Chapter Fourteen

69.5K 1.4K 47
                                        


Chapter Fourteen


"GUSTO mong sumabay sa akin?" untag ni Martin sa kanya ng madatnan siya nito sa faculty room nila. Palabas na rin siya dahil nagugutom siya at gusto niyang kumain ng snacks. "Pupunta akong canteen libre kita gaya ng dati.'

"Deal." Mabilis na sagot niya, papalabas na sila ng makasalubong nila si Betty, nakatingin ito sa kanilang dalawa pero mas nagtagal sa kanya at alam niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi naman lingid sa kanila na may gusto si Betty kay Martin, masyado lang yatang dense ang kaibigan niya dahil hindi nito napapansin ang bagay na iyon.

"Betty gusto mong sumama-."

"I'm busy." Gustong tumaas ang kilay niya sa sagot ni Betty sa pag-aanyaya ni Martin at walang imik na nilagpasan silang dalawa. "Mukhang wala sa mood si Betty these past few days hindi na namamansin."

She snickers. "Dense ka nga." Bulong niya dito at saka nagpatiuna na sa paglalakad. Sabay silang nakarating sa canteen at nag-order ng makakain. "Martin hindi mo ba napapansin si Betty?"

"Anong ibig mong sabihin sa tanong mo?"

"May gusto sa iyo si Betty." Natigilan ito sa pagkain at tumawa sa sinabi niya. "Don't tell me hindi mo napapansin?"

"Hindi, ganoon naman si Betty sa lahat ng lalaki dito. Malambing lang talaga siya sa lahat." Napabuntong-hininga nalang siya.

"Ewan ko sa iyo akala ko pa naman ako ang babaeng yelo pero ikaw pala ang manhid."

"Monica kahit na magustuhan ako ni Betty hindi ko rin siya magugustuhan dahil may iba na akong gusto." At hindi siya manhid para hindi malaman kung sino iyon. "Hindi mo ba itatanong kung sino?"

Umiling siya. "Hindi." Napapitlag siya ng maramdaman ang paghawak nito sa palad niya. Napatingin siya sa kaibigan.

"Ikaw ang gusto ko Monica matagal na akong may gusto sa iyo pero hindi ko masabi dahil ayokong masira ang pagkakaibigan nating dalawa." Seryosong saad nito. Dahan-dahan niyang hinila ang palad niya mula dito at saka umiling dahil iyon naman talaga ang sagit niya.

"Matagal ko ng napapansin na may nararamdaman ka sa akin Martin pero alam kong alam mo rin na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa iyo." Agad na bumakas ang lungkot sa mga mata nito sa sinabi niya. "I'm sorry but I love someone else."

"Iyong Xancho ba?" nagbago ang tono ng boses nito naging matigas. "Hindi ka niya seseryosohin-." Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at ipakita ang singsing na suot niya. Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig doon.

"He proposed to me and he is more than willing to wait until I am ready." Nagpropose nga sa kanya si Xancho pero hindi pa niya iyong tinatanggap, isinuot lang nito ang singsing sa daliri niya para hindi na raw siya habulin ng ibang lalaki. Malay ba niyang magagamit niya iyon sa mga sitwasyon na tulad nito.

"Dahil ba sa mayaman siya?"

"Dahil totoong tao siya Martin."

Umiling ito at may pagak na tawa na nanulas sa mga labi nito. "Sabi mo ayaw mong magpakasal hangga't hindi mo pa napapatapos ang mga kapatid mo. Bakit nag-iba ang desisyon mo?"

"Gusto mo talagang malaman kung ano?" tinitigan niya si Martin sa mga mata nito. "Because I love him, Martin. I love Xancho at iyon lang ang pwedeng rason kung bakit babaliin ko ang pangako ko sa sarili ko and he doesn't mind having my siblings with me. Mahal niya ang mga kapatid ko at iyon ang mahalaga. Hindi siya natakot sa ipinapakita kong pagmamatigas, he penetrated my soul and shattered that bloke of ice I've covered around my heart. He didn't try to change me but I wanted to change because of him because I love him and I will never love someone as deep as my feelings for him." Tumayo siya at iniwan ang mga pagkain na nasa mesa. "I am sorry but if you really love me irerespeto mo ang desisyon kong mahalin ang taong iyon. I can only offer you my friendship and hope you understand."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon