Chapter Seven
"Hexel?" Ngumiti ito sa kanya at ng mga oras na iyon pakiramdam niya ay nananaginip siya. Six years? Six years niyang hindi nakita ang kaibigan niya at parang sa panaginip ay nakikita niya ito sa harap niya.
Maganda pa rin ito, Hexel have this kind of innocent, elegant, and classy type of beauty everyone would die to have for. Kahit na hindi na ito magsalita ay mararamdaman mo ang authority sa buong katawan nito. She is still the same but different.
"Am I dreaming?" gulat na tanong niya dito para siyang nananaginip na hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung lalapitan ba o yayakapin ang kaibigan na nasa labas ng suite niya, is she even real? Humakbang ito pero bigla siyang napaatras, Hexel's beautiful face tilted to her left asking why she stepped backward. Hindi rin niya alam, maybe because she feels so different her heart was even skipping miles from her system. Natatakot siya.
"My Monica," she heard her speak. "You are not dreaming dear, come here." Ngumiti ito sa kanya and open her arms for her. Her throat is restricting and can't even utter a single word, ito iyong sinasabi nilang speechless. Gulat na gulat siya at marahil nabasa nito ang ekspresyon sa kanyang mukha kaya ito na mismo ang lumapit sa kanya. "I missed you." And Hexel's arms were around her body making her feel the reality of life, she is alive and she wasn't a dream.
"You are real." Naiiyak na tanong niya dito hanggang sa unti-unting humigpit ang hawak niya dito, gumanti din siya ng yakap. Para bang may nahanap siyang matagal na niyang hinahanap na hindi niya mahanap-hanap at ngayon na natagpuan niya parang may puwang sa puso niya na nabuo dahil dito.
"Hex." Hindi siya mahilig umiyak pero kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "I missed you too, miss na miss na kita." Ngumawa siya na parang bata habang yakap ito ng mahigpit. Iyong klase ng yakap na ayaw na niya itong pakawalan habang umiiyak siya ng malakas. This is Hexel, her friend, her bestfriend. "Huwag mo na akong iwanan please." Lumakas ng lumakas ang hikbi niya habang yakap ito. Naramdaman niyang kumalas ito sa yakap niya pero hindi siya bumitiw, natatakot siya na baka kapag bumitiw siya ay mawawala na naman ito ng matagal gaya ng dati. Bumitiw siya dati dahil akala niya iyon ang tama, nawala ito sa kanila at ngayon muli itong bumalik. "No."
"Monica, hindi naman ako mawawala kapag binitawan mo ako." Malumanay ang boses nito, she is as gentle as the river before the big storm. Dahan-dahan siyang bumitaw sa mahigpit na hawak nito hanggang sa tuluyan na niyang makita ang mukha nito. She is beautiful as ever, mas maganda ito ngayon, she looks more sophisticated, more mature and more intelligent yet deadly than before. "How are you?" hindi tumigil ang pagluha niya lalo na ng haplusin nito ang kanyang pisngi. "It's been too long."
"Hexel." Bulong niya sa pangalan nito habang hawak ang palad nitong nakahawak sa pisngi niya. "Are you back for real?"
Ngumiti lang uli ito at saka marahang umiling. "The big question is, umalis ba talaga ako Monica?" kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Kidding," narinig niyang muli ang tawa nito, but it was too different from her usual giggles it's hollow. "I'm here for a business meeting."
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Hindi ko kailangang maging manghuhula para malaman iyon, I have my ways. Dumaan lang ako para makita ka."
"Aalis ka ulit?"
Tumango ito. "It's not time yet, hindi pa ako pwedeng bumalik."
"But you are already here." There's panic over her voice.
"I'll be back soon Monica pero hindi pa ngayon, I will be back really soon and by that time gagawin ko ang nararapat at kapag natapos na ako sa gusto kong gawin I'll let you choose whether you stay or you'll go with me."
BINABASA MO ANG
ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)
Storie d'amorePaalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened four years ago when she accidentally spilled a very revered secret that can't be divulged. She kept it...