Chapter Twenty One
"AT SAAN KA PUPUNTA?" Mabilis niyang nabitawan ang mga gamit niya ng makita si Aycie na may bitbit na mga gamit, palabas na ito ng bahay ng maabutan niya. Kaya siguro mukha itong nagulat ito ng makita siya.
"A-ate-."
"Pumasok ka AYcie," she eyed her bags intently,"Ipapasok mo ba iyan o ako ang magpapasok ng mga gamit mo?"
"Ate I am sorry." Nakayuko ito at ayaw salubungin ang mga mata niya. "Kailangan kong gawin ito."
"Bakit Aycie? Kulang pa ba? Anong kulang ko para magdesisyon ka ng ganito? Saan ako nagkulang? Ibinigay ko ang lahat sa inyo mas inuuna ko kayo keysa sa sarili ko lahat ng pangarap ko ay para sa inyo halos kalimutan ko na ang sarili ko. Nagugutom ba kayo sa poder ko? Kulang ba ang baon mo sabihin mo lang dadagdagan ko huwag namang ganito." Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kapatid niya. "Bumalik ka na loob Aycie."
"Iyon na nga ate lahat nalang puro nalang kami, wala ka ng iniintindi kundi kami. Kahit na may sakit ka nagtatrabaho ka, kahit na hilong-hilo ka na kami pa rin ang inaasikaso mo mas inuuna mo kami sa lahat ng bagay kaya nahihiya na ako. Ayokong maging pabigat sa buhay mo."
"Kailan k aba naging pabigat sa buhay ko? Kapatid kita."
"Pero hindi mo ako kadugo ate, may tunay na pamilya akong handa akong alagaan at mas nararapat na alagaan ako. Mahal nila ako."
"Mahal din naman kita ah kahit na hindi tayo magkadugo kapatid pa rin kita sa batas magkapatid tayo."
Umiling ito sa sinabi niya kaya agad niyang niyakap ang kapatid baka sakaling magbago ang isip nito.
"Pagod ka na ate na alagaan kami hayaan mong bawasan ko naman ang dalahin mo. Matanda na ako alam kong nahihirapan kang pag-aralin si Norman sa college-."
"Hindi naman ako nagrereklamo hindi ba? Hayaan mong mahirapan ako role koi yon dahil kapatid mo ako at ate mo ako."
"Kailangan ko ng umalis." Mahinang bulong nito.
"Huwag mong gawin ito sa akin Aycie hindi ko kayang mawala ka." umiiyak na talaga siya habang yakap ang kapatid niya. "Please."
"Makakaya mo ate na wala na ako dito mas makakaya mo dahil wala ng pabigat pa sa iyo." Panay ang iling niya habang ito naman ay panay ang tulak sa kanya at dahil sa panghihina niya ay nagawa nitong makawala sa kanya. "Pupunta dito bukas sina mama at papa, gusto ka nilang makausap." Hindi siya tumingin sa kapatid niya dahil hindi niya kayang panoorin itong mawala sa kanya. "Gusto nilang magpasalamat sa lahat-lahat ng pag-aalaga at pag-aaruga sa akin." Nanginig na ang buong katawan niya, blanko na rin ang isip niya sa mga oras na iyon pakiramdam niya ay nawalan siya ng kakayahang makaramdam. Pakiramdam niya ay ninakawan siya ng puso sa pag-alis nito.
Hindi na niya namalayan na wala na pala ang kapatid niya, hindi na rin niya namalayan na kanina pa umuulan at wala siyang balak pumasok sa bahay. Gusto niyang maramdaman ang sakit ng bawat patak ng ulan.
"Ate Monica bakit ka nagpapaulan?" napatingin siya kay Norman na agad siyang pinayungan. Gusto niyang matawa at itanong dito kung ano pa ang kwenta ng paying na iyon kung basang-basa na siya? "Baka magkasakit ka pasok muna tayo, Emman, Yoona kunin niyo muna ang mga gamit ni ate." Uto s nito sa mga nakababatang kapatid.
"Emman." Bulong niya sa kapatid niya. "Wala na siya." Gusto niyang umiyak at ngumaawa pero bakit hindi niya magawa? Bakit ayaw lumabas ng luha sa mga mata niya? "Umalis na si Aycie."
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
Roman d'amourPaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...