Extra#1: Letter from MasterH to Blue grasshopper
Dear Blue grasshopper,
I am sorry Monica for leaving in such a haste, I am sorry for not telling you about my plan. It hurts to leave again when I already felt like home, you and the girls are my home and yes Keia is my heart... huwag mong itanong ang tungkol kay Clive. Pareho nating alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.
Palagi kitang tinatanong kung handa ka bang sumama sa akin and everytime I did you always paused for a while and say yes, and there I know you can't leave yet, hindi kita pwedeng isama sa mundo ko. Hindi ko kayo pwedeng isama ni Niq at mas lalong hindi si Keia. Sa bagong mundo ko ibang tao ako, I'm not your Hexel, I am not your Kaia, I am Hollier Brandt daughter of my mother and my father.
Hindi pa rin niya ako tanggap, masakit isipin na kahit na anong gawin ko hindi pa rin niya ako matanggap. Iyan ang bagay na hindi ko masabi sa iyo noong nasa Pilipinas pa ako. Buo ang loob kong umuwi para maghiganti at kunin ang mga bagay na dapat ay sa akin. But aside from that may ibang pakay ako, hindi ko pwedeng sabihin because you knowing it means danger.
I want you to be happy, the first time I saw you without a doubt alam ko magiging espesyal ka sa buhay ko. Kaya pala, kaya pala dahil magkadugo pala tayo, we are cousins and bound to be sisters by blood. Kahit na wala na ang Zalpha Bri sa puso ko kayo pa rin ang mga kapatid na wala ako. Don't be sad for me, don't look for me and if it is possible don't tell anybody about where am I. Ayokong sumunod na at ayokong may maghanap sa akin. Habang-buhay ko pa rin kayong proprotektahan at masayang-masaya ako dahil sa wakas naging successful ang plano ko.
Plano na dapat lahat ng mga kaibigan ko ay tuluyan ng maging masaya sa piling ng mga taong tapat at magmamahal sa inyo. Naiinggit ako sa pagmamahal na meron kayo sa mga mahal niyo, I was wishing to have that kind of love, I was wishing to have a family which I never had. Pero iba ang daan na kailangang kong tahakin at ayoko sa daan na ito pero ito lang ang tanging paraan para matanggap niya ako.
Nakakatawa ano? Pero kailangan kong gawin ito Monica, dahil kapag natanggap niya ako maililigtas ko na si mommy sa kamay niya. And the other thing is... I can save your mom too, she's alive and I will make sure she'll be able to see you.
And I may not be there in your wedding day, as what I always said before, marry in front of God inside the church. Please grant this wish for me Monica, I know you haven't given it to Xancho yet can you please give that star to me and grant me this wish? I want to see you walking in the aisle inside the church.
Thank you for everything.
Ich liebe dich meine Schwester....
PS. Keep this letter a secret between the two of us.
FROM: MasterH
No
From: Your cousin.
<3 <3 <3
a/n: Pasensya na sa nakayanan ko again I am telling you this, writing this story is never that easy kaya pasensya na. I told you huwag masyadong mag-expect dahil ako hindi ko rin ine-expect ang outcome ng story. If you feel like this isn't that good the easiest thing to do is stop reading or don't read, dalawang choices na iyon kaya kayo na ang bahala sa pamimili. Remember, I don't write to please readers I write because I wanted to write. It just happened that my work can't give me enough tiime to work anymore because being a teacher sa public school is not that easy too. Alam kong paulit-ulit na ninyo itong naririnig pero uulitin ko pa rin, sisingit ko lang talaga ang pagsusulat. I was not paid to write and I am struggling in my own line of work. I won't jeopardize myself because of this as well kaya hindi sunod-sunod ang updates because I no longer have enough time to sleep. Kapag vacation naman ay nagbabakasyon at nagpapahinga talaga ako. I read and re-read my books, reader ako bago ako nagsimulang magsulat. And if may extra time pa talaga ako ay gumagawa ako ng powerpoints and visual aids for my classes plus lesson plan, test papers with assessment matrix. I home visit students and check papers too, kung alam niyo lang talaga galit yata sa pahinga ang DEPED ngayon. Kaya nga siguro nagkakahyperacidity ako dahil hindi on time ang pagkain ko, paano siya magging on time kung minsan may kailangan kang isubmit before this time and that time so it leaves us with no time at all.
Ang tanging nakakapagpasaya nalang sa akin sa trabaho ko ay mga students ko, no matter how hardheaded they are they still make me happy and feel better sa mga days na down na down na talaga ako. Maiiyak ka nga lang kung mag-ooffer pa sila na sila nalang ang gumawa ng dapat ay trabaho mo dahil kahit bring home na, kahit na pinagpuyatan mo na ay hindi pa rin siya matapos-tapos at najejeopardize ang classes mo.
I don't know how long would I write Hexel's story, I won't give you a time frame and please don't tell me when dahil kahit anong pressure niyo sa akin na tapusin agad I swear madidisappoint lang kayo.
Thank you so much babies for being with me through this trials and for never leaving despite of everything. Sa mga nakatapos sa pagbabasa congratulations to us, we made it!
STATUS UPDATE: Marami pa ring gwapo sa UC MED kahit pasyente nila ay gwapo din, ihahanay ko na ba ang sarili ko sa magagandang pasyente? Pero lunch break na, balik ako sa one pm. huhuhuhu
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
RomancePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...