Chapter Twenty-Five

57.4K 1.3K 54
                                    

Chapter Twenty-Five

NARAMDAMAN niya ang paghawak ni Hexel sa palad niya habang papalabas siya ng hospital, agad naman siyang napatingin dito.

"Kanina ka pa tahimik, iniisip mo pa rin ba ang nagging desisyon ko?"

Mahina siyang tumango. "Hindi mo kasi maiaalis sa akin na maguilty feeling ko ako ang dahilan kung bakit nabuwag ang zalpha bri."

"Hindi naman tayo nabuwag Monica, we are still sisters and we are still that group. Tinanggalan lang natin ng pangalan ang samahan natin."

Kahit anong sabihin nito ay mabigat pa rin sa dibdib niya ang nangyari, she can't accept it. Pero kung ano ang nagging desisyon ni Hexel ay irerespeto niya iyon dahil sa ginawa nito ay hindi na siya mapapaalis sa grupo sa dami ng mga nagawa niyang kasalanan sa ZBS.

May sasabihin pa sana siya ng biglang may itim na sasakyan na huminto sa tapat nila, napaatras siya dahil pakiramdam niya ay kumabog ang dibdib niya. Ilang beses na rin kasi niyang nakita ang mga ganoong mamahaling sasakyan, agad niyang hinigpitan ang hawak sa palad ni Hexel.

Bumukas ang kotse at may bumabang batang babae na sa tantiya niya ay nasa pagitan ng lima at anim ang edad. Huminto ang bata sa harap nila at napatingin kay Hexel, sinulyapan din niya si Hexel na nakakunot ang noo habang nakatingin sa batang babae.

"Mommy?" hindi siiya nakakilos ng biglang magsalita ang batang babae. Humakbang ng isang beses ang bata at ganoon na lamang ang pagtataka niya ng mapansin na napahakbang naman si Hexel paatras. She never saw Hexel stepped back, sa isang bata lang. "Ikaw nga ang mommy ko!" tumakbo ang batang babae at biglang yumakap sa mga binti ni Hexel na tanging abot lang nito.

May kung anong bumalot sa puso niya ng Makita ang umiiyak na batang iyon na yakap si Hexel. "Mommy, ang tagal na kitang gusting Makita ng totoo. Now you are real, I can now call you mommy and I can now hug you for real at hindi lang sa picture mo."

May narinig siyang ingay sa kung saan, si Clive! Clive is staring at her cousin with pure longing on his eyes and something else as he watched Hexel and the little girl together.

"Mr. Libiran," malamig na tawag ni Hexel kay Clive, Hex broke the silence between the two of them. Ano na naman kaya ang naiisip ni Clive ngayon? This wasn't the first time he tried to approach and talk to Hexel but he never succeeded.

"Yes, Mrs. Libiran?" Wala siyang nabasang reaksyon sa mukha ng pinsan niya sa ginawang pagtawag ni Clive dito.

"If you don't mind kindly remove your daughter-."

"She is our daughter, Kaia."

Hexel laughed bitterly. "As far as I remember my child died—wrong—my children died before I saw them, weren't you the living witness of their deaths? My supposedly first child whom you killed and my second, whom your mistress killed per your instruction?"

Napasinghap siya sa narinig niya, hindi niya alam na dalawang beses palang nabuntis si Hexel. She never told them or any of the girls about it and based from Clive's reaction, he didn't defended himself which means totoo ang sinabi ng pinsan niya.

"I never—our first unborn was an accident and our second is alive Kaia."

"Don't ever lie to me Clive, my daughter was dead!"

Lalapitan sana niya si Hexel dahil alam niyang galit na ito kahit na malumanay pa rin ang paraan ng pagkakasabi nito.

"She wasn't dead Kaia, she's alive. Si Keia ang batang iyon." Tinanggal ni Hexel ang braso ng batang nakayakap dito, agad niyang nabasa ang sakit sa mukha at mga mata ng bata sa ginawa nito.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon