan ang hitsura niya sa harap ng salamin, she looks different. Everything the old Monica looks before was deleted from her system. Her grandfather told her about the things she needs to do and the proper way to dress, ayaw niya pero package deal na iyon kung gusto niyang makuha ang mga kapatid niya.
She needs to be a proper lady suited to be a Tadashi princess as her cousin and her grandfather pointed out. But she still want to wear her old uniform, there were nights that she end up hugging them and crying untl she's too tired to shed some tears.
Dumaan siya sandali sa silid ni Norman na katabi ng kanyang silid, nakausap na niya ang mga tumayong magulang niya. Alam niyang nalulungkot din ang kapatid dahil sa biglaang pag-iba ng buhay na meron ito. It's a drastic change her brother have and she can see changes as well. Hindi lang siya ang nagbago kundi maging ito rin, iyong klase ng pagbabago na hindi mo inaasahan.
Kumatok siya at pinihit ang door knob upang magbukas ang pintuan, agad niyang nakita ang kapatid na tahimik na nakatayo at nakasandal sa tabi ng malaking bintana ng silid nito habang nakakibit ang mga balikat. Ngumiti siya, this is the scene she wouldn't even think Norman would have.
"Carlyle Norman Garcia," tawag niya sa buong pangalan nito kung dati ay naiinis itong tawagin sa buong pangalan nito ngayon ay tila ba wala na itong pakialam. "Norman, gusto mong sumama sa akin? Gusto mo bang mamasyal?"
Tumayo ito ng tuwid kaya mas lalong na-emphasize ang tangkad nito, nakasuot ito ng puting polo na may mahabang manggas at asul na jeans. Her brother looks so manly, lalaking-lalaki na nga ito sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...