Chapter Eleven
ILANG araw na ba niyang hindi pinapansin si Xancho? Hindi na niya mabilang, pati na rin ang mga araw na iniiwasan niya ito. How can she not? Iniiwasan niya ito hindi dahil galit siya dahil hindi ito tumupad sa pangako technically wala naman itong nilabag sa pangako nito dahil wala naman itong ginawa iniiwasan niya ito dahil nahihiya siya sa kanyang sarili.
They didn't have sex but he kissed her there—and there and everywhere, kahit siya ay hindi maatim na alalahanin ang ginawa niyang pagpapaubaya. Dapat nga yata ay pumayag nalang siyang magpaangkin uli dito, what they did was something so erotic and carnal—mas nakakahiya.
"Ate!" untag ni Yoona sa kanya ng biglang sumulpot ito sa kanyang harapan bitbit ang teddy bear nito. "May ale sa labas hinahanap niya po ang anak niyang si Catherine sabi ko naman walang Catherine dito pero ang weird po niya nakatingin po siya sa akin." Biglang naglaho ang kung anumang iniisip niyang kahihiyan ng marinig ang pangalan na binanggit ni Yoona.
"Ca-Catherine?"
"Opo, may kakilala ka pong Catherine?"
"Huh? Wa-wala naman akong kakilalang Catherine, huwag ka munang maglalabas Yoona baka nangingidnap lang ng mga bata iyon. Huwag kang sasama o kaya naman ay makikipag-usap sa hindi mo kakilala at kapag may kumatok at ikaw lang mag-isa huwag mong buksan ang pintuan dapat tingnan mo sa bintana at kapag hindi mo kakilala huwag mong lalapitan naiintindihan mo ba?"
"Opo ate."
"Good, puntahan mo ang ate Aycie mo huwag kang hihiwalay sa kanya." Sumunod naman ang kapatid niya sa utos niya. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang ate niya na nasa probinsya, matagal bago nito nasagot ang tawag. "Ate Susan."
"Napatawag ka Monica? May masama bang nangyari diyan? Si Norman okay lang ba?"
"Okay lang si Norman ate, pero may isa akong problema ngayon. Bakit may babaeng naghahanap kay Catherine dito sa bahay?"
Hindi sumagot ang kapatid niya sa kabilang linya ibig sabihin ay may alam ito. "Ate sagutin mo ako ang babaeng iyon ba si Alicia?" tukoy niya sa tunay na ina ni Yoona na nang-iwan sa sariling anak nito.
"Umuwi na siya mula sa Japan, Monica. Hinahanap niya si Yoona pero hindi naming sinabi kung nasaan siya at sinabi namin na dinala namin siya sa bahay ampunan. Wala kaming ideya kung paano siya napunta diyan." Kinagat lang niya ang kanyang pang-ibabang labi at iniisip kung ano ang gagawin niya.
"Bakit siya umuwi?"
"Nakapangasawa ng Hapon at gumanda ang buhay kaya ng sabihin niya sa asawa niya may naiwan siyang anak ay agad itong pumayag na hanapin ang bata at kunin."
Kumulo ang dugo niya sa narinig niya mula sa kapatid. "Anong karapatan niyang kunin si Yoona sa atin? Dalawang buwan pa lang ang bata ay iniwan na niya at hindi na binalikan tapos sasabihin niyang babalikan niya ito? How dare her! Hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang kapatid ko." Asik niya sa kapatid niya na nasa kabilang linya.
"Monica, alam kong hindi magandang sabihin ito pero nakita ko kung paano hanapin ni Alicia ang bata. Dalaga ka at pinapaaral mo silang lahat alam kong pati anak ko ay pinapaaral mo din hindi rin masama na ibigay mo si Yoona—si Catherine sa kanyang tunay na ina, mas makakabuti sa iyo iyon-."
"Kahit kailan ay hindi makakabuti sa akin na mawalay sa mga kapatid natin, hindi pwede ate. Tayo ang nagpalaki at nag-alaga sa bata kaya sa atin lang siya."
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
Storie d'amorePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...