Chapter Three

77.8K 1.6K 94
                                    

Chapter Three


ANO ba kasi ang naisip niya at pinasok niya ang malaking bahay sa likod ng hotel? Ewan din niya basta natagpuan nalang niya ang sarili na kinakalikot ang passcode encoder na nasa labas ng gate. Sakit na siguro niya na kapag nakakakita ng mga numero ay agad niya iyong kinutingting. Mahilig siya sa numero kaya nga mathematics ang naging major niya and she can't even think of another subject easier than her subject choice. Math was never a problem to her, sabi nga nila she is gifted with it, hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng kakayaan na magmanipula ng numero ng walang kahirap-hirap. Sa totoo lang math isn't really hard, naiisip lang kasi natin na mahirap kaya tayo nahihirapan.

Nasa pag-aanalisa lang naman iyon, parang buhay lang, lahat ng problema na dumarating ay parang problem solving, mahirap sa simula pero sa bandang huli nasosolusyonan pa rin nasa tao lang iyan kung paano sasagutin iyon. Paikot-ikot lang, minsan mali pa, kaya nga may checking para malaman kung nagkamali ba, kung mali ang paraan ng pagresolba may chance na pwedeng ulitin at ulitin. Ganyan din ang mga math problems, kapag nagkamali ka kahit sign lang iyan uulit ka pa rin. Kapag hindi mo ginalingan sa susunod ay mas lalo kang mahihirapan, mapapagod kaya ititigil nalang ang pagsagot at sasabihin na 'bahala na si Lord'.

Kaya nga mas gusto niya ng math dahil sa science mas maraming imememorya, iyong iba hindi naman kailangan pero kailangang alamin nakakapagod sa brain cells. Kung English naman, hindi siya magaling sa English maganda lang siya pero hindi siya perpekto. Naguguluhan pa rin siya sa mga simple rules na hindi niya alam kung nagagamit ba ng isang tao at napeperfect ba nila. At sa iba pang subject na napapagod siya. Mahilig lang siyang mag-aral at nag-eeffort siya sa mga subjects niya pero hindi siya kasing talino ni Gette o kaya naman ay kasing wais ni Hexel. Hindi naman niya dina-down ang sarili niya dahil may sarili siyang kakayahan and she can identify each of them quite well.

Well, that's it hindi naman siguro siya pagagalitan ng may-ari dahil hindi naman siya pumasok, mga ilang steps lang naman mula sa main gate pagktapos ay bumalik na siya sa pinanggalingan niya. With that resolution she have inside her brain dagli din na nawala ang guilt sa pagpasok niya sa bahay sa likod. Right now, all she wants to do is to retire inside her hotel room and plan for her long tour tomorrow.



KUNG pwede lang suntukin si Bud ginawa na niya pero hindi niya pwedeng gawin dahil ito pa rin ang masusunod sa punishment niyang iyon. Goodness! How can he seduce the woman Bud chooses when he looks like this? He can't even identify himself for goodness sake. His usual hair is comb sideways, sa sobrang pagkakalagay ng wax sigurado siyang magseselos si Rizal at ang kanyang lolo. He never wore his hair as old fashion as that and what's with the glasses? And the over-alls?

"That's better."

"Pwede mo bang eexplain kung ano ang ibig sabihin ng better Bud?" tanong niya dit pero ngumisi lang ito sa kanya.

"Better Xancho." And he is now using his real name. May ibinigay ito sa kanya, temporary ID na may mukha niya. Kumunot lang ang noo niya ng masilayan ang picture sa ID, mukhang tanga ang gamit nito. Paano ba niya ipapaliwag kung ano ang hitsura niya, para siyang isang nerd na pervert na hindi niya maintindihan.

"Okay, here's your mop." Mabuti nalang at mahaba ang pasensya niya kundi itinapon na niya ito sa dagat, and he is enjoying his misery. "And follow me, from now on I will be your boss. I never thought I can boss the great Xancho Francis Sebastian around they should know about this."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon