Chapter Nine

67.7K 1.4K 139
                                    

Chapter Nine

"SEVEN-THIRTY SIX." Pupungas-pungas na bumangon siya at saka itinali ang buhok na nagkalat sa kanyang mukha. Pagtingin niya sa kanyang tabi ay wala na ang mga ito, tanghali na siyang nagising which is very rare. Sa normal na mga araw ay alas cinco pa lang ng umaga ay gising na siya, she must be really tired and stress-out. Napatingin siya sa kabilang bahay, nakabukas ang bintana niya kaya kitang-kita mula doon ang nakasaradong bintana ng kung sinumang nakatira doon.

Kagabi pag-uwi niya ay may nakita siyang mamahaling sasakyan sa labas ng bahay, nagtaas pa nga siya ng kilay dahil hindi normal na may ganoong klaseng sasakyan sa subdivision nila. Their place is not a high-end subdivision like the forbes or Beverly hills, wala sa kuko ng mga iyon maikukompara mo lang iyon sa isang simple, tahimik at maayos na barangay. Ang mga bahay depende sa design ay magkakadikit, iyong iba naman detached tulad ng sa kanya at sa katabing bahay mas malalaki iyon kompara sa magkakadikit at medyo may kamahalan din. Ang mga nakatira sa kanilang lugar ay ang sinasabi nilang common people with common job, iyong iba nasa abroad ang mga asawa na OFW, iyong iba naman ay seaman ang asawa o anak kaya umahon sa hirap, iyong iba ay nakapag-asawa ng foreigner, iyong iba binabayaran through pag-ibig ang bahay kagaya niya. Kaya nga kapag may nakikita kang nakaparada doon na katulad ng naturang sasakyan talaga namang magtataka ka. Kulang pa yata sa triple ang presyo ng unit doon sa presyo ng naturang sasakyan.

Dahan-dahan siyang tumayo at sumilip sa kabilang bahay, bukas ang bintana sa ibaba ibig sabihin ay may nakatira na talaga doon. May kapitbahay na talaga sila nacurious tuloy siya kung sinuman iyon. Pero mas curious siya kung bakit wala na ang mga kapatid niya sa kama nila ng ganoon kaagang oras kung wala namang pasok. Pumunta siya sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush, sinilip muna niya ang dalawang lalaking kapatid sa kabilang silid pero wala na ito doon.

"Norman, Aycie." Tawag niya.

"Ate nasa kusina po kami." nagtatakang pinuntahan niya ang mga ito.

"Bakit hindi niyo kami ginising-oh shit!" napamura siya ng wala sa oras ng makita kung sino ang kasama ng mga kapatid sa kusina. Mukhang nagulat ang mga ito sa nasabi niya, hindi sanay ang mga itong makarinig ng ganoon sa kanya.

"Good morning princess," nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay nagkaroon ng lunar eclipse sa umagang iyon, hindi solar kundi lunar eclipse dahil magugunaw na ang mundo. Hindi na siya nakapagsalita pa lalo pa at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ang paraan ng pagtitig nito na para bang hinuhubaran siya sa harap ng kanyang mga kapatid ang naging dahilan kung bakit nanginig ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Kung nagmamalfunction ang utak niya mas lalo naman ang puso niya.

The last time she saw this man she slapped him very hard, muling bumangon ang galit na naramdaman niya para sa lalaki dahil sa ginawa nito sa kanya. Pustahan? Ano na naman kaya ang dahilan kung bakit ito nandoon sa bahay niya, ano na naman ang pinupusta nito at ano na naman kaya ang pustahan na iyon.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tinaasan agad niya ito ng kilay pero ang lalaki ni hindi man lang tumingin sa mga mata niya kundi sa dibdib niya. Saka lang niya napagtantong manipis ang suot niyang sando at wala siyang suot na bra kaya bakat na bakat ang dibdib niya. Agad niyang tinakpan ang sarili at agad na pumasok sa banyo, may bra siya doon kaya mabilis niya iyong naisuot.

"Norman," malamig na tawag niya sa pangalan ng kapatid niya, mabilis itong natigil sa pagkain ng mga pagkain na siguradong hindi sa kanila galing dahil mukhang mamahalin.

"A-ate?"

"Bakit kayo nagpapasok ng hindi niyo kakilala sa loob ng bahay natin?" pagalit na tanong niya.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon